3 : SAD NEWS

223 11 0
                                    




May biglaan na meeting sa I Got You Advertising, at nandito ako ngayon at naghihintay para masagot ang tanong ko kung para saan ba ang biglaan na meeting na ito at kung bakit kailangan na lahat ng employees ay present. Ultimo sa Cleanliness Department kasama. Hindi kaya magpapalit na ng President ang company?

Kung magpapalit, bakit kailangan na kasama pa kami? Hindi naman nila kailangan ng approval o boto ng mga empleyado. Sa dami ng inip ko dahil sa paghihintay, ang dami ko na tuloy tanong.

Gutom na rin ako. Lahat ng pumasok na pagkain sa utak ko gusto kong kainin ngayon. Sana may puso ang nagpatawag ng meeting na ito at magpa-deliver ng pizza at pasta. Hindi naman ako maselan kaya kahit Yellow Cab lang okay na.

............. Ang tagal, wala pa rin! Ayan! May biglang pumasok! Delivery boy! Greenwich! Pizza ang unang inilabas ni Kuya! Sana lasagna! Sana lasagna! Yes! Lasagna nga! Pakelamera kasi yung isang empleyado dito, kaya kahit hindi namin alam kung para kanino iyon ay binuksan niya.

Pumasok si Tessa, yung secretary ni Sir Marlon na Operations Manager ng IGY. Mabait si Sir, galante pa kaya naman mahal na mahal siya ng lahat ng enpleyado dito.

Maganda ang balita na dala ni Tessa! Para sa aming lahat ang pagkain na kadarating lang! Lamunan na!

Laters!

***

Sad news!

Early retirement. Effective next month hindi na si Sir Marlon ang Operations Manager ng IGY. Yung anak daw niya ang papalit sa kanya. Bukas daw isasama niya ang anak niya na papalit sa kanya para maipakilala sa aming lahat.

Para pasayahin ang atmosphere, sabi ni Sir Marlon ay gwapo daw ang anak niya kaya mai-inspire pa rin daw kami na magtrabaho. Syempre wala akong pake, pero yung ibang mga babae kilig na kilig. Hinanapan pa ng picture talaga. Grabe sila. Kalandian na taglay nila walang kapantay.

Nakakalungkot talaga ang balita. Haay!

Miss Wedding DiaryWhere stories live. Discover now