CHAPTER 15 - Mikey's Pain

9 0 0
                                    

Mikey's POV

Ginago mo ko Stacey! Akala ko ba ako lang? Tapos ano ganito nalang lahat para sayo? Humanap ka ng iba habang tayo pa. Ang hirap tanggaping ng ginawa mo sakin. Nagmukha na kong tanga, nawala kapa sakin. Di ako basta magpapatalo sa Yuan na yun, ako ang nauna, akin ka dapat. Di ako papayag sa gusto mo, magkakamatayan man kami ng Yuan na yan.

"AKIN KA LANG STACEY!!!" Sa sobrang sama ng loob ko, napasigaw nalang. Tsss, sino bang makakarinig sakin dito, wala naman. Magpapakalasing nalang ako, iiyak ko nalang kahit nakakabaklang tignan. Nasasaktan din naman kasi kaming mga lalaki, kaso wala ng nakakaramdam nun ngayon sa mga babae. "Babawiin kita sakanya. Mapupunta ka ulit sakin."

Sana panaginip nalang lahat ng 'to, na ako pa rin at si Stacey, na hindi niya ko pinagpalit kung kani-kanino lang, na ako lang ang manimahal niya, na ako lang pinapahalagahan niya, na kami parin hanggang dulo, na siya ang dadalhin ko sa harap ng altar ng simbahan, na ako ang kasama hanggang pagtanda. Sana nananaginip lang ako ngayon. Ang bigat sa pakiramdam >____<

Stacey diba sabi mo tayo lang dalawa, bakit ganito? Iniwan mo ko sa ere, sobrang sakit, di ko kayang gamutin 'to ng mag-isa lang ako, kailangan kita para maghilom lahat ng sugat na mismong ikaw din ang gumawa, bumalik ka na sakin Stacey, di ako papayag na hanggang dito nalang ang lahat ang dami na nating pangarap na kailangang matupad. Sige, sabihin na nating obsessed na ko sakanya, masama ba yun? Mahal na mahal ko lang naman siya.

I am wasted, di ko alam ang gagawin ko sa sarili ko, up until now di ko pa rin matanggap ang mga nangyayare. Isa lang naman ang makakaintindi sakin this time, sana di pa siya nagtatanim ng sama ng loob sakin, after all what I'm done to her, sana kausapin pa niya ako. Siya kayang umintindi sa sitwasyon ko na ganito noon pa man.

"Laviña? Nasan ka? I really damn need you right now puntahan mo ko."

"Nasan ka Mikey? Teka lasing ka ba?" Mukhang alalang-alala sa kabilang linya si Laviña, hanggang ngayon minamahal niya pa rin ako. Walang duda yun.

"Sa spot natin noon, I need youLaviña."

"I'll be there, hintayin mo lang ako ah. I'll be there Mikey." Thank you Laviña, and sorry kung hanggang kaibigan lang kaya kong ibigay sayo :(

Sa ganitong problema, siya lang natatakbuhan ko. Si Laviña naman nakakaintindi sakin, yung parents ko, may kanya-kanyang buhay. Hayyyyyy! Ikaw nalang ang buhay ko Stacey mawawala kapa!

---*

"Mikey!" Nakita kong lumuluha siLaviña papunta sakin. "Ano bang nangyayare sayo ah? Nag-away ba kayo ng Stacey na yun?"

"Wala na kami! Wala na ..." Napahagulgol nalang ako ng napakalakas sa harap niLaviña. "Pinagpalit niya ko dun sa gag*ng Yuan na yun. Pinagpalit niya lahat ng hirap na hinarap namin ng sabay, dahil sa letcheng lalaki na yun!"

"Shhhh Mikey, nandito naman kasi ako para sayo, pero di mo makita yun!" Nakita kong pinunasan niya yung mga luha sa mata niya. "Oo nga pala, I'm not her. Hahaha. She's totally different, she's mysterious, kaya ka nainlove ng sobra sakanya."

"Sorry Laviña, ayokong saktan ka ng ganito, ever since alam mo yan, pero siya talaga ang mahal ko. Sobrang mahal ko ..."

The next thing I know na nangyare saming dalawa niLaviña is, she kissed so passionate, and I tempted to answered that kissed. That time I forgot everything, the pain I feel, parang gusto ko lang makalimot sa lahat ng hatred sa puso ko. Laviña's willing to gave everything in her this very night, but I refused, may respesto ako sakanya, at faithful parin ako kay Stacey kahit anong mangyare.

"Why Mikey? Up until now ba siya pa rin? Wake up, I'm here willing to give everything, hinding hindi kita iiwan katulad ng ginawa niya sayo. Kaya kong patunayan yun. Just give a chance to prove it to you, because I love you, I love you more than you know. Kaso wala akong magawa."

I know your pain in me Laviña, pero di ko kayang pantayan yang pagmamahal mo, ang kayako lang ay yakapin ka, at patahanin ka sa pag-iyak na dulot ko din.

"May respeto ako sayo Laviña, and this is all wrong ayokong magtake advantage sayo kasi alam kong mahal mo ko, kasi iba ang mahal."

"OO NGA PALA! SIYA YUNG MAHAL MO DIBA? YUNG BABAENG PINAGPALIT KA SA BOYFRIEND NG BESTFRIEND NIYA, SA BABAENG WALA NG PAKE SAYO NGAYON, KAY STACEY NA INIWAN KA NA! SA KANYA NA ...." Di ko na siya pinatapos sa sasabihin na naiirita na ko.

"STOP!!! Don't judge her! Kahit anong mangyare mahal ko pa rin siya."

"Fine! Magpakamartir ka ah? Good BYE!!!" Umalis na siya ng may sama ng loob sakin, di ko din siya masisisi, pagkakamali ko na naman.

"ANG TANGA TANGA MO MIKEY TYLER!!!" >_________<

---------*

Laviña's POV

Kala ko papayag na siya na may mangyare samin, kaso ang laki niyang tanga! Manok na ang lumalapit sa palay inayawan niya pa. Kahit na ilang beses na siyang sinaktan ng Stacey na yun, siya pa rin ang mahal ni Mikey, na kahit kelan di ko kayang higitan. Nasasaktan din ako, sa bawat oras at panahon na nakikita ko silang dalawa na magkasama, na masaya, naghaharutan. Kaso ano nga ba ang laban ko? Ginamit na nga ako ng naturingan kong bestfriend para maging sila, na akala ko totoong mahal niya ko, pero hindi pala, lahat ng yun malaking biro, sinubukan kong gumanti pero wala din. Ngayong tadhana na ang gumagawa ng paraan ayaw pa rin sakin ni Mikey.

"Mikey ano pa bang dapat kong gawin para mahalin mo ko, di lang basta kaibigan kundi bilang isang girlfriend mo, tulad ni Stacey? Nasasaktan ako sa wuting nakikita kitang masaya ka sakanya."

Hanggang tingin nalang ba ako sa pagmamahal mo? Na kahit kelan di ko na makukuha pa. Kelan kaba magigising sa katotohanan na di kana niya mahal MIKEY TYLER! Ang tanga mo, pagdating sa babae na yun!

Nasasaktan ako ng sobra, pero sa desisyon kong to sana tama na ang lahat ang palayain ka nalang kasi alam kong wala naman na kong mapapala pa sa paghahabol ko sayo, dahil kahit minsan di mo na papakinggan pa yung tinitibok ng puso ko para na mahal kita, sobrang mahal na mahal kita higit kanino pa Mikey, kaso wala eh, nasa kanya na yang puso na di niya iningatan ng mahigi. Paalam na Mikey pinapalaya na kita ...


---* End of chapter

Sorry sobrang bagal ng update T___T Di ko na mabigyan ng time yung wattpad ko Y______Y

P.S SORRY SA ERRORS, GRAMMAR, AND TYPOS

P.P.S Hahaha. Mag-a-update nalang ulit ako tomorrow :* LOVELOTS ^__^

P.P.P.S SORRY SA SHORT UPDATE. HEHEHE.


~WorstDawn

Cupid Stole My Heart  (ON GOING)Där berättelser lever. Upptäck nu