W.R -19 ( Action )

7K 165 6
                                    

Chapter 19


hinatid ako nito pauwi sa amin. tahimik lamang siya habang nag-dadrive papunta sa amin. binuksan ko ang bintana ng kanyang kotse, at nangalumbaba ako doon.

kanina pa siya sumusulyap sa akin. pero wala ako sa mood para kausapin siya. hindi ko alam kung bakit may kurot pa din sa puso ko ang makitang kausap siya ni Brenda.

" come on, Li'. talk to me.."

bahagya akong sumulyap sa kanya. nakatoun na sa kalsada ang kanyang mga tingin ngayon.

" don't mind me. i'm okay Gab. mawawala din ito. naiinis lang ako sa sarili ko."

sabi ko sa kanya at umayos ng upo. i tilted my head back just rest my back slightly.

tahimik namin narating ang bahay namin. nang hindi na siya muling nagsalita, hindi ko na siya hinintay na bumaba para pagbuksan ako. nagmadali akong bumaba at pabalyang sinarado ang pintuan ng kanyang kotse.

i heard my phone rang, habang papasok ako sa gate namin. i pulled out my phone, si Mavey ulit ang tumawag. sinagot ko ito, habang papasok ako sa loob ng bahay.

" hello, Mavz. bakit ka napatawag.?".

saglit pa akong huminto, sa may bukana ng pintuan namin at nameywang. narinig kong nagsalita si Mavz sa kabilang linya, kasabay ng paglabas ni mommy at daddy mula study room.

kumaway ako sa kanila habang pinapakinggan si Mavey sa kabilang linya.

" are you busy Li'?. we really need your help. pwede pumunta ka ngayon dito?. nandito kami sa bahay nina Joana ngayon.."

" bakit may nangyari ba masama kay Jo'?."

" oh' anak kasama mo pala si Carlos?. pasok ka iho.."

humalik ako sa pisngi ng mga magulang ko. habang nakikinig ako ng sinasabi ni Mavey. nakita kong nakapamulsang pumasok si Carlos Gabriel, kumunot noo nito dahil sa kausap ko si Mavz.

ngumiti lamang ito ng batiin siya ni daddy at mommy.

" hi po, Tito Fred. Tita Janice.."

bati nito sa aking mga magulang. nawala tuloy ako sa usapan namin ni Mavey. bagkus nagpaalam na lamang ako dito.

" okay, Mavz. just give me a minute..yes, yes..i'll be there. okay i will Mavz..bye!."

nakatingin na silang tatlo ngayon sa akin.

" mom, dad...aalis muna po ako ulit. kailangan talaga ako ngayon nina Mavey eh. "

saglit pang nagkatinginan sina mom at dad.

" pero anak kadarating mo lang. at hindi ba sa makalawa na alis mo papuntang New York?. hindi ka pa naka-impake, at isa pa nakakahiya may bisita ka ngayon tapos iiwanan mo?."

i can't help not to roll my eyes. ang haba ng monologue ng aking ina, pero ang button line lang pala dahil bisita ko si Gabriel. si mommy talaga!.

" is it okay with you, Gab?. alis muna ako sandali..babalik din naman ako."

saglit ko pa siyang tiningnan habang ang mata niyang tila nagpapahiwatig na hindi niya gusto na umalis ako.

" ihahatid na kita.."

" no! no..i'm okay, dito kana lang..."

agap kong sabi sa kanya. nakita ko pa ang isang tila pagpipigil na ngiti sa labi ng mommy ko ng makita niya ang pagdidiskusyon namin ni Carlos Gabriel.

" ump' anak?. hindi mo pa pinapakilala sa amin ang bisita mo?."

" gaaad! daddy?. should i do that pa ba?. kilala niyo na siya as friend ni Kuya Liam di ba?."

WILD RUSH (Wild Series #2 : Lianna & Carlos)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum