W.R - 1 (Selos)

13.5K 292 16
                                    

Chapter 1

maaga pa akong gumising para makapaghanda ng aking gamit para sa pupuntahan namin. halos kanina pa tunog ng tunog ang cellphone ko dahil sa mga texts and calls nina Mavz at Ria.

pagbuhulin ko talaga ang dalawang ito kapag hindi pa titigil. kung ano ano kasi ang hinahabilin at pinapabili sa akin para mamaya. kung sila na lang kaya bumili.

narinig ko ang boses ni yaya sa labas ng kwarto ko ng kumatok ito.

" iha, Lianna? pinapatawag ka ng mommy mo. almusal ka na daw.." sabi nito.

lumapit ako sa pintuan para pagbuksan si yaya. simula ng bata pa kami ni kuya Liam, kasama na namin si yaya Karidad. siya na nag-alaga sa amin. nanay Karing tawag ko sa kanya.

dahil sa minsan pumupuntang ibang bansa sina dad at mom. siya nakakasama namin, mostly ako kaya parang nanay ko na din siya.

" morning nanay Karing,." bati ko dito ng mabuksan ko na ang pinto.

yumakap ako dito at naglambing.

" naku bata ka, ano ba 'yang hitsura mo. gulo gulo ng buhok mo. tsaka yang suot bakit ba hilig mo sa mga pantalon na butas?" sabi nito sa akin.

i pinched her cheeks at natawa sa sinabi nito.

" Nay' Karing its just a style okay?. come on lets go sama ka na sa amin nina mommy mag-almusal." aya ko dito.

" naku huwag na, mamaya na ako. sabihin mo na lang sa akin ano gagawin ko para matulungan kita mag-empake sa dadalhin mo." ngiting sabi nito.

one of the reason why i love my yaya. she knows how to help me, kapag alam niyang minsan tagilid na oras ko.

after what i told her, iniwan ko na siya sa kwarto ko at bumaba na ako para mag-almusal. nadatnan ko sina daddy doon.

" hey' mom and dad." bati ko sa kanila at humalik sa kanilang pisngi.

" i heard you're going to Calaguas Island, is it true?". tanong ni daddy.

nagsalin ako ng juice sa baso ko at uminom dun' bago ko sinagot si daddy.

" yes' dy, di ba po nakapagpaalam naman ako sa inyo ni my' last time pa." sagot ko dito.

" anak? kailan mo ba talaga bibitiwang yang pagiging photographer mo na 'yan. why don't you help your kuya in our business.."

hindi 'yun tanong kundi isang statement from my mom.

" my' naman are we going to discuss this again and again?. i told you i am not into business. mas gusto ko 'yung ginagawa ko my'.." i deeply sigh.

tamad akong kumain ng almusal ng hindi na sumagot si mommy. parati na lang.

" let her be, Kate. kung yan ang gusto niya pabayaan mo na lang." mahinahon na sabi ni dad.

ngumisi ako sa kanya ng kumindat ito sa may gawi ko. kaya love ko si daddy eh suportado niya ginagawa ko.

" hay naku! kaya spoiled ito sayo, masyado mong kinukonsenti." pairap na sagot ni mommy.

" my? yung wrinkles niyo po. kay aga aga simangot ka. " pabiro kong sabi.

" ewan ko sa inyong mag-ama!." asik nito sa amin.

natawa na lang kami ni daddy sa ginawi ni mommy. i so love my parents, though sometimes pasaway ako ni minsan hindi nila ako hinarangan sa gusto ko.

WILD RUSH (Wild Series #2 : Lianna & Carlos)Where stories live. Discover now