CHAPTER 5 - MISSING YOU

31 0 0
                                    

STACEY'S POV

Tatlong araw na simula nung naging si Mikey at Laviña :( At hanggang ngayon di pa rin nagpaparamdam sakin si Mikey. Ano na kayang nangyayari sa larong ako ang unang nag-isip at ako din ang unang magsimula? Natutunan na bang mahalin ni Mikey si Laviña sa tatlong araw na nakakaraan pa lamang? Hayyyy! Pag nagkausap ulit tayo Mikey sasabihin ko na yung totoong nararamdaman ko para sayo. Aamin na kong mahal kita noon pa ngunit takot lang akong masaktan, dahil alam ng buong Western U na isa lang akong ordinaryong estudyante dito at ikaw? Ikaw yung tinitingala, heartthrob ka nga diba? Sikat ka, ako hindi.

Sana pala nung una palang sinabi ko na sa buong Campus na isa kami sa nagmamay-ari nito para iwas chismis samin ni Mikey. Ako sana ang tinuturing na Queen B hindi di Laviña. Oo siya ang pinakasikat saming dalawa pumapangalawa lang ako. Kaya nung nalaman nila na naging sila ni Mikey tuwang tuwa lahat ng mga estudyante. Habang ako nagluluksa :'(

"Mag-isa ka?" Mukhang pamilyar ang boses na yun ah. Pagharap ko si Mikey nga! Gusto ko siyang yakapin pero hindi pwede dahil madaming makakakita samin. "Parang naiiyak ka?"

"Ah. Wala 'to, napuwing lang." Oo dahil sa wakas makakausap na kita ulit.

"Wala nga ba?" Sagot niya habang nakatingala sa langit. "Di ka marunong magsinungaling Stacey."

"Kasi ... Kumusta na pala yung pinapagawa ko?" Pag iiba ko ng usapan namin.

"Ok lang, di naman pala ganun kahirap mahalin si Laviña ..." MAHALIN??? Tama ba narinig ko? Huhuhu, heto na nga ba sinasabi ko e. "Ayaw niya kong mahiwalay sa kanya. Hahahahaha." Kinatutuwa mo pa yun? Akala ko ba ako ang gusto mo?

"Good for you." Walang gana kong sabi.

Mikey, bakit? Bakit ang sakit, sakit? Malapit ka nga ngayon sakin pero parang napakalayo mo? Porket ba pinagtutulakan kita ngayon sa babaeng yun? Minamahal mo na ba talaga siya?

"Sige una na ko Stacey, kung ano man yang problema mo. Usap tayo mamaya. Ingat ka. Mamahalin pa kita." Mahal mo ko? Ano ba talaga Mikey!?

"Mamahalin pa kita." Ang sarap pakinggan, pero di ko alam kung ako ba talaga ngayon o si Laviña ang nasa puso mo. Para akong sinasaksak ng sarili kong plano.

I miss you Mikey! Yung dating ikaw na kinukulit ako pag nagkikita tayo :'(

---*

Tanghali na, pero di ko pa rin nakikita ang bestfriend ko. Di siya pumasok ng 2subject. Saan na naman kaya nagpunta yun? Wala tuloy akong karamay ngayon sa pagluluksa ko. Hayyyy! -_____- Humanda ka sakin Stephy >__<

Makauwi na nga lang ng bahay, baka sakaling doon mawala 'tong sama ng loob na nararamdaman ko :'( At sana di ko na makasalubong yung dalawa.

Anong 'tong nangyayare sakin. Pambihira naman! Naiiyak na naman ako sa sakit na nararamdaman ko. Gagawa na ko ng paraan para mapasakin na ulit si Mikey T__T

---*

Pagkarating ko sa bahay, as usual lonely na naman ang ate niyo. Mag-isa lang kasi ako dito, natuto akong maging independent sa mga parents ko. Pareho kami ni kuya kaso di kami gaanong close. Tyaka magkaiba kami ng school so, we don't have bonding moments together. Sweet namin ni kuya diba? Hahaha.

Habang nakaupo ako sa sofa nanonood ng paborito kong movie na "16 Wishes" (heto nalang nagpapasaya sakin kapag malungkot ako) Tumunog ang phone ko.

From: Crushy ❤

Stacey. Usap tayo nasan ka?

Wala na yung pagtawag niya ng babe sakin >____< huhuhu. Ano ba 'to? Walang kayo Stacey! So please lang wag kang tanga!

Cupid Stole My Heart  (ON GOING)Where stories live. Discover now