Epilogue

56.4K 2.9K 1.6K
                                    


EPILOGUE

THIRD PERSON'S POV


Sa kalagitnaan ng gabi, unti-unting idinilat ni Dale ang kanyang mga mata. Natagpuan niya ang sariling nakahiga sa kama. Sinubukan niyang gumalaw ngunit hindi niya magawa dala ng sakit na nararamdaman sa kanyang buong katawan.


"Don't try to move, your bones are still broken and your wounds are far from healing."


Hirap mang gumalaw, ininda ni Dale ang sakit at pilit na iniangat ang kanyang ulo hanggang sa tuluyan niyang nasilayan ang mukha ng kakambal niyang si Gracie. Nakangiti ito habang nakaupo sa dulo ng kanyang kama.


"A-anong nangyari?" Nalilitong sambit ni Dale. Hindi na kinaya ng binata ang sakit ng katawan kaya naman muli siyang nahiga at napatitig na lamang sa kisame.


"Dale, naalala mo pa ba noong mga bata pa tayo? Pagkatapos mamatay ni Daddy, kinailangan agad ni Mommy na maghanap ng trabaho. Hirap na hirap si Mommy nang mga panahong 'yon kasi lubog tayo sa utang at—"


"Tapos na ang kabanatang 'yon sa buhay natin, hindi na tayo naghihirap. Tapos na 'yon kaya 'wag na nating balikan pa ang masasamang alaalang 'yon," giit ni Dale nang may ngiti sa kanyang mukha. Ngiting puno ng pagmamalaki dahil nagawa nilang makaahon mula sa hirap na pinagdaanan.


"But that's it Dale—Hindi ko kailanman naramdamang naghirap tayo at ito ay dahil sa'yo. Lag niyo akong inuuna... Lagi mo akong inuuna." Bahagyang natawa si Gracie kasabay nang tuluyang pagpatak ng luha mula sa kanyang mga mata, "Laging wala si Mommy dahil nagtatrabaho siya kaya ikaw ang parang naging magulang ko... Ulol ka. Imbes na inumin yung vitamins mo, tinatago mo lang ito para may mainom pa ako oras na maubos ko na ang vitamins ko. Kahit yung pagkaing nakahain na sa plato mo, binabahagi mo parin sakin. Gutom na gutom ka na, pero mas inuuna mo ako. Kahit sirang-sira na ang sapatos mo, sinasabi mo parin kay Mommy na ako ang dapat bilhan ng mga gamit. At ako naman yung tangang tanggap lang nang tanggap."


Unti-unti na lamang na ipinikit ni Dale ang kanyang mga mata habang may ngiti parin sa kanyang labi, "Brother of the year na ba ako?"


"You are the best brother a girl could ever have and I love you so much kahit pa minsan ang sarap-sarap mo nang suntukin at patayin," Sabi pa ni Gracie.


Nagtaka si Dale sa sinabi ng kapatid lalo pa't hindi niya ito karaniwang sinasabi. Muling idinilat ni Dale ang kanyang mga mata at laking gulat niya nang bigla niyang natagpuan ang kanyang sarili sa isang bus stop. Nakaupo siya sa ilalim ng isang waiting shed at nakaupo sa kanyang tabi si Gracie na may dala nang mga bagahe.


"Teka, saan ka pupunta?" Bulalas agad ng kunot noong si Dale.


Hindi lumilingon sa kanya si Gracie, bagkus ay nanatili lamang itong nakatitig sa kalsadang nasa kanilang harapan. Unti-unti itong ngumiti, "Thank you sa lahat ng mga sakripisyo mo para sa akin Dale. Thank you kasi ni minsan hindi ko naramdamang nag-iisa ako sa mapaglarong mundong 'to dahil andyan ka lagi para protektahan at damayan ako. Sa pagkakataong 'to, ako naman ang po-protekta sa'yo."

Here comes DondyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon