7

2.6K 90 3
                                    

SOBRANG GANDA PO NG EKSENA NA 'TO AWAY AWAY NA MGA BRADERS AND SISTERS NAPAKADRAMA NANG EKSENANG 'TO PERO BIRO LANG MATAWA KAYO HAHAHAHA

No one

"I like this kind of view. Nagaaway habang wala ang CBS President." Sabi ni Xander. Isa sa mga nakaaway at kaaway padin ni Kenzo hanggang ngayon. Habang tumatawa si Xander ay biglang dumating si Kenzo kasama ang mga kaibigan niya. "Anong ginagawa mo Xander? Pinapabayaan mo lang sila mag-away?" Tanong ni Kenzo sakanya. "Obvious ba?" Sabi naman ni Xander sakanya.

"Di ko alam kung bakit ikaw binoto nila bilang CBS Vice President eh di man lang alam magpatahimik ng gulo." Sabi ni Kenzo. "Pare, sabihin mo lang kung may problema ka." Sabi ni Xander tsaka ito tumayo sa pinaguupuan niya. "Irereport ko 'to." Sabi ni Kenzo sakanya. "May gulo na nga hinahayaan pa!" Parinig ulit ni Kenzo sakanya at sa sobrang irita na ni Xander ay sinuntok niya si Kenzo sakanyang tyan.

Hindi naglaban si Kenzo dahil ayaw na niyang madagdagan pa ng record kuno kaya hinayaan nalang niya si Xander. At dahil ayaw niyang matanggal sa posisyong CBS President. "Di kita papatulan. Wag kang magalala." Nakangiting sabi ni Kenzo sakanya. "Dahil ika nga nila be kind to animals at baka kasuhan mo ako ng animal abuse." Dagdag pa niya. Hindi maiwasan ng mga kaibigan niyang tumawa sa sinabi ni Kenzo.

Nilapitan na ni Kenzo yung mga nagkakagulo na pinabayaan ng ilang minuto at pinatigil na sila. "Wala namang mapupuntahan yan paggawa niyo ng gulo diba? Tsaka freedom day 'to. Gawin niyo lahat ng gusto niyo pero wag lang gumawa ng gulo." Sabi niya sakanila. Umalis na ung mga lalakeng nagaaway at pati na rin si Kenzo. Iniwan na si Xander mag-isa, sanay nang mag-isa at maiwan eh. xoxad

"Bro ang galing mo kanina! Di ako makapaniwalang masasabi mo 'yon!" Sabi ni James na pinipigilang tumawa. "Ayoko kasi talagang patulan 'yon eh. Pero masakit ung suntok niya kanina tapos biglaan pa naman." Sabi naman ni Kenzo sakanila.
"Pero tama ka naman kanina eh. Anong klaseng Vice President ba naman ang pababayaan lang ung mga estudyante gumawa ng gulo?" Sabi naman ni David.

"Ang bilis magbago no. Parang noon magkaibigan lang kayo tapos naging magkaaway na." Sabi ni Jacob. Past is past eh diba? "Wala tayong magagawa. Pinili niya maging ganon eh. Buhay niya 'yon, hayaan nalang natin siya." Sabi ni Kenzo sakanila.

"Naniniwala na ako. . . na isang pagkakamali ay kayang baguhin lahat." Sabi ni Andrei. "Di naman natin kasalanan kung naghiwalay sila ng girlfriend niya diba?" Tanong ni Jiad. "Guys, past is past. Nangyari na ang nangyari. Kalimutan niyo na 'yon." Sabi naman ni David sakanila.

Don naman tayo kina Athena. "Nabalitaan niyo naba yung nangyari?" Tanong ni Althea sa mga kaibigan niya. "Ano yon?" Her friends asked her in unison. "May nangyaring gulo." Sagot naman ni Althea. "Huwag mo na silang pakielamanan." Sabi naman ni Athena.

"Ang malala pa non ay kasama sina Kenzo." Nakangising sabi ni Althea. "Bakit? Paano nagkagulo?" Agad na tanong ni Athena. "Diba sabi mo huwag na nating pakielamanan." Sabi naman ni Arah sakanya. "Syempre kailangan kong malaman kung ano yung nangyari kay Kenzo at kung bakit ba talaga nagkagulo." Sabi ni Athena sakanila.

"Masyado ka nang nagpapahalata. Talagang nagugustuhan mo na si Kenzo. Aminin mo na kasi mahirap ang magdeny eh." Sabi ni Pierce sakanya. "Di ko nga siya gusto. Friends lang kami okay? Concern lang ako sakanya kasi nga magkaibigan kami diba?" Pagdefend ni Athena sakanyang sarili.

"I ship it!" Sabi ng mga kaibigan ni Athena. Natawa nalang si Athena sa mga sinasabi ng kanyang mga kaigan. "Yung nangyari kasi yung si Xander yung CBS Vice President, pinabayaan daw na magkagulo yung mga lalaki kanina don sa harapan ng gym. Then nadatnan ni Kenzo na tinatawanan at pinapanood lang ni Xander yung mga gulo. Tapos pinagsabihan lang daw ni Kenzo si Xander then napikon daw si Xander kaya sinuntok niya si Kenzo. Dun nagsimula at natapos ang gulo." Pagkukuwento ni Althea.

"Aba potek naman pala yung Xander eh." Sabi ni Athena. Napatawa nalang ung mga kaibigan niya at lihim na kinikilig. "I ship it talaga." Bulong ni Arah kina Pierce at Althea.

"Kahit magbulongan kayo. Naririnig ko parin kayo. Hinding hindi ako mahuhulog dun noh." sabi ni Athena sakanila kaya, tuluya ng nagtawanan ang tatlo niyang kaibigan.

"Wala naman kaming sinabi na gusto mo si Kenzo eh. Ang sinabi lang namin shiniship kayong dalawa. Naguiguilty ka eh." nakangiting sabi naman ni Pierce sakanya. Tinignan nalang siya ni Athena at tumahimik. Hindi dahil sa guilty siya dahil ayaw din naman niyang tawagin pa siyang denial Queen.



Ang Transferee Sa Section A (On-going)Where stories live. Discover now