W.R 25 - ( The Exe's )

6.6K 141 4
                                    


Chapter 25




Lumipas ang ilang araw, nasa ospital pa din si Carlos Gabriel. Hindi na din muna ako bumalik sa New York, kahit pa ilang ulit na tumawag si George sa akin. may photoshoot pa din ang mga Victoria's angels para sa kanilang new lingerie. i can't leave Gab, lalo pa ngayon na kailangan niya ako.

naiintindihan naman nila ang sitwasyon ko dito sa Pilipinas. nandito ako ngayon sa kusina, naghahanda ako ng dadalhin para kay Carlos Gabriel.

" iha, may mga bisita ka." biglang sigaw ni mom, mula sa may sala.

naglakad ako patungo sa may pinto, upang silipin kung sino ang mga ito. i'm still wearing my apron.

" Li'!!!" sabay na sigaw nina Mavz at Ria.

i can't help not to roll my eyes ng nagkaumpugan pa sila sa paglapit sa akin. we laugh in unison.

" namiss ka namin Li', hindi ka man lang tumawag sa amin. nakakapagtampo ka na ah." nakalabing sabi ni Ria, pagkatapos namin magyakapan tatlo.

" sorry, kasi nagmamadali ako pumunta sa ospital paguwi ko nang Pilipinas."

" Li' is he okay now?." si Ria.

" yeah, kahit papaano mga galos at iyong leeg at paa niya na lamang ngayon ang problema. nagkaroon kasi siya ng fracture sa kaliwang binti niya." sabi ko pa.

" ikaw? okay ka lang ba?. kaya pala medyo hagardo versoza ang beauty mo Li'. natutulog ka pa ba?." palatak bigla ni Mavz.

" tseh! hindi naman ako haggard, i just can't sleep well. nag-alala lang ako kay Gab." i smiled weakly at them.

" salamat din sa inyong dalawa. " sabi ko pa.

" sus! anong salamat?. salamat para saan?. iyong paborito kong brassiere na VS nabili mo ba sa akin.? oh' well anyways, nandito naman kami para bisitahin ang kaibigan naming naluklok sa New York. FYI hindi man lamang tumawag ng dumating na dito sa pinas, eh' rarampa na din kami ni Ria papuntang ospital sayo. namiss ko din ang kagwapuhan ni Gabriel maylabs." sabay pilantik ng kamay ni Mavey, habang nagmomonologue ito.

agad itong tinampal ni Ria sa may balikat.

" baklang mahadera! pinairal mo na naman ang kalanturan at kalandian ng katawan mo. jusko! Mavz, huwag si Gabriel, baka maihalo ka ni Lianna sa niluluto niya ngayon." nakangising sabi ni Ria.

" grabe ka naman 'Ri, ano ako sahog na paminta.? para ihalo ni Lianna?. grabe ka sa akin ganda!."

" ay, siya halina nga kayong dalawa. lets have a breakfast first bago tayo pumunta ng ospital. tamang tama nagluto ako ng food alam kong magustuhan niyo dalawa." pagkasabi nun' agad nila ako nilagpasan, at magkapanabay na pumunta ng kusina.

napailing na lamang ako sa ginawa ng dalawa. halos isang oras din kami sa hapagkainan. dahil sa dami ng kwentuhan naming tatlo. hindi namin namalayan ang oras. kung hindi pa dumating sina Kuya Liam at daddy, baka gutumin na si Carlos Gabriel sa paghihintay sa akin.

" Lianna anak? wala ka bang balak puntahan ang boyfriend mo sa ospital?." nakapameywang pa si daddy sa hamba ng pintuan ng dining area namin.

" hi Tito Ralph.." sabay bati nina Mavz at Ria kay dad. ginantihan ito ni daddy ng isang ngiti.

" papunta na sana dad, kumain lamang po kami sandali." sabi ko pa. tumango lamang siya at agad din nagpaalam sa amin. may paguusapan daw sila sa library ni Kuya Liam.

sigurado ako about business na naman ito. agad kami naghipos nina Mavz ng pinagkainan namin. nang sakto pagdating naman ni Manang mula sa labas, nagdilig kasi siya ng mga halaman ni Mommy.

WILD RUSH (Wild Series #2 : Lianna & Carlos)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon