9

1.1K 31 9
                                    

No one

Bagong araw nanaman ang sisimulan nila. At mag sisimula na ang klase nila. Mga leksyon. At kung ano ano pa.
Habang Math class nila, laking gulat nila ng biglang hinagis ng kanilang titser ang panulat na gamit niya sa isang estudyanteng tulog na nasa likod.

At dahil sa lakas ng pagkahagis niya ay nagising kaagad si Jherald habang inaayos ang kanyang buhok. Agad na nilapitan ng titser si Jherald dahil sa ginawa niya habang nagkaklase siya. Nagulat naman si Athena dahil meron pala mas terror kesa dun sa naging titser niya sa dati niyang paaralan.

Napatayo naman si Kenzo dahil sa ginawa nung titser nila. Dahil siya ang CBS president. Kailangan din naman niyang pagsabihan ang mga titser na nasosobrahan sa pagiging terror.

Dahil sa kinakabahan na rin si Kenzo sa pwedeng mangyari ay agad naman na nilapitan ni Kenzo ang titser at sinabing kumalma na muna ito. "Mr. Dela Cruz, go back to your chair!"
sigaw sakanya ng kanilang titser ngunit hindi niya sinunod ito.

"Inuulit ko! Bumalik ka sa upuan mo!" lahat naman sila ay nagulat dahil sa inasta ng kanilang titser. Kinakabahan na rin ang mga kaibigan nila Kenzo at Jherald para sakanilang dalawa. Naaawa rin kasi si Kenzo para kay Jherald dahil wala naman kaalam alam ang titser nila sa sinapit ni Jherald.

"First of all ma'am, hindi mo alam ang reason kung bakit natutulog ngayon si Jherald sa klase mo. Hindi mo ba nakikita ang kanyang suot? Naiintindihan naman to ng ibang mga guro ngunit bakit ikaw hindi? This man lost his mother yesterday night and still you act like that? Napakatanda mo na ma'am at hindi mo man lang na halata ang ekspresyon ngayon ni Jherald. Pasensya na at nirerespeto parin naman kita kahit papano. " pagpapaliwanag naman ni Kenzo sa sinapit ni Jherald. Natulala na laman ang titser nila sa math at mag damag na naka tayo roon.

Hanggang sa mag bell na ay lumabas ka agad ang titser halatang nagising rin sa realidad ang kanilang titser. Nagpasalamat naman na si Jherald kay Kenzo at ningitian nalang niya ito.

At dahil break time na nila at nauna na munang lumabas si Kenzo kesa sa mga kaibigan niya dahil nakita niyang  lumabas na rin si Athena. Pero naabutan naman niyang mag kasama nanaman sila ni Daryl kaya bumalik nalang ulit siya.

Nagulat naman siya ng makita niya si Patricia. Transferee rin kagaya lang din ni Athena. At dahil kailangan din naman niya gawin ang kayang responsibilidad ay ginabayan na muna ni Kenzo si Patricia at itinuro sakanya ang mga daan ng malaking paaralan nila.

Habang pinapasyal naman ni Kenzo si Patricia ay naramdaman niyang pinag-uusapan nanaman siya ng mga kababaihan na nadadaanan nila. "May bagong transferee nanaman. Target nanaman ng transferee na yan si Kenzo." narinig naman ni Patricia yun. Pero ng tignan lang siya ni Kenzo ay parang ang kalmado parin ni Patricia kahit ganon na ang sinasabi nila.

"Huwag kang magpaapekto sa mga sinasabi nila. Ganyan lang talaga sila dahil mas sanay silang mga lalaki ang kasama ko." sabi ni Kenzo sakanya. Tinignan naman na siya ngayon ni Patricia at agad na ningitian.

"Yeah. Masasanay din naman ako sakanila. Kaya tahimik nalang din ako." nakangiting paliwanag niya kaya ngumiti nalang din ako sakanya.
At ng halos maipakita na ni Kenzo ant lahat ng bahagi ng paaralan nila ay nakita ni Kenzo sina Daryl at Athena na mag kasama. Nagtatawanan silang dalawa kaya umiwas nalang din ng tingin ito lalo na't papunta pa sakanilang direksyon.

Ng napansin iyon ni Athena ay napatigil naman na siya. "Oh hi." bati ni Athena sakanilang dalawa ni Patricia. Ningitian naman siya ni Patricia at nag bati rin pabalik si Kenzo. "Athena, si Patricia nga pala. Transferee lang din katulad mo. Pinapasyal ko siya dito sa paaralan." pag pa paliwanag naman ni Kenzo. Tumango lang si Athena at umalis na silang dalawa ni Daryl. Tinignan lang naman ni Kenzo ang dalawang nakatalikod sakanila na naglalakad na palayo at nagtatawanan nanaman at nakaramdam naman ng kakaiba si Kenzo.

Ang Transferee Sa Section A (On-going)Where stories live. Discover now