CHAPTER 14 - YUAN TIU

11 0 0
                                    

Napaka walang kwenta ko dapat noon palang di ko na minahal si Stephy >___< Ngayon paano ko sasabihin sa kanya na nainlove ako sa mismong bestfriend niya, sa kaisa-isahang taong pinagkakatiwalaan niya. Kung pwede ko lang ibalik yung mga panahong di ko pa sila kilala pareho, kaso, kaso malabo ng mangyare lahat ng yun. Nandito na kami sa sitwasyong ito. Katangahan pinairal ko e, may pinangunahan ako ng pagmamahal ko kay Stacey. Mas pinipili ko yung tao sa panaginip ko. Di naman namin sadya na mafall sa isa't isa, tadhana na ang nagdala samin dito, sana makaya naming malagpasan dalawa 'to sana masabi namin ng maayos kay Stephy at sa boyfriend ni Stacey na si Mikey :((

Alam ko naman na pareho kami ng desisyon ni Stacey, pareho na naming minahal ang isa't isa, heto na rin siguro ang tadhana ni kupido para samin. Oo siguro pinaglalaruan lang kami ng panahon pero handa naming harapan ang mga pagsubok ng magkasabay at magkasama. Binabalak niya na ring umamin kay Mikey pero di lang siya makakuha ng tyempo, kasi madalas na rin ang away nila at alam ko na ako ang dahilan kasi nawawalan na ng time si Stacey kay Mikey at napupunta na lahat ng yun saakin.

Ako? Pinaghihinalaan na din ako ni Stephy dahil madalas di niya raw ako mahanap, buti nalang pinagtatakpan ako ng Kuya ni Stacey, boto siya saming dalawa kaya ganun. Siya ang unang nakaalam ng lahat tungkol sa amin ni Stacey, kabisado niya na raw kasi ang galaw ng kapatid niya. Well, pareho daw ng dugo ang nanalaytay sa kanila. Mapapangiti ka nalang talaga sa kanilang magkapatid, aso't pusa ba naman.

Naalala ko yung pangako sakin ni Stacey habang nasa may seaside kami nung nakaraang linggo. Yung pangakong paninindigan naming dalawa.

---* Flashback

"Yuan?" Mahina niyang sabi. "Ipaglalaban mo ba talaga kung anong meron tayo? I mean yung relasyon natin na patago." Biglang lumungkot yung mukha niya ibang iba dun sa madalas kong makita.

"I promised diba? Then I do, really do. Sorry kung patago muna yung relationship natin ngayon ah." Niyakap ko siya ng napakahigpit.

"I understand pareho tayong in a relationship what would I expect?" Nginitian niya ko, tyaka hinalikan sa noo. "Don't worry Mahal, makakapaghintay naman ako.

Thank you Stacey, I promise to you, magiging ok lahat ng bagay, di ko papabayaan na may mangyaring masama sayo. Ipagtatanggol kita sa kung sino man ang mananakit sayo, makikipagpatayan ako sa kung sino mang mang-agaw sakin sayo, dahil di ako payag na makuha kapa nila sakin. Sa ngayon magpakasaya na muna sayo yung Mikey na yun, basta sakin ka sa tamang panahon. It is only you and I will be together, we will love each other what ever happen in the near future.

Up until now, masaya ako na naging tayo Stacey, ano pa ba hihilingin ko diba? Tanggap ako ng kuya ni Stacey, botong boto nga diba? Kahit na napakabipolar na girlfriend ni Stacey, iintindihin ko pa rin siya, ganun naman talaga pag mahal mo ang isang tao, even is worst flaws kailangan ia-accept. Di na ko makapaghintay na maisigaw sa buong mundo na kami.

---*

Habang naglalakad ako papuntang Xavier para pumasok, may biglang sumuntok sakin sa may tagiliran ko. Pakshet! Ang sakit! Pag tingin ko sa sumuntok sakin, nakita ko si Mikey, galit na galit na nakatingin sakin. Anong problema ne'to?

"Anong problema mo ah?" Tinitigan ko din siya ng masaya. "Bakit mo ko sinuntok?"

"Nagtatanong kapa? Eh mang-aagaw ka lang naman ng girlfriend, bestfriend pa ng syota mo pre ang pinatos mo! NA GIRLFRIEND KO LANG NAMAN!" Ibig sabihin alam niya na? Pero paano? Sinabi na ba ni Stacey sa kanya?

"Oh, ngayong alam mo na may magagawa kapa? Ako na yung mahal ng tinawag mong girlfriend, GIRLFRIEND KO na pala NGAYON!" Nginitian ko ng may halong pang-aasar. "Sorry pre! Mas mahal ako ng Stacey kesa sayo. Ang weak mo raw kasi."

"Eh Gago ka pala eh!" Sabay sinuntok niya ulit ako sa mukha but this time sa mukha na. "Layuan mo si Stacey! Akin lang siya!"

"Sigurado ka?" Tinulak ko siya palayo sakin. "Bakit ko siya lalayuan? Tyaka sino ka para utusan ako? Hahaha. Ah, oo nga pala ikaw yung taong ayaw na ni Stacey."

Sa sobrang galit ni Mikey pinagsusuntok niya lang ako ng pinagsusuntok, gaganti na sana ako kaso pumagitna si Stacey saming dalawa. Ang problema lang nandun din si Stephy, na naguguluhan ang itsura, di niya alam ang nangyayare alam ko dahil di pa nga namin nasasabi sakanya ang lahat.

"Tumigil na nga kayong dalawa!" Ngayon ko lang nakitang sumigaw ng ganun si Stacey, seryosong seryoso mukha niya. "Mikey diba sinabi ko sayo na manahimik ka nalang! Why you can't accept my decision? Is it hard to understand or what? We're done! Ano pa bang gusto mo? Please lang lumayo kana sakin!"

Lumapit ako kay Stephy, pero pag lapit ko sinampal niya ko.

"Yan ba ang dahilan ah? Yan ba ang dahilan mo kungb bakit wala ka na ding oras sakin? Bakit si Stacey pa? Bakit kayo pang dalawa na malapit sakin? Ang sakit Yuan! Minahal kita ng sobra tapos ganito lang mangyayare?" Heto ang ayokong makita sa isang babae yung luha na pumapatak sa kanila.

Kasalanan ko to! Dapat tinigilan ko na nung una palang pero wala e. Nandito na nasa huli nga talaga ang pagsisisi. Sorry Stephy, yan lang magagawa ko sa ngayon. Mas pinipili ko pa rin si Stacey, kasi yun yung sinasabi ng puso ko. Alam ko maiintindihan mo din kami ng bestfriend mo pag dating ng tamang panahon, mapapatawad mo din kami.

Malaking gulo to, sana Stacey wag kang mapagod mahal na mahal kita.


---*


Short UD lang sorry.

P.S. SORRY SA TYPOS, ERRORS AND GRAMMARS :))


~WorstDawn

Cupid Stole My Heart  (ON GOING)Where stories live. Discover now