W.R - 4 (Pakialamero)

7.8K 212 5
                                    

Chapter Four

" Yes? Kuya?.."

hindi pa din ako umalis ako aking kinatatayuan. tumaas ang aking kilay ng lahat sila napatingin na sa gawi ko.

" join us..mga officemates namin pala.."

aya sa akin ni Kuya Liam. sabay pakilala nito sa mga kasama niya. tipid lamang ako tumango sa mga ito. pagkatapos muli kong tiningnan si Kuya Liam.

" hindi na Kuya..may lakad pa kami nina Ria eh..have fun guys."

sabi ko sa mga ito. pipihit na sana ako papasok ng biglang narinig ko ang isang pamilyar na baritonong boses.

" where you going?. gabi na lalabas ka pa?."

natawa ako bigla ng pagak na tawa bago lingunin ang taong nagsalita sa akin noon. nakalagay ang kamay nito sa arm rest ng bakal na upuan, habang nakatingin sa akin. ang babaeng kandong nito kanina ay nakaupo na ngayon sa tabi ni Kuya Liam.

" i don't think you have the right to asked me that....you're not my Kuya nor a friend of mine. so just shut up.."

" Lianna!..have some manners.."

sigaw ni Kuya Liam sa akin. i rolled my eyes at pumasok na lamang sa loob ng bahay. without saying a word. akala mo kung sino nangengealam sa buhay ko.

i hurriedly went upstairs para maka-pag shower. binaba ko ang aking maliit na bagpack. ni-ready ko muna ang aking susuotin bago kinuha ang aking tuwalya.

hinubad ko lahat ang aking sout hanggang sa bra at panty ko lang tinira ko sa aking sarili. ako lang naman mag-isa dito, at naka-lock naman ang pintuan.

" iha?..Lianna?.."

narinig ko ang tawag ni yaya mula sa labas. hinagilap ko ang aking roba, bago tinungo ang pintuan.

" yes? Ya'?..bakit po?."

tanong ko dito, ng mabuksan ko ang pinto.

" kakain na anak..pinababa ka na ng mommy mo. naghihintay sila sayo."

" yaya..pakidala na lang po ng pagkain ko dito. tell mommy na lalabas ako ngayon..inaya kasi ako nina Ria lumabas eh."

" oh' sige..magayos ka na, babalik ako dito para dalhin pagkain mo.."

nginitian ko si yaya bago sinarado muli ang pinto. pumasok ako sa bathroom para makaligo na. makalipas ang ilang saglit natapos din ako.

paglabas ko ng shower room. nakita ko agad ang isang tray ng pagakain. natakam ako ng makita ang mainit na adobo sa pinggan.

" hmm..ang sarap naman nito."

agad akong umupo sa gilid ng kama. iniurong ko sa akin ang tray at nagumpisang kumain. basta talaga si mommy ang magluto, walang duda masisira ang diet ko sa kanya.

nang matapos kumain. nilagay ko sa isang maliit na table ang tray. muli akong pumasok sa banyo para magtoothbrush. ng matapos ay inayos ko na ang aking sarili.

narinig ko ang pagtunog ang aking phone. agad ko ito kinuha ng makita ko si Ria ang tumatawag.

" Li'?..are you ready?..papunta na kami diyan."

" okay, Ria..yah! i'm ready.."

" good..see yah!"

pinatay na din nito ang tawag pagkatapos nun'. agad kong tinuloy ang pagaayos ng aking sarili. kinuha ko ang aking dakota plum lipstick. feel ko ito gamitin ngayon. 

sinuot ko ang aking chucks habang bino-blow dry ko ang aking buhok. hinayaan ko lamang ito nakalugay. pagkalipas ng ilang minuto, narinig ko ang katok sa aking kwarto.

WILD RUSH (Wild Series #2 : Lianna & Carlos)Where stories live. Discover now