7 : BAD LUCK CHARM

186 7 1
                                    



Sipping your favorite drink surely is pure bliss.

Day off ko ngayon, kaya naman nandito lang ako sa isa sa paborito kong coffee shop. Feeling rich kid kaya dito nakatambay habang nag e-edit ng mga pictures sa shoot ko kahapon. Ang ganda ni Miss Zed, ang gwapo naman ni Mr. Harley, bagay sila. Sila na pinagtagpo ng tadhana at pinagpala.

Ako kaya, kailan kaya darating ang itinadhana sa akin at kailan din kaya ako pagpapalain ng langit sa usaping love life?

***

Seriously?!

Hanggang day-off ko ba naman nasundan  ako ng bwisit na lalake na 'yon!

Oo! Tama! Nainis na naman niya ako. Ganito kasi ang nangyari.

Busy ako sa pag e-edit ng mga pictures ng biglang may lumapit sa akin na babae at sinabihan na mang-aagaw daw ako ng boyfriend. Malandi daw ako. T@ngina! Humihiling nga ako ng lovelife tapos aakusahan ako na mang-aagaw? Anong kabaliwan 'yon?!

Hindi ko siya pinansin agad kasi hindi naman ako ganong klaseng babae, pero hindi siya tumigil. Isinara pa niya ang laptop na ginagamit ko. Doon na talaga napatid ang pasensya ko.

Nagulat ako ng pagtingin ko sa eskandalosang babae na iyon ay katabi niya si Luke. Talaga namang napamura ako sa loob-loob ko. I was like, nasa paligid na naman si Hinayupak Guy kaya minamalas na naman ako.

Ako: excuse me miss but, do I know you?

Haliparot Girl: I don't f*cking care if you don't know me, but you stole him from me. I'm sure nilandi mo si Luke ko, at nagtagumpay ka kaya iiwanan niya ako ngayon. Look at you, you're so baduy. Malandi kang biatch ka!

Ako: tapos ka na?! FYFI, kung itong lalake na 'to ang sinasabi mo na inagaw at nilandi ko, sa iyo na. Papasalamatan pa kita kung iuuwi mo na siya at igapos sa bahay mo. Whenever he's around, puro kamalasan ang nangyayari sa buhay ko, so why would I steal that fu-- guy from you? Iyong-iyo na, okay? Okay na, wala ng problema. Pwede ba, iwan niyo na ako?! I'm busy.

Bumalik na ako sa ginagawa ko. Ilang pictures na ang na-edit ko ng may umupo sa upuan sa harap ko. It was him. Hinayupak Guy/ Bad Luck Charm.

BLC: why did you do that?!

Hindi ko siya pinansin. Busy kasi talaga ako.

BLC: kausapin mo nga ako.

At kagaya ng ginawa ng babae na kasama niya, isinara niya ang laptop ko.

Tiningnan ko lang siya, blank stare ba. Nung alisin ko yung tingin ko sa kanya ay inayos ko na ang mga gamit ko na nasa table at inilagay sa bag na dala ko. Walang salita na umalis ako ng lugar na iyon.

Sumunod siya, pero kahit ano pa ang sabihin niya hindi ko siya pinansin. Hindi rin ako nagsalita. Baka kasi kapag nagsalita ako kung anong masabi ko, so shut up na lang ako.

Kinukulit niya ako, pero hindi ako bumigay. Pinanindigan ko ang silent treatment. Sabi ni Kuya Cupid Lucifer, silent treatment is one of the best way to freak a guy out, best way para bwisitin ang mga bwisit na lalake na 'yan.

Hindi naman na niya ako sinundan pa nung sumakay na ako ng taxi.

Thank you Lord! Amen! Hallelujah!

Miss Wedding DiaryWhere stories live. Discover now