CHAPTER 8 - TIWALA

25 0 0
                                    

STACEY'S POV

Siguro naman titigilan na kami ni Laviña, tyaka ilang araw na rin niya kaming binabalewala ni Mikey. Huwag nalang nasa siyang umeksena pa, kung hindi aabot kami sa World War III. At kung mangyare man na may binabalak talaga siya, alam ko nandyan si Mikey para sakin, para ipagtanggol ako.

Sana ganito nalang parati, yung tipong masaya ako, walang nanggugulo. Yung tipong tahimik lang talaga ang buhay, tulad ng iba na napaka normal lang ng lifestyle nila. May bestfriend na laging nandyan, tulad ng bessy ko na si Stephy, at may napaka gwapong boyfriend, keme lang. Hayyyy, ang saya talaga ng ganito.

Dahil linggo ngayon balak namin ni Mikey na magdate, kaso hanggang ngayon di pa rin ako makapili ng damit ko. Kakainis naman, gusto ko kasi maganda ako sa unang formal date namin. Nababaliw na ko dito, di ko talaga alam ano susuotin ko T___T What if tawagan ko kaya bestfriend ko? Kaso baka busy sa boyfriend niya, balak niya na ngang ipakilala sakim next week e. Ano kayang itsura ng boyfriend niya? Tyaka tatawagan ko lang naman siya para tanungin e, edi magalit boyfriend hihiramin ko lang naman saglit si Stephy, chaka niya.

Habang nagriring ang phone ni Stephy, di pa rin ako makadecide kung anong damit susuotin ko. Kinakabahan kasi ako.

"Hello Stephy?!"

(Hmm. Nasa baba si Stephy. Bakit?) Hala! Sino yung sumagot? Huhuhu. May magnanakaw ba kita Stephy? Wag kang magpanic Stacey kalma lang.

"Oyyy! Ikaw! Sino ka?! Bakit mo hawak phone ng bestfriend ko?!" Pagtataray ko. Kung man siya wag na wag niyang sasaktan bestfriend!

(Sorry, boyfriend niya to.) Hala. Shet. Nasigawan ko, napasama pa tuloy image ko sa jowa ni ate mong Stephy. Di naman kasi nagsabi na nasa bahay siya ng jowa niya. (Saglet ah, baba lang ako.)

"Ok po. Sorry din nasigawan kita. Akala ko kasi stranger." Kakahiya talaga to. Huhuhuhu. Wrong timing talaga pagtawag ko.

(Stephy? Mahal? Tumatawag bestfriend mo. Sorry nasagot ko.) Ayy. Gentleman ang jowa ng bestfriend ko taray naman.

(Si Stacey? Bakit daw?) Sino pa bang bestfriend bukod sakin? Baliw din to mismo. Hayyy! (Bes, napatawag ka?)

"Kasi ... I need you right now! May date kami ni Mikey, and di ko alam which one should I wear. Huhuhi. Bes punta ka sa bahay please." Pagpupumilit ko sa kanya.

(Kasi ... Bes, di talaga ako pwede e. Hope you understand my reason.) Tsss. Oo nalang Stephy. Boyfriend first ka bago bestfriend. Hayyyy.

"Ok." Walang gana kong sabi sabay end ng call.

Hayyyy! Kakainis naman, napaka problemado ko.

Tapos biglang tumunog phone ko.

From: Laviña

Hi dear! Available ka ba this day? Can we talk?

Ano namang kailangan niya? Kala ko tatantanan niya na kami.

To: Laviña

For what? Di na babalik sayo si Mikey. So please! Wag kanang umepal.

Panira ka ng araw Laviña. Bwisit!

From: Laviña

It's all the man in your dream. Oo alam ko yun.

Paano niya nalaman na may panaginip ako tungkol sa isang lalaki? Tyaka may alam siya? Kilala niya kung sino? Kupido si Mikey yun diba? Tama ako diba?

To: Laviña

Let's meet in a Tea Shop near our campus I'll be there in 15minutes.

Kailangan ko nang malaman kung sino ba talaga yun. Para na din matigil na ang pag iisip ko sa lalaki sa paniginip ko. Hayyyyy.

Cupid Stole My Heart  (ON GOING)Where stories live. Discover now