1

18.3K 334 44
                                    


"Sis! Ba't ba hindi moko ginising? First day na! Tapos malelate pa ako!" Sabi ni Athena sakanyang nakakatandang kapatid

"Ikaw nga 'tong kanina pang ginigising eh. Kasalanan ko ba kung hindi ka nagigising?" Paliwanag naman ni Cathy.

"Ops sorry sis! Nasarapan siguro ako sa tulog ko. Sana binuhusan mo nalang ako ng tubig. Charot." Biro ni Athena, tsaka sila nagtawanan magkapatid.

"Hmm. Maligo kana kaya tapos kumain kana ba talagang malelate ka nyan." Sabi ni Cathy sakanya.

"May pera naman akong naipon. Baka bibili nalang ako sa malapit na convenience store dyan." Sabi naman ni Athena, agad na siyang pumunta sa cr para maligo.

"Naku. 'tong babaeng 'to talaga." Bulong ni Cathy sakanyang sarili.

Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na si Athena sakanyang pagligo. Nagpaalam na siya sakanyang nanay at pati na rin sakanyang ate. Pumunta muna sa isang malapit na convenience store si Athena para bumili ng kanyang pagkain. Pagkatapos naman niyang bumili ay dumiretso na siya kaagad sa bago niyang paaralan.

"Wow! Napakalawak at laki ng bago kong paaralan! Shemaaays! Rich kid feeels!" Sabi ni Athena, patalon talon pa ito sa harap ng gate buti nga hindi nasagasahan.

Nang papasok na sana si Athena ay biglang may humarang na lalaki sa harapan niya. Nainis naman siya dun sa lalaki dahil sa sobrang curious na ni Athena na tignan ang buong school ay may haharang pa sakanya.

"Hoy ikaw nga lalaking bigla nalang sumusulpot, pwede bang tumabi ka muna ha? Panira ka ng moment eh. Grand entrance po 'to!" Pakiusap ni Athena sa lalaki.

"What did you say?" Nagtaingang-kawali naman ang lalaki. Englishero pa. Wao hanep.

"Englishero pala 'to eh. I said don't hinaharang my way, it's my grand entrance you know!" Sabi ni Athena sakanya. Or should we say sigaw niya sakanya.

"Huwag na huwag mokong sinisigawan. May tainga ako." Sabi ng lalaki sakanya.

"Hmmm. Ano nalang, peace na tayo. Pero pwede magtanong?" Tanong ni Athena sabay tingin sa mga bulletin board kung saan nakalagay ang mga sections ng mga mag-aaral.

"Nagtatanong kana diba?" Pamimilosopo naman nang lalake.

"Pilosopo ka din eh no." Sabi ni Athena with matching rolling of eyes pa.

"Pero ano ba yung tatanungin mo?" Tanong naman ng lalaki.

"Saan ba yung Section A dito? Fourth year ah." Sagot naman ni Athena.

"Ah dun sa may kabilang building 'yon. Nakikita mo 'yon? Doon! Yung sa pinakadulo na room." Sagot naman nong lalaki.

"Okay thanks." Sabi ni Athena.

Pumunta na si Athena doon sa kabilang building dahil doon naman ang sinabi nong lalake na kinausap ni Athena. Pagkadating niya doon ay ang mga nadatnan lang niya ay mga bakanteng silid aralan. At mga lumang gamit na din.

"Hija? Anong ginagawa mo dito?" Biglaang may nagtanong sakanyang matandang janitor.

"Ay kabayo!" Sigaw pa ni Athena sa sobrang gulat napatalon pa ito na parang kabayo. (Tumatalon ba ung kabayo? Pucha. HAHAHAHA)

Ang Transferee Sa Section A (On-going)Where stories live. Discover now