W.R - 9 (Fight)

7.6K 174 16
                                    

Chapter 9

halos magdugo na ang aking labi sa kakagat ko ng makita ko si Kuya Liam, walking back and forth in front of me. nakaupo ako sa sala. nakatingin lang sa amin sina daddy. nalaman kasi nito ang nangyari kagabi.

hinatid ako nina Mavey at Ria kagabi. pagkatapos kong makita si Carlos, agad ko din itong iniwan at nagpaalam sa mga kasama ko na aalis na ako. kahit anong tawag sa akin ni Carlos Gabriel hindi ko ito ininda. narinig ko pa itong nagmura.

alam ko siya ang nagsabi kay Kuya. kaya nagulat na lang ako ngayon umaga, na bigla itong bumalik dito sa bahay para lang ungkatin ang nangyari kagabi. kahit nagpaliwanag na ako hindi pa din ito matigil tigil. kakatayin ko talaga ang Mr. Tukmol na iyon.

hindi din ako kinampihan nina mommy. binigay nila lahat ang karapatan kay Kuya Liam, na pagsabihan ako nito.

"Lianna! what did i tell you last night? i told you to stay home.."

Uh oh galit si kuya liam kapag tinatawag niya ako sa pangalan ko. nakita kong kinalabit ni Daddy si mommy. oh' hell! i knew it, iiwan nila ako dito kaharap si Kuya Liam. daddy just shrug his shoulder, ng mag-puppy eyes ako dito. ngumiti lang sa akin si mom at umalis na sila.

"Yes kuya..?"

Inosente kong lingon kay kuya. Im not gonna plead guilty whatever accusation he may throw. saka ko natagpuan ang boses ko at lingunin siya ng mawala na sa paningin ko sina mommy at daddy.

"I know you know where this conversation will go" oh god! galit na talaga si kuya.

"What are you saying kuya? Eh wala pa nga tayo napag-uusapan eh.."

i pouted my lips kelangan ko magpacute kay kuya dahil i'm sure sermon na naman ako nito.

"Tell me about the incident last night.."

pinipilit ni kuya kumalma. Sabi ko na eh konting lambing at pacute lang kay kuya abswelto na ako.

" what incident Kuya?..i didn't know what--"

" stop! the lie Lianna, alam kong alam mo ang tinatanong ko sayo.."

mariin nitong sabi at nilagay sa kanyang tagiliran ang dalawa niyang kamay. he looked at me frustratedly, wala na akong takas dito.

"Uhm eh,. kuya i'm okay naman na eh, as a matter of fact wala naman na damage sa akin oh'..i'm okay i'm not even experiencing trauma.."

paliwanag ko kay kuya. kasalanan ito ng nanghipo sa akin kagabi sa bar. sinampal ko na nga at binugbog ni Carlos Gabriel ang lalakeng iyon, pero itong Kuya ko ngayon pa nag-react. Nagsampa ito ng kaso laban kay carlos ngunit kasalukuyang inaasikaso na ito ng kanyang abogado.

"Really? This will be the last time baby... Last time... Alright.?"

"But kuya i can take care of myself! I'm of legal age to be grounded!.."

"Enough lianna! Kung wala si Carlos doon baka kung ano na ang nagawa sayo ng lalakeng iyon"

"Pero kuya.."

"No buts lianna.."

Huminga ako ng malalim at tumingin sa gawi ni kuya. Seryoso nga siya, sinuklay pa nito ang buhok gamit ang mga daliri nito. parang hapong hapo ito sa pangangaral sa akin. nakagat ko ang ibabang labi ko.

"alright kuya no more bar hopping kapag hindi kasama si carlos"

ngumiti ako kay kuya at sana pumayag ito.

"alright deal! You can go kapag si Carlos ang kasama mo."

gusto ko maiyak sa sinabi ni kuya. Joke lang yun kuya ayoko kasama ang mokong na yun baka siya pa manghalay sa akin mahirap na.

WILD RUSH (Wild Series #2 : Lianna & Carlos)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon