5 : BOYFRIEND

204 10 0
                                    



As expected... Talk of the whole building ang ganda ko. Kasalanan niya lahat ng nangyayari ngayon.

Lahat ng makakasalubong ko tinatanong ako. Hindi ko naman masabi na hindi. Hindi naman ako sinungaling. Ngiti na lang tuloy ang nagagawa ko. Hay jusko!

Pinatawag din ako ni Sir Marlon kanina. Mabait talaga si Sir. Siya pa kasi ang humingi ng pasensya para sa kalokohan na ginawa ng anak niya. Hindi rin naman siya nakatiis, nagtanong din siya kung totoo ba ang sinabi ng magaling n'yang anak kahapon.

Mabait talaga si Sir Marlon kaya naman sinabi ko sa kanya ang totoo, ang buong pangyayari. Lalo tuloy s'yang himingi ng paumanhin para sa anak niya. Sabi pa nga niya kukutusan niya si Hinayupak Guy dahil sa ginawa nito sa akin. Wish ko lang! Kapag kinutusan talaga ni Sir Marlon ang anak niya, ako na ang pinakamasayang babae sa mundo.

ASA NAMAN AKO!

***

May shoot ako kanina para sa isang magazine, ang gwapo ng model. Si Cupid Lucifer. Syempre gwapo siya, kapatid ko eh.

Okay naman ang naging shoot, until he came. Punyemas!

Okay lang naman kung nandoon siya para tumingin sa ginagawa namin, pero pinanindigan niya ang pangalan niya na Hinayupak Guy. Kausap siya ng kausap sa akin habang nagtatrabaho ako. Kupal siya!

Gusto ko sana s'yang sigawan o dedmahin, kaya lang ayoko naman na matawag na bastos, saka boss ko pa rin naman siya.

Habang nag-aayos kami ng gamit kanina after ng shoot, nilapitan ako ng kuya ko at sinabihan na sabay na kaming umuwi. Nakita pala ni Hinayupak Guy. Nilapitan niya ako at tinanong kung sino ba ang model na 'yon at sinabihan pa ako na sabay kaming umuwi. Boyfriend ko daw ba si Kuya Cupid. Like seriously? Ano naman sa kanya?! Hindi kami close! Hindi ko siya jowa! Hindi ako nagsalita, tuloy lang ako sa pagliligpit ng mga gamit.

Nung nilapitan ulit ako ni Kuya, tinanong niya ako kung pwede na daw ba kaming umalis. Sasagot na sana ako, pero hindi lang pala hinayupak ang lintik na si Luke, epal din.

Sabi niya hindi pa daw ako pwedeng umalis dahil may pag-uusapan pa kami. Tinanong niya kung sino si Kuya Cupid, sasagot na sana si Kuyanpero nagsalita na naman ang loko. Hindi daw ako pwedeng ligawan, off-limits daw ako dahil girlfriend niya ako.

Sa gulat ko napasigaw talaga ako kay Kuya.

"HINDI TOTOO 'YON KUYA CUPID! HINDI KO SIYA BOYFRIEND!"

Nagulat ang lahat ng nakarinig. Hindi naman kasi nila alam na kapatid ko si Kuya. Isa pa siguro sa dahilan kung bakit sila natigilan ay dahil sa salitang "BOYFRIEND!"

Itinama ko agad ang sinabi ni Luke dahil sigurado ako na ikukwento iyon ni Kuya kay Mama at Papa. Tutuksuhin na naman nila ako.

Hindi naman ako nagkamali. Hanggang bago ako umakyat dito sa kwarto hindi pa rin sila tumitigil.

Ang laki na talaga ng atraso sa akin ng Hinayupak Guy na 'yon!

Makakaganti din ako sa kanya!

Miss Wedding DiaryWhere stories live. Discover now