2

5.8K 157 11
                                    

Habang kumakain sila Athena ay naramdaman ni Athena na may bumato ng mga dalawa o nasa tatlo na papel sakanya. Lumingon siya ngunit wala naman nambabato sakanya. Biglang pumasok si Kenzo sa isipan niya, "Nantritrip nanaman siguro 'yon!" Sabi ni Athena sakanyang sarili.

"Potek. Magsusumbong na ata ako sa principal eh!" Sabi ni Athena sa mga kaibigan niya. Nagtaka naman bigla ang mga kaibigan niya kung bakit biglaan ang pangyayari.

"Bakit ka naman magsusumbong sa principal?" Tanong ni Althea sakanya. "Naiinis na ako eh. Kanina pa may nantritrip sakin at alam kong sila Kenzo 'yon." Sagot ni Athena sakanya. "Paano mo nasabi?" Tanong naman ni Arah. "Kanina pang may nangbabato ng papel sa likod ko. Nakailang bato na, two or three papers pa bawat bato." Sagot ulit ni Athena.

"Sure ka bang sila Kenzo 'yon bes?" Tanong naman ni Pierce sakanya. "Oo bes. Sila lang naman ung posibleng mantritrip sakin eh." Sagot ulit ni Athena. (Nakakapagod na din hanggang sagot nalang talaga si Athena.)

"First day palang may bagong record nanaman si Kenzo." Sabi ni Althea. "Hindi naman siya totally na record or what. Ganun yung tawag nang iba diba?" Dagdag naman niya.

"Magrereport lang naman sa principal eh. Kanina palang talaga, kaninang umaga pa." Sabi naman ni Athena. "Sure kaba sa gagawin mo bes?" Tanong ni Arah. "Oo naman." Sabi ni Athena.

"Okay. Bilisan mo lang ha, punta kana sa classroom pag nareport mo na. Five minutes nalang eh. Tsaka mauuna na din kami sa classroom." Sabi ni Pierce.

"Sige. Maraming salamat." Sabi ni Athena tsaka ito ngumiti sa mga kaibigan niya bago umalis. Habang pumupunta si Athena sa principal office ay nagkasalubong sila ni Kenzo. Tumigil ang mundo ng dalawa nang nangkasalubong ang kanilang mga mata.

(Plays: Tagpuan by Moira Dela Torre)

"Dude let's go." Sabi naman ng isa sa mga kaibigan ni Kenzo kaya nasira ang moment ng dalawa. Naparoll ulit ng eyes si ateng Athena. 'Di alam kung may naramdaman bang kilig o ano pero ang alam lang niya ay "Maganda ako." Sabi ni Athena sakanyang sarili kaya pangiti-ngiti itong pumunta sa principal office.

At nakarating na din si Athena sakanyang destination. Sumayaw muna ng BAAM sa harap ng door ng principal office bago ito pumasok, isang munting celebration lang sa pagpunta ng principal office nang hindi nagtatanong ng daan. Kumatok muna si Athena. Para mala-Frozen ang eksena mga par.

"Come in." Sabi ng principal. Pumasok naman si Athena sa principal office at nagulat siya sa kanyang nakita. "Mrs. Dela Cruz." Sabi ni Athena sakanyang sarili.

"What are you doing here Ms. Martinez?" Tanong ng principal sakanya. "Hmm. . . Ma'am gusto ko lang po i-report yung lalakeng nantrip sakin kaninang umaga at kaninang lunch." Sagot naman ni Athena.

"Mr. Kenzo Dela Cruz?" Tanong ulit ng principal at tumango nalang si Athena. "Tell him na pumunta siya dito after ng classroom orientation niyo. Or pag dismissal niyo na. At bumalik kana din sa classroom niyo kanina pa nagring ung bell." Sabi ng principal sakanya. "Okay po ma'am." Sabi ni Athena tsaka ito lumabas ng principal office at pumunta na sakanyang classroom.

Pagdismiss nila Athena ay lumapit si Athena kay Kenzo. "Hmm. . . Punta ka daw principal office sabi ni Mrs. Dela Cruz." Sabi ni Athena sakanya. "Okay." Sabi naman ni Kenzo tsaka ito pumunta sa principal office.

(Dun naman tayo sa side ni Kenzo)

"Mga bro dito na muna kayo sa labas. Hintayin niyo lang ako, baka may sasabihin si mama sakin." Sabi ni Kenzo sakanyang mga kaibigan.

"Walwal ulit tol." Sabi naman ng kanyang kapatid na si James. "Hahahaha." Tawanan ng mga magkakaibigan. Pumasok na si Kenzo sa principal office tsaka ito umupo.

"Kenzo, someone reported to me that may ginagawa ka nanamang kalokohan." Sabi ng principal.

"Mom, kaninang umaga lang po. Sorry." Pauumanhin ni Kenzo sakanya. "At kaninang lunch." Dagdag ng principal. "Wala po akong ginagawa kaninang lunch ma. I was with my friends the whole time kahit tanungin mo si James." Sabi ni Kenzo.

"Yun ang sinabi ni Ms. Martinez." Nanlaki naman ang mata ni Kenzo sakanyang narinig. "Seryoso? Anong ginawa ko sa babaeng 'yon kaninang lunch? Nagkaeye contact lang eh." Nasa isip ni Kenzo.

"Sakanya ka humingi ng tawad. And alam ko namang magbabago ka Kenzo eh. Please. Prove that you deserve your position." Sabi ng principal sakanya.

"Umuwi kana." Dagdag pa niya, "Ma, how 'bout you?" Tanong naman ni Kenzo. "Magpapasundo nalang ako mamaya kay Manong Berting." Sagot naman ng principal.

"Okay bye ma." Sabi ni Kenzo tsaka niya hinalikan ang pisngi ng kanyang mother.
Lumabas na si Kenzo sa principal office at sinabi sa mga kaibigan niyang umuwi na.

"What happened bro?" Tanong ni Jacob. "Napagsabihan." Maikling sagot ni Kenzo. "Kitakits nalang tomorrow guys." Sabi naman ni James sakanila, "Okay bro, ingat kayo." Sabi ng ibang kaibigan nila.

"Kayo din mga bro." Sabi naman nang dalawang magkapatid.

Habang umuuwi na sila Kenzo at James ay pinagusapan nila ang sinabi ng kanilang pinakamamahal na ina kay Kenzo. "Pero bro, wala ka namang ginawa kay Athena kaninang lunch diba?" Tanong ni James sakanya. "Oo nga eh. Pero ganon talaga diba. Wala tayong magagawa." Sagot ni Kenzo.

At nang nakauwi na ay pinabukas nila ung napakalaking gate ng mala-palasyong house nila Kenzo. Agad namang bumaba sina Kenzo at James sa kotse nila at dumiretso sa sarili nalang kuwarto.

"What a tiring day." Sabi ni Kenzo sa kanyang sarili. "Nakakapagod, I need to take a rest." Sabi ulit ni Kenzo na parang tangang kinakausap ang hangin bago ito nagpahinga.

Ang Transferee Sa Section A (On-going)Where stories live. Discover now