CHAPTER 7 - THE DISASTER

31 0 0
                                    

Laviña's POV

Hindi ako papayag na mawala si Mikey sakin ang tagal kong hinintay na mapasakin siya. Malaman ko lang kung sino ang tinutukoy niya, humanda ang babae na yun. Di ako papayag na agawin niya sakin ang mahal ko. Ngayon pa ba? Naging kami na ni Mikey, wala siyang laban. Tyaka isang Queen B, aagawan niya? Kilay niya lang ang walang latay. Ang kapal ng mukha niya!

Di ko matatanggap na break na kami. Sobra akong nasasaktan </3 bakit ngayon pa? Kung kelan kami na at ok na ang lahat? Kung kelan malapit ko na siyang ipakilala sa parents ko! Nakakainis ka Mikey! Gaganti ako sa babaeng pinagpalit mo sakin, swerte niya lang kung maagaw ka niya sakin ng ganun, ganun nalang. Di ka laruan sakin Mikey, mahal kita!

"Lav, nasan boyfriend mo?" Tanong sakin ni Sabrina isa sa mga bestfriend ko. Buti nalang nandito sila para damayan ako.

"Oo nga girl. Where is he?" Dugtong pa ni Dana bestfriend ko din.

"Ahmm. Huhuhuhu! Iniwan na niya ko T___T Di daw talaga ako ang mahal niya." Bigla akong naiyak ng malakas.

"Then, sino ang babaeng tinutukoy niya?" Dudang tanong ni Dana.

"I don't know. Humanda lang siya pag nalaman ko ang pangalan niya!" Galit kong sabi.

"Igaganti ka namin Lav. Di kami papayag na ganyanin ka lang nila, isa kang Queen B sa Campus na ito!" Sagot naman ni Sabrina.

"Ang sakit, sakit ng ginawa ni Mikey sakin T___T Di ko kaya to." Parang dinudurog puso ko.

"Kaya mo yan. Malalagpasan mo din yan at babalik sayo si Mikey." Sana nga Sabrina, sana nga ...

---*

After ng class namin nakita ko si Mikey sa labas ng room namin, mukhang may hinihintay siya.

Ako ba? Makikipagbalikan na ba siya sakin? Magsosorry na ba siya? Ako na ang unang lalapit sa kanya :)

"Hon!" Pagkatawag ko sakanya tumingin agad siya at lumapit ako. "Binabawi mo na ba lahat ng sinabi mo kanina?" Parang nagtataka siya sa mga sinabi ko.

"Ah? Anong sinasabi mo Laviña? Di na ko makikipagbalikan sayo. Iba ang hinihintay ko hindi ikaw!" Wow kailangan mo ba talagang isigaw? Pinagtitinginan na kaming lahat ng mga classmates ko, malapit na din bumagsak ang mga luha ko. Kahihiyan 'to para sakin.

"ANONG TINITINGIN-TINGIN NIYO DYAN!!! MAY MOVIE BA DITO! GO! ALIS NA!" Galit kong sabi sa mga tsismosa kong classmate. "Mikey bakit? Bakit ganito ka sakin? Minahal mo ba talaga ako?" Duda kong tanong kay Mikey.

"Stacey, just move on, apat na araw lang tayo. Past time lang kita! Can't you see? Tyaka kami na ng taong mahal ko, yung totoong mahal ko." Past time? Bakit? Bakit di ko naramdaman agad yun?

"Sino ang babaeng yun?" Tanong ko.

"BABE! Kanina ka pa ba dyan?" Biglang lingon ko sa babaeng nagsalita. Si Stacey? Siya ba?! "Kausap mo pala si Laviña, babe? Anong meron?" Wow! Inagaw mo lang naman ang dapat na akin! Tyaka makayakap ka kay Mikey wagas ah!

"Ikaw pala, MALANDI ka!!!" Nangangalit kong sabi sabay sugod kay Stacey, pero hinarang ako ni Mikey. "Bakit mo pinagtatanggol yan ah! Di mo ba alam na maraming kaflirt yan dito sa Campus?!"

"Laviña! Shut up! Don't you ever try to touch my girl! Wag na wag mo siyang lalapitan! Ako makakalaban ko. At oo, si Stacey, siya yung babaeng mas mahal ko kesa sayo!" Para akong pinagkaisahan ng mundo. Di ako makahanap ng kakampi. Bakit ganito?! Gaganti ako sayo Stacey di pa ko tapos.

"Narinig mo Laviña? Kung wala kanang sasabihin pa, aalis na kami. Bye." Sabay smirk at irap pa sakin ang malanding babae na 'to. Humanda ka lang sakin Stacey.

Cupid Stole My Heart  (ON GOING)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora