10

652 22 12
                                    

Pagkatapos ng kanilang afternoon class ay agad naman ng lumabas si Kenzo kasama ang kayang mga barkada at maghintay sa may corridor. Tila ba may inaabangang eksena si Kenzo, dahil kung saan saan ito tumitingin at hindi mapakali.

"Bro ayos ka lang? May hinahanap ka ba?" tanong naman sakanya ni James. Umiling lang naman si Kenzo. Kaya tumango nalang din si James bilang sagot sakanya.

"Baka hinihintay lang niya makarating ang mga kaibigan natin." sabi naman ni Jiad. Tumango naman si Kenzo bilang sagot.

Habang nag hihintay sila. Napansin nila Kenzo na mag-isang naglalakad ang transferee na si Patricia. Nagtinginan naman silang lahat.

Agad naman na nilapitan ni Jiad si Patricia upang gabayan ito. "Patricia, bat mag-isa ka lang?" nakangiting tanong ni Jiad sakanya. Tinignan naman siya ni Patricia at napabuntong-hininga na lamang ito.
"Mas gusto ko kasing mapag-isa sa ngayon. And I'm not that sociable too to make new friends." sagot naman ni Patricia tsaka na siya naglakad palayo sakanila.

"Hatdog." yun na lamang ang lumabas sa bibig ni Jiad at saka naman na siya bumalik sa barkada niya.

Athena

Nandito na kami sa canteen, kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko at kaibigan ni Daryl. Apat lang din sila ngayon. Yung tatlong kasama niya ay mga kaibigan daw niya since nung bata pa daw siya. Sila ay si Jameson, Razzle at Aries.

Nasaan naman kaya si Kenzo at yung tatlong yun? Baka kasi biglaang dumating nanaman yun dito at alam kong mag sasagutan nanaman sila ni Daryl, dahil yun naman palagi ang ginagawa nila pag nagkakasalubong silang dalawa.

And medyo hindi rin kami masyadong nag-usap ni Kenzo ngayon. Dahil kasama niya si Patricia. Narinig ko naman ang paliwanag niya and maybe wala siya dito dahil kasama niya yung babaeng yun. Bat ko nga ba iniisip to?

"Okay ka lang ba Athena?" nag-aalalang tanong sa akin ni Daryl. Siya kasi yung nasa harap ko. Mas sanay ko kasing nasa tabi ko siya kesa sa harap kasi medyo ang uncomfortable pag nasa harapan ko siya. Tumango nalang ako sakanya at saka ngumiti.

Ningitian naman niya ako pabalik. "Pierce." rinig kong tawag ni Jameson sakanya kaya napatingin naman ako. Tahimik lang kasi si Pierce ngayon. Mukhang may iniisip din. "Oh?" sagot naman ni Pierce sakanya ng hindi siya tumitingin.

"Sorry." sabi naman ni Jameson sakanya atsaka naman siya yumuko. Anong nangyayari? Bakit siya nagsosorry kay Pierce? Meron bang nangyari sakanilang dalawa?

"Althea, and girls tara na." walang ganang sabi sa amin ni Pierce kaya tumayo nalang din kaming tatlo nila Arah. Nagtinginan kaming tatlo at mukhang pareho kaming naghahanap ng sagot sa nangyayari ngayon.

Nagpaalam naman kaming tatlo sakanila pero napansin ko na tatayo na sana si Jameson para sundan siguro si Pierce? Pero pinaupo nalang siya ni Razzle. Ano ba talaga ang nangyayari ngayon?

And dahil napansin ko rin kasi na wala na sa mood si Pierce kaya hindi ko na muna siya tatanongin tungkol dun. Baka hindi pa siya handang I-open yung nangyari.

Sinusundan lang naman namin si Pierce kung saan siya pupunta. Habang sinusundan ko naman siya ay tinignan ko naman si Kenzo. Nakasalubong kasi namin siya habang sinusundan namin si Pierce. At baka ako lang din ang nakapansin sakanya.

Sinigaw ko ang pangalan ni Kenzo pero hindi siya tumingin. Sinigaw ko ulit ang kanyang pangalan at mas malakas na ngayon pero hindi parin siya tumitingin. Kasama na niya ngayon ang barkada niya. Bakit ganon yun?

"Bakit hindi ako pinapansin ni Kenzo?" biglaang tanong ko sakanila. At sa pagkakataong ito ay lumingon ang tatlo kong kaibigan sa akin. Nakangiti na ngayon si Pierce, at yung dalawa rin. "Worried much?" pabalik na tanong naman ni Arah sa akin. "Sinigaw ko kasi pangalan niya ng dalawang beses pero ni-hindi man lang siya lumingon sa akin." pagpapaliwanag ko naman sakanya.

Pero imbes na sagutin ako ay hinarap nanaman nila sa akin ang kanilang likod at nagsimulang maglakad. Hay nako. Hindi ko ba alam kung bakit shiniship kuno kaming dalawa ni Kenzo.

Kenzo

Nandito naman na kami ngayon sa canteen. Parang may naririnig akong sigaw kanina ng pangalan ko pero hindi ko naman alam kung sino dahil hindi ko mawari kung kaninong boses yun. Pero parang babae. Baka adik lang sa akin yun.

Nakasalubong ko kanina si Athena, kasama niya ang tatlong kaibigan niya. Pero mukhang may malalim kasi siyang iniisip kaya hindi ko na muna binati. Ayoko naman madistorbo siya dahil mukhang importante yun.

Nakita naman na namin ang talagang spot namin dito sa canteen at pumunta na kami doon. Nakita ko naman sina Daryl, kasama yung mga kaibigan niya. Pakealam ko ba sakanila?

No one

Habang nag uusap naman sina Kenzo ay naramdaman naman niyang may matigas na tumama, mukhang binato siya ng isang matigas na bagay sa likod kaya agad siyang napalingon.

Nung titignan niya ang pwesto nila Daryl ay wala na sila. "Putangina." sabi naman ni Kenzo habang tinitignan yung bagay na binato sakanya. Isang kahoy, pero medyo maliit lang din ito. Parang size lang ng wand pero mataba.

Tumayo na muna si Kenzo at agad na naglakad palabas ng canteen at doon naabutan niya ang grupo ni Daryl na nagtatawanan. Mukhang nanalo sa loto dahil sa sobrang saya nila. "Mga gagong walang silbe." walang ganang sambit ni Kenzo, and sakto lang din para marinig nilang lahat, yung grupo ni Daryl at agad naman siyang tinignan ng masama ng mga ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Transferee Sa Section A (On-going)Where stories live. Discover now