TM2 - 17

6.9K 221 9
                                    

Kahit sa gitna nang pag tatrabaho di ko maiwasang mangiti. Naloloka na nga siguro ako kasi panay ang ngiti ko. Ang saya saya ko lang,napapakanta pa ako. Nasasabik na ako para mamayang gabi.

''Youmie!''

Nagitla ako at muntik pang mahulog sa upuang pinatungan ko.

Si Lorvin iyon.

''I'm sorry, may urgent meeting kasi kanina sa automotive department. Kumain ka na ba??''

Nakahinga ako nang maluwag, ang akala ko pinag hintay ko siya.  Tumango ako at pinagpatuloy ang ginagawa.

''Hey, galit ka ba?''

''Hindi noh, ano ka ba?''

''Saan ka nag lunch?''

''H - Ha? Ah -- eh, dito na rin ako kumain may baon kasi akong dala.''

''Ganun ba, nagutom tuloy ako. Meron pa ba?''

Umusbong si manang konsensya sa isip ko.

''Pasensya ka na, naubos ko kasi eh.''

Tumawa siya nang mahina.

''Okay lang, mamayang gabi kaya? Taz ihatid na kita sa inyo.''

Nagdadalawang isip ako. Hindi ko alam ang isasagot.

''Hwag ka nang mag - isip, abangan kita ha?''

''Teka, kasi ano -- '' nag isip ako nang pwedeng idahilan. ''-- ano, sabay talaga kami ni baste kapag gabi. Bukas nalang ipagluluto kita.'' Sinungaling!

Lumungkot ang mukha niya, pati din naman ako ay nalungkot. Napakasinubgaling ko, pero MU na kami na Lorvin eh. Kaso nga lang minsan lang akong niyaya ni sir Iba at ang gusto ko ay mapalapit kaniya at makita siyang ngumiti.

Tumango siya at ginulo ang buhok ko.

''Sege, bukas. Namiss kasi kita eh. Haha!''

Natameme ako, si Batman namis ako. Bigla akong pinagpawisan sa sinabi niya. Kinikilig ako, ito na ba yun? In love na kaya ako sa kaniya?

Inlove na nga ako.  Jusko! Babae talaga ako!

''Sege, una na muna ako.'' Sabi niya sabay halik sa pisngi ko.

Dios ko, hinalikan niya ako. Unang pagkakataon niyang ginawa sa akin yun. At gusto kong himatayin, parang naglulundag sa tuwa ang puso ko. Ano yun, friends with kisses? 

Kumurap ako ng ilang beses, wala na pala si Lorvin sa harap ko pero ramdam ko parin ang labi niya sa aking pisngi.

---

Mabilis akong nag palit nang damit nang mag alas syete na nang gabi at tiningnan ang sarili sa salamin, isang maluwang na itim na t-shirt at leggings lang ang sout ko. Babae na akong tingnan.

Nang mag out kasi ako nang alas singko ay umuwi na ako agad. Namili ako nang karneng baboy at isinigang iyon. Nagprito ulit ako nang tilapia, parang napadami kasi ang kain ni sir noon kanina.

Bitnitbit ko iyon nang nakangiti. Medyo napaaga pa nga yata ako dahil wala pa siya doon.

''Ang ganda! Wooh! Ako si Youmie Eunice Diomampo! At kahit tomboyin ako, maganda pa rin ako! Wooh!''

Humigikhik ako pagkatapos kong isigaw ang lahat nang yun at wala akong pakialam kung may makarinig man sakin.

Ang daming ilaw at mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko at halos abot kamay ko na ang mga bituin kung saan alam kong naandoon si mama at papa.

Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon