2 : WHAT THE HELL?!

299 14 0
                                    



Nakakainis! Hindi makatarungan! Walang hustisya! Walang forever!

A guy just stole my first kiss! That guy stole my first kiss just because of his fuck!ng friends' dare! Kung bakit naman kasi sa dami ng lugar sa Maynila bakit sa kung nasaan pa ako saka nila naisipan na maghamunan ng pagkalalake nila.

Naglalakad lang ako papunta sa studio dahil may meeting ako sa next client namin, wedding na naman. As I was walking bigla na lang humarang ang bwisit na lalake na iyon, humingi ng pasensya at pagpapatawad saka ako hinalikan!

Sa sobrang gulat ko sa ginawa n'yang kalapastanganan ay nakuha pa na sabihin ang pangalan niya bago umalis at bumalik sa mga kaibigan niya.

Anong pangalan niya? Well, kung tama ang dinig ko, Luke or Duke ang pangalan niya. Whatever! Wala akong pakelam sa pangalan niya, at sana hindi ko na siya makita pa kahit kailan at kahit saan! Impakto siya! Animal! Hayup! Pinsan ni Lucifer! Ligaw ng demonyita! Bwisit siya!

***

Okay naman ang kinalabasan ng meeting, may schedule na para sa prenup photoshoot at save-the-date video teaser. Next week pa naman kaya ay three days pa ako para makahanap ng location na swak sa ideas na sinabi nila kanina.

***

Pauwi na ako kanina ng maisipan ko na dumaan sa mall para tumingin ng aircon para sa kwarto ng apartment na tutuluyan ko. After one month ng pangungulit kay Mama at Papa, pumayag na rin sila sa wakas. Well, pumayag sila kasi nakita naman nila ang apartment na balak kong upahan.

Miss Wedding DiaryWhere stories live. Discover now