9 : Lucky

64 3 0
                                    


Hindi pa rin ako maka move on sa ganap kagabi. Hindi ko naisip at hindi ko talaga inisip na gagawin niya iyon dahil wala naman talaga ako g pake sa kanya, MATINDI TALAGA ANG TAMA NIYA SA PAG-IISIP!

Hindi naman niya ako girlfriend o kahit friend para gawin niya ang lahat ng ginawa niya kahapon. Matindi ang effort ng loko. Talagang hindi inaasahan. Siya pala ang nagbigay ng malaking baboy at mga bulaklak sa cubicle ko, tapos nagpunta pa siya dito sa bahay nagdala ng pagkain na akala mo tatlumpo ang miyembro ng pamilya ko.

***

So far so good ang araw ko, kalahating araw na ang lumipas at hindi pa rin siya sumusulpot. Meaning hindi ko pa (at huwag na sana) siya nakikita.

Napagpasyahan ko kasi na dito sa restaurant malapit sa building ng office namin kumain dahil may meeting din naman ako mamayang after lunch kila soon-to-be Mr. & Mrs. Tamayo. Tumawag nga sila kanina, sabi sa malapit na Desserts Paradise na lang kami mag-meet. Kaya lang hindi ako pwede, masisira ang diet ko. Charot!

Laters! Kailangan ko ng umalis at pumunta sa meeting place namin.

***

Ay nako, grabe talaga ang inggit na nararamdaman ko kapag nakikita ko si Ms. Zed at Sir Harley, nakakakilig naman kasi sila ng todo. Alam ko na masamang mainggit, pero wala eh, talagang nakakainggit sila.

Ayokong maniwala sa mga swerte o malas na iyan, pero minsan kasi hindi mo talaga maiiwasan. May mga tao siguro talaga na swerte, kagaya na lang ni Ms. Zed. May magandang trabaho, masayang buhay, maligayang buhay pag-ibig, gwapo at mapagmahal na mapapangasawa.

Kung si Ms. Zed swerte, ako mukang kapos sa swerte, pero alam ko naman na hindi ako malas. Wala man ang lovelife, may trabaho naman ako na enjoy ako, masayang pamilya.

Kailan kaya ako magkakaron ng kahit manliligaw man lang? Yung hindi magpapasindak kay Kuya Lucifer, yung gagawin ang lahat mapasaya at mapatunayan lang na mahal niya talaga ako?

Ang sarap mangarap, ang sarap mag-imagine na may tao na gagawin ang lahat mapasaya ka lang. Sana naman hindi lang ako hanggang imagine. Gusto ko naman na maranasan ang ganong pakiramdam.

Kailan kaya?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 16, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Miss Wedding DiaryWhere stories live. Discover now