CHAPTER 6 - SAYO AKO'Y KUMPLETO NA

25 0 0
                                    

STACEY'S POV

Pupunta ba talaga siya kahit hatinggabi na? Sana nga ....

Gusto ko rin naman siyang makausap ng maayos, yung kaming dalawa, gusto ko nang sabihin lahat sa kanya ang totoo, na mahal ko siya, mahal na mahal na mahal ko siya.

Sana di maging maramot samin si Kupido ^___^ Love you Kupido pag nangyare yun. Tyaka tiwala ako na si Mikey na yung pinagtaguan mo ng puso kong matagal mo ng ninakaw. Tignan mo, baliw na baliw na ko sa kanya. Isang napaka gwapong nilalang ang binigay mo sakin Kupido. Hahaha.

"Stacey?" Sabay ng pagtawag sakin ni Mikey ay ang pagkatok niya sa pintuan ng bahay ko. "Stacey?"

Shems! Wait lang Mikey! Kalma ka lang Stacey yung puso mo.

"Nandyan na, saglit lang nagmamadali?!" Pag bukas ko ng pinto. OMO! Ang gwapo niya sa suot niyang fit na fit na shirt :') Kita mo talaga yung abs niya. Kinikilig ako. Hahahaha. "Pasok ka wag mo lang akong titigan diyan baka matunaw ako."

"Ang ganda mo ngayon Stacey." So ngayon lang? Sabay tinitignan ko siya ng masama. "Joke lang. Lagi ka namang maganda sa paningin ko. Ikaw lang Babe." Ang cheesy mo, letche!

"TSSS! Tyaka bakit ngayon ka lang?" Aawayin ko muna siya bago ako umamin. Gusto ko munang makita reaksyon niya pag galit ako. "Kanina pa ko nagtext sayo ah! Sabagay di naman pala ako IMPORTANTE sayo." Sabay irap.

"Aah, kasi ano, pagkauwi ko tyaka ko lang nabasa text mo." Sabay kamot ng ulo niya.

"Nag-enjoy kang kasama siya? Dapat di ka nalang pumunta dito." Sabay irap ulit sa kanya. "Baka gusto mong umupo?"

"Ah, sige thank you. Pupuntahan kita kahit anong oras pa yan Stacey. Tyaka nagseselos ka ba?"

"Ako magseselos? Umasa ka sige. Gusto mong masaktan e. Aasa ka lang Mikey."

"Tssk. Ang bipolar mo." Pabulong niyang sinabi, tingin niya ba sakin mahina ang pandinig.

"Hindi ako bipo na katulad mo, di malaman kung sino ba talaga ang mahal niya." Oyyy Stacey umayos ka T___T

"Sabi na nga ba nagseselos ka e. Ititigil ko na 'to Stacey, ok lang na wag mo na kong pansinin ulet, basta ayoko lang nakikita kang nagseselos kahit kanino dahil sakin." Sasabog na ata ang puso ko dahil sa sinabi niya. Kinikilig ako.

"Mikey?" Sabi habang nakayuko. "I'm falling for you."

"Totoo ba? Whoooo! Yees!" Sabay nagtatatalon ang gago sa bahay ko. Hahahaha. Mukha siyang bata lalo siyang nagiging gwapo (^__^)

"I love you Stacey, and yes I really do." Para siyang tanga, bakit sinagot ko na ba siya? Lakas mo po kuya ahhh! Aaminin ko rin naman na kinikilig din ako.

"Lower your voice please! Tsss. Dapat pala di ko nalang sinabi mukha kang tanga diyan." Pagkasabi ko nun umupo siya sa tabi ko.

"Stacey." Sabay yakap sakin. "Promise, di na kita papakawalan pa. Ititigil ko na yung deal natin. Bukas din, makikipag break na ko kay Laviña." Ang gaan sa pakiramdam na yakap, yakap ka ng taong mahal mo habang binabanggit lahat ng salitang yon.

"Ehem! Nasasakal ako! Baka gusto mong alisin muna pagkakayakap mo sakin." Pagbibiro ko.

"Hehe. Sorry babe." Sabay kiss sa noo ko. Hala! Ang init ng mukha ko. Halatang nagba-blush pisngi ko. Hahaha. Kakahiya sa kanya. "Uyyy! Kinikilig siya. Hahahahahaha."

"Anong nakakatuwa dun!" Sabay takip ng mukha ko gamit yung kamay ko. "Wag ka munang tumingin, please."

"Sabihin mo muna, boyfriend mo na ko." Haba gago 'to ah! Hahaha. Pero ang saya isipin na boyfriend ko na siya. "Dali na."

"Swerte mo! Dali na wag ka munang tumingin please." Kakahiya na talaga!

"Ayoko, sasabihin mo muna yung password. Hahahahaha." Pinagtatawanan mo pa talaga ako . Edi fine! Talo na ko.

"Ok sige na. Boyfriend na kita and official na tayo!" Huhuhu. Grabe ka sakin Mikey!

"ILOVEYOU STACEY LEE. AKO NA ANG PINAKA MASWERTE NA BOYFRIEND MO!" Hala sige, isigaw mo pa. Hahaha. Ang saya sa feeling na akin na din siya sa wakas na may matatawag na kong akin talaga. Si Mikey na lang ngayon ang mundo ko. Siya nalang ang magpapasaya sakin bukod sa bestfriend at pamilya ko. Sobrang saya ko.

"Isigaw mo pa! Umuwi kana nga! Haha. Gabi na may pasok pa tayo bukas!" Pagtataboy ko sakanya.

"Ayyy. Dito nalang ako matutulog." Sabay puppy eyes pa ang mokong ^__^

"See you bukas Babe. Bye. Iloveyou." Pagtulak ko sa kanya palabas. Hahahaha.

"Ano ulit yun di ko narinig. Hahaha." Pakunwari ka pang lalaki ka!

"Iloveyou. Sige bye na!" Sabay sara ng pinto. Waaaaaa! Kinikilig ako shet! Hahahaha.

MIKEY'S POV

Ang saya ng pagtatapos ng araw ko, di ko akalain na yung babaeng kinukulit ko noon na maging akin. Basta basta nalang ako sasagutin. Napaka thankful ko talaga.

Paano kaya ako makakatulog ne'to? Tawagan ko kaya muna siya? Di naman siguro masama yun diba? Tutal girlfriend ko naman na siya ❤

Waaa! Ang corny mo pre! Hahaha.

Tyaka baka tulog na yun. Bukas nalang, magkikita naman kami. Hayyy. Napaka sarap sa pakiramdam ng ganitong feeling, na mahal ka rin ng taong mahal mo, sana wala nalang manggulo pa sa relasyon namin at di ako papayag na mangyare yun.

---*

Pag dating ko sa Western Wood agad akong sinalubong ni Laviña. Napaka clingy niya talaga. Ayst! Paano ko sasabihin siya kanya? Wala din naman akong pake sa babaeng to kung hindi lang dahil kay Stacey di ako makikipag relasyon sa kanya. Yuck lang talaga!

"Hon! Bakit di ka sumasagot sa mga tawag ko kagabi?" Tapos nag sad face siya.

"Ah, yun ba? Kasi ano, Laviña. Di ko alam na kung paano ko sasabihin sayo 'to." Paano nga ba?

"Ano ba yun hon? Oh my geee! Don't tell me ... Gosh!" Hala napano siya?

"Break na tayo ..." Sabay yuko ako. Ok na nasabi ko na. Yung ngiti sa labi niya napalitan lahat ng lungkot at sakit. Sorry Laviña. Sorry talaga.

"Uhh?! Nooo! Hindi pwede! Mahal mo ko diba? Bakit ka makikipag break sakin?!" Galit na galit niyang sabi sakin.

"Narealized ko kasi na di talaga ikaw ang mahal ko."

"Pero, sino sabihin mo?!" Wag mo nang itanong, at wag na wag mo lang siyang saktan ako makakalaban mo!

"Di mo na dapat malaman pa." Gulo lang pag nalaman mo pa. "Una na ko. Bye." Iniwan ko siya umiiyak doon. Atleast ok na yung samin. Tyaka ok na din yun para di na kami mahihirapan ni Stacey.

"Mikey, bumalik ka dito!!!" Sigaw niya pero wala na kong pake.

Sorry Laviña, di ikaw yung hinahanap ng puso, di ikaw ang laman nito. Sorry kung niloko kita. Sorry kung ginamit kita para mapasakin si Stacey. Siya naman kasi ang tunay na mahal ko. Siya lang at wala ng iba pa. Siya na ang huling mamahalin ko, di ko kakayanin pag nawala pa siya sakin. Iingatan ko siya, papahalagahan ko siya higit kanino man. Mahal na mahal ko si Stacey at di ako takot ipagsigawan yun.

"Stacey, sayo ako'y kuntento na..."

---*

Ano kayang gagawin ni Laviña sa next chapter?

Ano kayang magiging kapalaran ng relasyon nina Mikey at Stacey?

Kinikilig na talaga ako sa kanila. Hahaha.

Keep Reading Guys :*

P.S SORRY SA MGA TYPOS, ERROR, AT GRAMMAR :') LOVELOTS :*

~WorstDawn

Cupid Stole My Heart  (ON GOING)Where stories live. Discover now