CHAPTER 4 - MAGULONG ISIPAN

44 0 0
                                    

STEPHY'S POV


Ang aga-aga nakatulala na naman itong bestfriend ko. Mapicturan ko kaya 'to habang nakanganga. Hahahaha. Ay, hindi gugulatin ko nalang. Sorry besty, bad girl ang bestfriend mo sayo. Hahahaha.

"Lumilipad ang kabayo oh!" Sigaw ko ng malakas. Hahaha.

"Nasan?! Nasan?! Nasan?!" Hahaha. Natatawa ako sa reaksyon ni Stacey, mukhang tanga, literal yan 'te!

"HAHAHAHAHAHA! Mukha kang tanga bes!" Sakit na ng tiyan ko kakatawa dito.

"STEPHY!" Hala lagot na >_____< "Anong nakakatawa ah!!!" Heto na :(

"Sorry bes, kasi naman ang aga-aga nakatulala ka diyan. Buti nga di si Mikey nakakita sayo." For what I know siya ang iniisip mo. Hahaha.

"Kasi bes ... Hayyyyy!" Sabi na nga ba eh. Si Mikey lang e.

"Bakit mo kasi sinabi yun kay Mikey, may padeal-deal kapang nalalaman." Heto talagang bestfriend ko may utak naman di ginagamit. Lokaloka talaga.

"Ano ba yan hindi si Mikey! Naalala ko lang yung napanaginipan ko, na sabi ni Kupido sakin malapit ko na daw siyang makilala, pero in an unexpected moment." Hala! Wag kanang sad bestfriend :(

"Ano ba yan 'te! Hahaha. Naniniwala ka kay Kupido, sa panahon ngayon, landi nalang ginagamit"

"Sira!" Sabay palo sa noo ko. "Palibhasa kasi ..."

"Masakit yun ah!" Huhuhu. "Tyaka ganda gamit ko di, landi. DYOSA kaya 'to." Kailangan ko talagang i-emphasize ang dyosa sakanya. Bakit ba?

"Oo nalang bes, hmmm, bes pupuntahan ko lang si Mikey ah." Sabi na e, di mo din matitiis si Mikey. Pakipot kapa sakanya. Di naman dalagang Pilipina, amazona nga siya e. Hahahaha

"Sige bes. Labyuh!" Kiligin ka please! Hahahaha. Ang sweet ko sa bestfriend ko. Pwe! Kadiri siya. Hahaha. Goodluck sa lovelife mong magulo beshy. Suportado naman kita palagi :)

STACEY'S POV

Habang naglalakad ako, inisip ko ulit yung napanaginipan ko. Huhuhu. Ano ba yan! Tyaka, teka lang! Bakit ko naman pala pupuntahan si Mikey >_< Swerte naman niya! Pinaglalaruan talaga ako ni kupido! Kakainis na!

"Babe!!! Bakit nag-iisa ka?" Speaking of the trouble! Trouble in my stomach ^___^ Ang gwapo niya ngayon shet!

"Di ako bingi para sumigaw ka." Hala, mali pagkakasabi ko ata, eh basta lumabas na sa bibig ko e.

"Hala sorry naman na. Hmmm. Babe itutuloy ko pa ba?" Ayoko na nga ipatuloy sayo eh!

"Bakit suko kana?" Ang sama ko naman kay Mikey "Paano ako mapapasayo?" Sige lang Stacey Lee, maging pusong bato kapa.

"Ahh.. Hindi ah! Sige gagawin ko. For the sake of my babe. Para mapasakin kana. Hahaha." Wow ah! Lakas mo mangarap pre! "Tyaka ako na magiging pinaka swerteng nilalang sa mundo kapag naging tayo."

"Tssss..." -______- yabang mo! "Ge, bye!" Kairita ka pero kinikilig pa rin ako sayo Mikey.

Sorry Mikey! Huhuhu. Oo mahal na kita, pero di pa ko handa. Gusto ko munang masaktan si Laviña. Sorry talaga -____-

Di pa kita kayang mahalin ng buo ngayon ...

--*

Habang naglalakad ako papasok ng room. Haba ang lola niyong si Stephy mukhang pagod kakahanap sakin. Hahaha. Ganti ko yan sayo sa paggulat mo sakin kanina, kala mo ah.

"Oy bruha!" Pagkasabi nun binigyan ko siya ng May pangalan kaya ako look -___- "Hahaha. Joke lang! Heto talaga. Saan ka ba galing. Di ka kasama ni Mikey e."

"So kailangan kasama ko siya parati?" Naku! Isang banggit pa ng pangalan ng mokong na yon kutos kana sakin.

"Hala! Bes, bakit magkasama sila mo Laviña?" Ang sakit shet! "Yan na ba yung pinapagawa mo sakanya?"

"Oo yan na nga yun." Tipid kong sagot. Ang sakit pala na pinagtutulakan mo ang mahal mo sa iba :(

"Hi Stacey!" Saby smirk pa tong si Laviña sakin pagkatawag sa pangalan ko. "Kala ko ba mahihirapan akong kunin sayo si Mikey? Hahaha." Tanga, wag kang tumawa mukha kang aso!

"Iyo na siya actually, ok lang. Di naman ako uhaw sa lalaki." Tapos binigyan ko siya ng malawak na ngiti.

"For what I've know naiinggit ka lang." Sabay irap sakin. Haba! Kung alam mo lang din puro pasa kana sa isip ko. Don't worry girl pinaglalaruan ka lang ni Mikey.

Tumingin lang ako kay Mikey, at pinapahiwatig na ... Ipagpatuloy mo lang yan dear, tama yan ...

"Tara na nga hon. Baka agawin kapa sakin ni Stacey. Wag kanang lalapit sa babaeng yan ah?" Nagpabebe pa ang ate niyo. Sarap mo talagang sabunutan Laviña! Kainis ka! >____<

Nung nakalayo na sila ramdam ko yung sakit. Syempre may feelings na ko Mikey. Mukha akong tanga huhuhuhu.

"Sakit ba bes? Tanga ka e!" Wow! My ever supportive bestfriend. Huhuhu. Oo na tanga na ko!

"WHATEVER!!!" Nasigawan tuloy kita, kainis ka Stephy pinamukha mo pa sakin e :(

Isang linggo lang naman yan e. Matatapos din yang landian niyo. Kukunin ko din sayo si Mikey, pinahiram ko lang siya sayo. Sakin siya sa tamang panahon!

Naiiyak talaga ako ... ;(

STRANGER'S POV

"Ace? Ace? Sino ba yun?" Di na ko makaconcentrate sa ginagawa ko! Wala na kong bukambibig kundi ang pangalan na ACE :(

Kung sino ka man sana, patigilin mo na 'tong kakaisip ko sayo T__T Di naman kita kilala pero bakit ganito ang epekto mo sakin? Sino ka nga ba sa buhay ko? Bakit minu-minuto nasa isip kita? Ang daming katanungan sa isip ko tungkol sayo. Saan kita mahahanap o makikita. Tanging ... Ace ... Lang ang alam kong pangalan mo :(

Nakakainis na. Kung di ka maalis sa isipan ko. Please magpakilala kana sakin </3

Ace makikilala din kita soon.......

----*
END OF 4TH CHAPTER MUNA :)
TYAKA SINO KAYA YUNG STRANGER NA YUN? ^__^

Lalaki ba siya O babae?

Keep on reading guys ;)
Malapit ng makumpleto ang mga charactets :)

P.S - Sorry sa mga wrong typo at grammatical error :( Ieedit ko nalang pag may maraming oras na ko. Loveyou all guys :*

Leave a message kung may gusto kayong isuggest sa story :')

~WorstDawn

Cupid Stole My Heart  (ON GOING)Where stories live. Discover now