Chapter 3 : Fragments

54.5K 2.7K 899
                                    


CHAPTER 3

Fragments

Gracie


"Gracie, Gracie 'wag mo akong iwan..."


Hilong-hilo ako. Paulit-ulit kong kinurap-kurap ang mga mata ko ngunit wala akong ibang makita kundi malabong liwanag. Para akong gumagalaw pero hindi ko maramdaman ang sarili kong katawan. Sinubukan kong pagalawin kahit man lang ang mga kamay ko pero hindi ko magawa, para akong tinakasan ng lakas.


Natakpan ang liwanag na sumisilaw sakin at nakita ko si Dale. Umiiyak siya habang hawak ang kamay ko. May sinasabi siya ngunit hindi ko ito marinig ng maayos. Nakakahilo ang lahat.


Naglaho si Dale at unti-unting nabubuo sa paningin ko ang mga ilaw. Napagtanto kong kisame pala ang nakikita ko at kasalukuyan akong nakahiga sa isang malamig na bakal. Gumagalaw ako, parang may tumutulak sa akin ngunit hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin.


"Gracie sorry!Gracie patawarin mo ako!"


Nagulat ako nang si Lyon naman ang nakita ko. Gaya ni Dale, labis ring umiiyak si Lyon. Ito ang unang beses na makita ko siyang ganito. Gusto ko siyang tanungin kung ano ang nangyayari pero walang boses na lumalabas mula sa bibig ko. Nagagalaw ko ang labi ko pero hangin lamang ang lumalabas mula sa bibig ko.


Unti-unti, nagsimulang bumigat ang talukap sa mga mata ko. Gusto kong manatiling gising pero may kung ano-anong humahatak sa akin patungo sa pagtulog. Gusto kong manatiling gising, natatakot na ako.


"Gracie! Gracie!" Unti-unting lumalabo ang mga boses nila hanggang sa hindi ko na ito narinig pa.


****


Nakaramdam ako ng lamig sa mga kamay ko kaya naman unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Hindi ko man masyadong maibuka ang mga mata ko, nagagawa kong makita si Dale. Nakatulala lamang siya habang hawak ang kamay ko at pinupunasan ito ng basang bimpo.


"G-gregorio..." Tinangka kong magsalita pero ito lamang ang tanging lumabas mula sa bibig ko. Ewan ko ba pero sobrang kirot ng sikmura ko. Sa sobrang kirot napapangiwi tuloy ako at napipikit ko ang kaliwa kong mata.


"Pinag-alala mo ako!" Napasigaw si Dale at nagulat ako nang bigla siyang umiyak. Umiiyak siya pero sa kabila nito ay may napakalapad siyang ngiti sa kanyang mukha. Lumapit pa siya lalo sa akin at lumuhod sa gilid ko. Habang hawak parin ang kamay ko, paulit-ulit niyang hinimas ang noo ko. Hindi ko mapigilang mag-alala para sa kanya, umiiyak kasi siya pero tumatawa naman. Nag-expire na siguro ang katinuan ng kakambal ko.


"RK! RK tawagin mo ang doktor!" Nagsisigaw si Dale at namalayan ko na lamang na nakatayo na si RK sa dulo ng kama, may malapad na ngiti sa kanyang mukha habang naka-thumbs up. I hate to say this but Star was right, kahit manly ang dating ni Richie, may pagka muntanga siya minsan.


"Takbo kung ayaw mong reypin kita!" Narinig ko ang sigaw ni Star na nandito rin pala sa silid at nakahiga sa sofa. Dahil sa sinabi niya, agad naglaho ang ngiti sa mukha ni RK at agad itong nagtatakbo. Hindi ko mapigilang matawa kaso dahil sa ginawa lalo pang kumirot ang sikmura.

Here comes DondyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon