Chapter 13 : Wreck

30.8K 2K 686
                                    

13

Wreck

Gracie


Imbes na tawagan si Richie, bigla kong naalala si Mama. Gusto ko siyang tawagan, ngunit hindi ko magawa kaya naman nag-reply na lamang ako sa kanya: I love you 'Ma. Sorry kung minsan ko lang 'to sinasabi.


"Gracie!" Nagulat ako nang bigla kong narinig ang boses ni Lyon at sa isang iglap ay bigla niya akong ikinulong sa isang mahigpit na yakap. Hindi ko magawang yumakap sa kanya pabalik kaya kumawala na lamang ako mula sa kanya at humakbang ng isang beses paatras.


"Okay ka lang ba? Ba't umalis ka agad ng ospital?" Tanong niya at hinawakan ang magkabila kong pisngi upang mapagmasdan ng maayos ang sugat sa noo ko.


"I tried to shoot Dondy but the bullets didnt work. How can we fight a monster like him?!" Hindi ko magawang tingnan si Lyon sa kanyang mga mata.


"Sinabi ko ang tungkol kay Dondy sa mga pulis ngunit ayaw nilang maniwala. Pero Gracie, pinapangako ko sa'yo, gagawin ko ang lahat ma-protektahan ka lang. Kasalanan ko ang lahat—"


Bigla na lamang tumawag si Richie kaya naman agad ko itong sinagot.


"May nalaman ka na—"



"Gracie may ebidensya na ako! Gracie kitang-kita ko mismo sino ang nagmamaneho ng kotseng sumagasa kay Dale! Gracie si Lyon! Layuan mo si Lyon o tawagan mo agad ako oras na subukan niyang makipagkita sa'yo!"


Tila ba nanlambot ang mga tuhod ko dahil sa narinig. Para akong nawalan ng lakas. Para akong nawalan ng control sa sarili kong mga mata at kusa naman silang lumuha. Biglang bumalik sa isipan ko ang lahat ng mga masasaya naming alaala ni Lyon, minahal ko siya at minahal niya ako—naramdaman ko iyon.


"Gracie bakit?" Tanong ni Lyon at sinubukan niyang humakbang palapit sakin pero itinaas ko ang kamay ko upang pigilan siya.


"Anak ng! Magkasama kayo ni Lyon?! Gracie utang na loob layuan mo siya! Gracie delikado siya—" Pinutol ko na lamang ang usapan namin ni Richie at isinilid muli ang cellphone sa bulsa ko kahit pa labis ang panginginig ng mga kamay ko.


"Anong nangyari?" Alalang sambit ni Lyon kaya dali-dali kong pinunasan ang luha ko.


"W-we can't leave Star all alone." Sabi ko na lamang at saka sinubukang maglakad pabalik sa loob ngunit bigla na lamang hinigit ni Lyon ang kamay ko upang pigilan ako. Sa puntong 'yon ay dali-dali kong winakli ang kamay ni Lyon mula sa pagkakahawak sakin.


"'Wag mo akong hawakan!" Giit ko.


"S-sinabi na ba ni Star sa'yo ang tungkol kay Isaac?" Tanong ni Lyon at tumango na lamang ako sabay punas muli sa pisngi ko. Sa kabila ng bigat ng nararamdaman ko, tiningnan ko si Lyon ng deretso.


"S-sinabi narin ba ni Star sa'yo na kasalanan ko ang lahat?" Tanong ni Lyon at kasabay naman nito ang pagpatak ng luha mula sa kanyang mga mata, "Gracie patawarin mo ako,"

Here comes DondyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon