3.1

3.5K 123 3
                                    

At dahil nadismiss na sila Athena ay nilapitan niya ang mga kaibigan ni Kenzo.

"Kamusta si Kenzo?" Tanong ni Athena sakanila. "40.6 yung temperature niya. Sinabi niyang minulto daw kayo." Sagot naman ni Ron.

"Totoo 'yon. At posibleng ung magkapatid ang gumawa neto kay Kenzo." Sabi naman ni Athena. "Ano sa tingin mo ang kailangan nating gawin para ayusin ang problemang 'to?" Tanong naman ni James sakanya. "Hmm. . . Ganito nalang. Since bukas ang third eye ko, kakausapin ko ung magkapatid. Pero kailangan ko nang kasama, tsaka pag natapos ko na silang kausapin, Gusto ko ring bisitahin si Kenzo." Sabi naman ni Athena.

"Okay. Sasama ako sayo Athena." Sabi ni David. "At ako naman bibisita kay Kenzo." Sabi naman ni Ron. "As a sibling, sasama din ako kay Athena." Sabi ni James sakanila. "Kahit tayong tatlo lang, okay na 'yon. Keri naman na siguro no." Sabi naman ni Athena. "Osya sige, kailangan ko nang bumisita kay Kenzo." Sabi ni Ron at umalis na sila.

Pumunta na sila Ron sa bahay nila Kenzo habang sina Athena naman ay pumunta na sa Section D. (Kajejehan comingg)

Habang papasok na sina Athena ay may naririnig na silang nagtawanan. "May narinig ka bro?" Tanong ni David kay James. "Meron tol." Sagot naman niya.
"Pakinggan niyo naman ako." Sabi ni Athena sakanila.

Biglang tumahimik ang paligid. "Yung kaibigan namin nagdudusa. Wala naman siyang ginawa sainyo diba? You better stop this. He doesn't deserve this pain you guys are giving him. Please reflect on what he have done to you naman before niyo ginawa yon. Sorry if we entered this classroom, di naman namin alam na may mangyayari palang masama. It's not even our intention in the first place. He is such a good person to suffer a pain like this. Kung may galit kayo, huwag niyong inaano sa iba. Lalo na't nananahimik lang. Libre naman kayong maglabas ng saloobin eh. But not in a bad way. Nakikinig man kayo o hindi, please just stop this." Sabi ni Athena bago sila lumabas ng Section D.

"Wooah. Straight english. 'Di ko alam na nakakastraight english ka pala." Biro ni David sakanya. "Ewan ko sayo." Sabi ni Athena tsaka ito tumawa. "Tara na. Bisitahin na natin si Kenzo." Sabi naman ni James. "I hope it worked." Yun na lamang ang inisip ni Athena.

Kay Kenzo naman tayo syempre, nakahiga lang siya sakanyang kuwarto. At nandon na rin ang kanyang mga kaibigan at biglang bumukas ulit ang pintuan ng kanyang kuwarto at bumungad ang nagaalala niyang ama.

"Are you feeling well already Kenzo?" Tanong ng kanyang ama. "Yes dad." Nakangiting sagot naman ni Kenzo. "Inumin mo yong mga gamot mo sa tamang oras okay? Magpagaling ka. I need to go back in the office." Sabi ng kanyang ama. "Okay dad, ingat. Thank you for visitng me." Sabi ni Kenzo sa kanyang ama. At dumating na din sila Athena nang umalis na ang papa ni Kenzo.

"Kenzo. . . okay kana ba?" Tanong ni Athena sakanya. "Oo. Maraming salamat. Feeling ko nga makakapasok na ako bukas eh. Unti unti na din kasi nawawala yung sakit ng ulo at ng katawan ko." Nakangiting sagot ni Kenzo.

"Mabuti naman kung ganun." Sabi ni Athena tsaka ito ngumiti. "Thank you." Bulong ni James kay Athena. "Welcome." Sabi naman ni Athena.

"My little brother!" Agad na sinalubong nang nakatatandang kapatid nila Kenzo na si Charmae ng yakap si Kenzo. "Ate. . baka mapatay moko sa higpit ng pagkayakap mo eh." Biro naman ni Kenzo tsaka sila nagtawanan. "Ikaw unggoy ka, magpagaling ka ha. Yan ang napapalaan mo, tigas kasi ng ulo mo tsk." Sabi ni Charmae sakanya. "Oo na ate. Maraming salamat." Sabi ni Kenzo sakanya.

"Di na ako napansin ni ate." Sabi naman ni James. "Ang liit mo kasi eh para kang langgam." Biro naman ni Charmae. "Ikaw talaga ate kahit kailan." Sabi ni James sakanya. "Ano ba kasi ginawa ni Kenzo at bakit siya nagkasakit?" Tanong ni Charmae sa mga kaibigan nila.

"Wala naman po ate. Biglaan lang." Sagot naman ni Athena. "Unggoy ha, di ka pa nagsasabi meron ka na palang ano ohh." Biro ulit ni Charmae kay Kenzo. (Ang hilig magbiro neto ha.)

"Luh. Friends lang kami ate." Sabi naman ni Kenzo tsaka ito tumawa. "Lumalovelife si unggoy!" Sabi ni Charmae saka sila nagtawanan.

Bukas ko nalang ituloy ung iba, antok na ako mga brad. HAHAHA, lowbat na din ako. Paalam sana mas nagustuhan niyo na 'tong story.

Ang Transferee Sa Section A (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon