W.R - 26 (Song & Roses)

6.1K 149 25
                                    

Chapter 26


pagkatapos nang halos isang buwan. nakalabas din sa hospital si Carlos Gabriel. muli akong bumalik nang New york para tapusin ang pinag-usapan namin ni Ms. Victoria at ni Sir George. but after a week bumalik din ako sa Pilipinas. ngayon kasalukuyan kaming busy nina Ria at Mavey para sa paghahanap ng mga inspiring models. mga kabataan ngayon ang focus namin. makakatulong ito sa kanila, lalo na sa mga kabataan na kapos sa pera para sa pag-aaral nila. nakipag-collaborate sa amin ang Victoria's Secret, scholarship sa mga kabataan and at the same time may possibility pa silang mapabilang sa mga Victoria's Angels.

pero hindi lamang puro babae kinukuha namin. nagpa-audition din kami para sa mga kabataang lalake. pinaayos namin ang aming studio. pinalakihan nang konti, para maka-accomodate ng maraming mag-audition.

sa kalagitnaan kami sa pagtawag ng mga nakapasa sa first audition, nang biglang nagtilian ang mga kabataan doon. i put the ballpen on the table na hawak ko. at kandahaba leeg namin nina Ria kung sino ang dumating.

" hello people.." isang hyper na tinig ang nagpatayo sa akin. si Zarafa kasama si Gabriel at iyong pinsan ni Zarafa na lalake.

sino ba naman hindi magkakagulo kung nagsama-sama ang tatlong ito.

iniusog ko ang aking upuan. at sinalubong sila.

" Ate Li'." ngiti sa akin ni Zara muli.

i smiled back at her. niyakap niya ako at humalik sa aking pisngi.

" hey babe.." sabi sa akin ni Gab nang pakawalan ako ni Zarafa. ngumiti lamang ako sa kanya.

" anong ginagawa niyo dito?." sabi ko.

" we're here to help you.." ngiti ni Zarafa.

" Sam and I, will be the one to judge. tutulungan namin sina Tita Ria at Tita Mavz." ngiting-ngiti pa ni Zarafa sa akin.

" naku! hindi na kailangan. kaya na namin ito. tingnan niyo oh? nagkakagulo na sila sa inyo." sabi ko pa.

" i came here to fetch you Li. pinagpaalam na kita kay Tita at Tito. we're going somewhere. " sabi pa ni Gab. lumapit ito sa akin at inakbayan ako.

tahimik lamang si Samuel na nakatingin sa amin. minsan lamang ngumiti ang supladong mukha nito.

" are you sure?. baka hanapin sila nina Jaime at Tabitha." sabi ko pa at tiningala si Gabriel sa tabi ko.

" sure thing! Ate Li. i already called daddy and mommy. tsaka si Tita Rica okay lang na kasama ko si Samuel Craig." hyper pang sabi ni Zarafa.

bumuntunghininga ako at nagpaalam saglit sa kanila.

" Mavz, Ri'..sinusundo ako ni Gab. okay lang ba sa inyo kung aalis ako?. " sabi ko sa dalawa.

" naku! oo naman girl. gooo! have fun time with Gab. we can manage here. and don't worry we will call you kung matapos o hindi man ang audition ngayon." sabi ni Mavey. tumatango tango lamang si Ria sa tabi nito.

i smiled at them. " hay! kayo talagang dalawa kaya love ko kayo eh. okay, pero may makakasama kayo para sa pag-judge." i said to them.

" sino?." kunot-noo tanong ni Ria.

" kami!." ngisi ni Zarafa. bago pa ako nakasagot, naunahan na ako nito.

hila-hila niya si Samuel na lumapit sa amin. agad nagliwanag ang mukha ni Mavey.

" naku! Li' you should go now. huwag mo na paghintayin si Gabriel. " pa-simple pa akong tinulak nito.

" Mavey! huwag ka talaga.." banta ko sa kanya.

WILD RUSH (Wild Series #2 : Lianna & Carlos)Where stories live. Discover now