6 : DESSERTS PARADISE

186 8 3
                                    



Nakaka-two strikes na si Hinayupak "Luke" Guy sa akin. Isang-isa na lang, talagang hindi na ako magpipigil pa. Wala akong pake kahit pa matanggal ako dito sa IGY, may isa pa naman akong trabaho at makakahanap pa naman ako ng iba.

Sana lang talaga huwag s'yang magpapakita sa akin ngayon. I want a peaceful and calm day ahead. May prenup shoot ako mamayang gabi kaya please naman, sana lang talaga!

***

Kakatapos ko lang mag-edit, oras na para kumain. Habang kumakain ako mag-isa, at ayokong may kumausap sa akin, inabala ko ang sarili ko sa pagsusulat nito.

F*ck€r!

Laters.

***

Waiting in vain na naman ang drama ko. Maaga kasi akong nag-out dahil talaga namang kumukulo ang dugo ko sa inis.

Paolo just hot fired because of that Hinayupak Guy. Tinanggal niya si Paolo because he shared table with me. Yes! Iyon ang dahilan niya. Demonyong lalake na 'yon, walang puso.

Yung ibang babae narinig ko kanina sa CR na kinikilig and they find it sweet, yung ginawa ni Luke. Pinangatawanan niya talaga na special ako sa kanya at boyfriend niya ako. According to him, ayaw niya na may sumasabay sa akin na kumain na ibang lalake. Like what the hell?! Hindi ko siya kaano-ano.

Sabi pa ng ibang girls baka daw matagal ko ng nilalandi ang lalake na 'yon. Inggit sila malamang. Pero kanila na yung lalake na yon, bukas-palad kong ipapaubaya sa kanila ang animal ba Luke na 'yon.

Laters. Nandito na ang trabaho ko!

***

Ang bait ng client namin kanina. Nilibre kami sa restaurant nung groom, siya lang naman ang may-ari ng Desserts Paradise. Oo! Siya nga! Yung bride naman yung na-link sa isang American Actor na talaga namang saksakan ng pogi, Dallas Bennett.

Ang bait talaga nila. Ang swerte ko nga at ako ang photographer na na-assign sa kasal nila. Bigatin ang client ko ngayon, galante pa!

Sana may makita at makilala rin ako na isang Harley Tamayo o kaya naman Dallas Bennett. Haaay! Sana maging kasing-ganda ako ni Zed!

MANGARAP KA PA WEDDING!

Miss Wedding DiaryWhere stories live. Discover now