Chapter 4 : Better start running

52.4K 2.7K 1.8K
                                    


Sorry for the late update, nagsisimula na kasi kami sa thesis namin lols


CHAPTER 4

Better Start Running

GRACIE

1 year later


"Gracie are you even listening? Come on! Help me out here!" Pangungulit sakin ng roommate kong si Misha kaya napahikab na lamang ako.


Its already 1 in the morning pero heto kami at gising parin. Napakabigat na ng mga mata ko pero ayaw parin akong patulugin ng bruha. Gustuhin ko mang mahiga na sa kama at matulog, hindi ko magawa dahil for sure magwawala 'to. Namo-mroblema kasi siya, palibhasa naghahanap ng topic na masusulat para sa creative writing na subject niya.


"I have zero creativity in my body." Sabi ko na lamang saka napasandal sa headboard ng kama ko.


"Gracie, meron yan! Sige na!" Misha kept on scratching her head using her pencil kaya sobrang gulo na tuloy ng buhok niya. Idagdag pa diyan ang mga mata niyang laging namumula at kawalan niya misman ng katinuan dahil sa sobrang pagpupuyat, pwede na kaming ma-tokhang dahil sa kanya.


"Why not explore another genre? I mean, why don't you try horror or thriller?" Suhestyon ko na lamang para matapos na.


"Wait, you were once stabbed right? I could use that!" Bulalas niya dahilan para agad ko siyang mabato ng unan. It's already been a year pero hindi parin ako komportableng pag-usapan ito. Ni hindi ko magawang tingnan ang peklat sa sikmura ko dahil sa tuwing nakikita ko ito, bumabalik ang sa isipan ko ang takot kay Isaac.


"Joke lang! Love you Gracia!" Bawi agad ni Misha sabay peace sign.


Napabuntong-hininga na lamang ako at unti-unting pinikit ang mga mata ko, "Gawan mo nalang ng kwento yung rebultong kini-kwento ko sa'yo, yung panakot sa amin ng teacher noong bata pa, yung si Dondy. Basta siya, ikaw na bahala. Kbye."


Bago pa man ako tuluyang makatulog, biglang umalingawngaw ang theme song ng Strawberry Shortcake dahilan para agad akong mapabangon. Ito ang ringtone ko pero naka-assign lang ito sa iisang tao.


"Yow Gregoryow!" Bati ko agad nang sagutin ko ang tawag niya. Nakita kong pinagtawanan ako ni Misha kaya pabiro na lamang akong umirap. Magi-isang taon na kaming LDR ng kakambal ko at minsan nalang kaming magkita kaya naman napakaimportante sakin ng bawat tawag at text niya.


"1am na, ba't parang nasapian ka na naman ng kiti-kiti Gracia?" Narinig ko mang tumawa si Dale, agad akong may napansin sa boses niya. May mali eh, para siyang problemado... Ang boses niya'y parang matamlay, parang may kung anong bumabagabag sa kanya. Naiimagine ko si Dale, malungkot pero nakangiti.


"1am na, ba't gising ka pa?" Ibinalik ko na lamang ang tanong sa kanya. Nakakainis, biglang bumigat ang pakiramdam ko. Para akong nalungkot bigla nang madama ang tamlay sa boses niya. Ano bang nangyayari sa ulol na'to?


"A-andito ako sa restaurant nila RK. Pauwi narin ako." Aniya kaya napabuntong-hininga ako at napapikit.

Here comes DondyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon