6.1

2.7K 106 1
                                    

"Salamat sa pagbantay sakin Daryl." Pasasalamat ni Athena sakanya. "Walang anuman. Magkaibigan tayo eh." Nakangiting sabi naman ni Daryl sakanya.
"Ano na kaya ginagawa ni Kenzo ngayon?" Nasa isip ni Athena. Hindi niya kasi maiwasang hindi magalala dahil sa nangyari sakanila sa clinic. "May galit ka ba kay Kenzo kaya mo siya sinisisi kanina kung bakit nangyari sa akin 'to?" Biglaang tanong ni Athena kay Daryl. "Di naman ako galit sakanya. Pero diba responsibilidad niya 'yon?" Sabi naman ni Daryl.

"Oo. Pero wala naman siya nong nangyari 'yon eh. Baka may ginagawa siya sa mga oras na yon. Dapat 'di mo nalang ginawa yon baka nasaktan mo ung damdamin niya lalo na't ginawa niya ung responsibilidad niya kanina." Sabi ni Athena sakanya. "Bakit mo ba siya pinagtatanggol?" Naiinis na tanong ni Daryl. "Kaibigan ko din naman siya eh." Sagot ni Athena sakanya.
"Kaibigan ko kayong dalawa. Masakit para sakin ung nakikita kayong nagaaway, okay?" Dagdag pa niya.

Habang naguusap sina Athena at Daryl ay dumaan sina Kenzo at ang mga kaibigan niya. Tumigil muna si Kenzo para kamustahin si Athena. "Okay kana ba Athena?" Tanong ni Kenzo sakanya. "Oo, thank you. Oo nga pala, may sasabihin si Daryl sayo." Nakangiting sabi ni Athena sakanya.

"Ano 'yon?" Tanong naman ni Kenzo. "Wala." Sagot ni Daryl. "Sorry." Dagdag pa niya. "Kalimutan mo na 'yon. Basta okay na si Athena. Nandito lang din naman ako para gawin ko yung responsibilidad ko." Nakangiting sabi ni Kenzo sakanya. "Sige, mauna na kami." Paalam ni Kenzo at umalis na sila.

"Mga bro, may napapansin ba kayo kay Daryl?" Tanong ni Kenzo sakanila. "He is taking your girl away from you bro." Sagot ni Andrei sakanya. "Alam ko na kung bakit tahimik 'tong si Andrei." Sabi ni David na para bang may natapos siyang misyon. "Bakit?" Curious na tanong ng mga kaibigan niya pati na din si Andrei. "Sinagot niya si Kenzo ng english. Siguro natuto siyang magsalita ng straight english!" Sagot ni David sakanila. Kaya nagtawanan sila pati na din si Andrei.

"May point din naman 'tong si David." Sabi naman ni Kenzo. "Congwatsuwasyons!" Sabi ng mga magkakaibigan kay Andrei. "Pero seryoso may napapansin ako kay Daryl." Sabi ni Andrei sakanila. "Sa tingin ko, gusto niya si Athena bro." Dagdag pa niya.

"Wala naman akong gusto kay Athena eh. Magkaibigan lang naman kami kaya wala naman akong karapatan para tigilan si Daryl diba?" Sabi ni Kenzo. "Nagpapakamartyr ka lang bro eh. Ipaglaban mo siya, unang kalaban mo na 'to kay Athena!" Sabi naman ni James sakanya. "Support kami sainyo!" Sabi ng mga kaibigan ni Kenzo. "Ewan ko sainyo mga bro." Natatawang sabi ni Kenzo sakanila. "Support talaga kami sainyo. #KeThena!" Sabi ni Jiad. "Parang ang kati na." Sabi naman ni Jacob kaya tumawa sila.

Habang nagtatawanan naman sila ay
napansin naman nilang pinagmamasdan lang ni Kenzo ang nakatalikod na sina Daryl at Athena. Nakikita naman niya kung paano protektahan ni Daryl si Athena. Pero alam naman niya sa sarili niya na kaibigan lang talaga ang turing niya kay Athena.

At alam din naman niya na pag aasar lang talaga ang gusto niya sakanya at wala ng iba pa.

--

At nang makalipas ng ilang oras ay break time naman na nila sa hapon. Afternoon break. Nakita naman ni Kenzo na hindi kasama ni Athena si Daryl. "Mabuti nalang." ang nasa isipan ni Kenzo. Kasama naman ni Kenzo ngayon ang tatlo niyang kaibigan na sina Jacob, Jules at Ron. Naiwan ang ibang kaibigan nila sa tambayan nila dahil alam naman nilang wala rin naman sila mapapala pag kasama nila ang apat.

"Oh, magandang hapon sainyo." nakangiting bati ng apat kina Athena. Ningitian din naman nila ang mga ito. Mukhang normal lang naman sakanilang walo ang ganitong atmospera dahil magkakaibigan naman na silang lahat.

Umupo lang silang walo sa isang malaking lamesa na may walong upuan rin. Kaya sakto lang din para sakanila. "Good thing na wala ang grupo ni Daryl dito." yan ang nasa isipan ni Ron. Nasa harap naman niya ngayon si Arah. Habang si Jacob naman ay si Pierce, si Jules nasa harap  naman niya si Althea at ang pang huli naman ay si Kenzo at Athena na magkaharap lang din.

Masaya naman silang nagkwekwentuhan.

Athena

Hindi din naman pala mali ang magkaroon ng lalaking kaibigan. At tama nga sila Arah, hindi ko lang talaga kilala noon si Kenzo at hinusgahan ko na kaagad siya. Pero pag talagang kinilala mo ang isang tulad ni Kenzo at mapapanganga ka nalang at mapapalunok ka nalang talaga sa mga sinabi mong panghuhusga sakanya.

Hindi ko naman mahanap ngayon si Daryl at wala lang din naman akong balak hanapin siya dahil baka kasama naman niya ngayon ang mga tropa niya. Mabuti nalang din at hindi rin siya hinanap ni Kenzo.

Baka mamaya sa gulo nanaman mauwi pag hinanap pa niya. Baka na realised na niya kaya ganon na laman siya umasta ngayon. Pinagmamasdan ko naman na ngayon si Kenzo na abala sa pag nguya ng ka yang paboritong kainin.

Nalaman ko lang din na paborito ni Kenzo ang sandwich na may palaman na mayonaise at egg sa loob. Iba talaga taste neto sa mga pagkain. Pero nakakatuwa rin.

"Huwag mo ako masyadong titigan. Kasi ice cream lang din ako, natutunaw." sabi naman ni Kenzo pero hindi parin ito nakatingin sa akin kaya tumingin nalang ako sa malayo. Paano naman niya na laman yun?

Ang Transferee Sa Section A (On-going)Where stories live. Discover now