8 : Lukeohphobia

268 11 0
                                    



"Ganda mo 'day!"

"Haba ng hair!"

"Nakaka-imbyerna kang bakla ka! Sarap gupitan ng hair mo! I hate you!"

Ganyan ang sinasabi ng mga nakakasalubong ko pagpasok ko ng IGY building. Hindi ko sila ma-gets! Hindi na rin naman ako nakatiis at tinanong ko na ang isang kakilala ko na nakasabay ko sa elevator.

Ako: ano bang ganap? Bakit ganoon sila sa akin? May nangyari ba?

Vicky: (nguimiti muna) punta ka na lang sa cubicle mo.

Sakto naman na palabas na siya ng elevator noon kaya hindi na siya natanong ulit.

Pagdating ko sa cubicle ko, nagulat talaga ako. As in gulat talaga!

Madaminng bulaklak, may malaking baboy na stuff toy, may banner na nakasulat ay 'I'm Sorry', may mga pictures ko pa nga kahapon sa coffee shop at halatang stolen shots.

Sinong hindi magugulat kung ganoon ang makikita mo pagdating mo sa working space mo?! No wonder at dami ko ang poot at hinagpis ng baklang si Apple kanina.

Well, nakaka-ganda at haba ng buhok naman talaga ang ganap na iyon. Imagine, there is someone out there na ume-effort ng ganon for me. Ganda ko lang talaga!

Iniligpit ko na ang mga paraphernalia, yung banner, yung baboy, saka yung mga bulaklak kanina. Hindi kasi ako makakapag-trabaho kapag hindi ko iyon hinawan, mapagalitan pa ako.

***

Akala ko yung kaninang umaga na ang pasabog ng taon, HINDI PA PALA!

Pagdating ko sa bahay kanina, akala ko fiesta kasi bukas lahat ng ilaw ng bahay. Pati yung mga ilaw sa garden naka-on. Binubuksan lang kasi 'yon kapag may handaan sa bahay, kapag may okasyon.

Pagpasok ko ng bahay wala namang ibang tao, sa dinning hall na ako nagtuloy kasi malaki ang chance na kumakain na sila. Anong oras na rin kasi ako nakarating kanina, almost eight na.

Nagulat ako ng makita ko si Mama, Papa, at Kuya na may kausap. Napa-'f@ck' talaga ako dahil sa gulat.

Si Hinayupag Guy/ Bad Luck Charm lang naman ang nasa bahay namin.

Oo siya talaga! Tumayo agad siya ng mapansin na nakauwi na ako at saka at nilapitan.

Ako: anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman kung saan ako nakatira? Binulatlat mo ang 201 file ko? Umuwi ka na. Walang dahilan para pumunta ka dito. Kung balak mo na naman sirain ang araw ko, o sirain ang katahimikan ng buhay ko, makakaalis ka na.

Oh diba?! Bongga ng linyahan ko kanina. Kasi talagang may phobia na ako sa kanya.

Inaantok na ako! Good night!



***
A/N:

Pasensya na po at hindi ako araw-araw nakakapag-update. Busy po talaga sa buhay, madaming ganap. Bawi ako kapag tapos na ang mga inaasikaso ko.

Miss Wedding DiaryWhere stories live. Discover now