Chapter 10 : Jigsaw

42.3K 2.4K 1.2K
                                    


10

Jigsaw

Gracie



"Gracie, it's okay. Everything's going to be okay."


Nagsimulang manlabo ang paningin at pandinig ko. Bahagya kong naaaninag si Trina sa harapan ko, marahan niyang hinahaplos ang magkabila kong pisngi na para bang pilit akong pinapahinahon. Sinubukan kong kumilos at magpumiglas ngunit sadyang hindi ko magawang gumalaw.


Sa isang iglap, natagpuan ko ang sarili kong nakatayo sa loob ng isang elevator. Napasinghap ako nang bigla na lamang may kumalabog at bahagyang yumanig ang kinatatayuan ko.


"Anak ng—" Bigla kong narinig ang boses ni Ben mula sa likuran ko kaya dali-dali akong lumingon.


Nakita ko si Ben ngunit mistulang hindi niya alam na nandito ako. Dinaanan niya lamang ako at nilapitan ang mga panel at paulit-ulit na pinindot ang emergency button. Ibinaling kong muli ang tingin sa likuran ko at napaatras na lamang ako sa takot nang makita si Dondy.


Parang nanikip ang dibdib ko sa takot hanggang sa namalayan kong nakasandal na ako sa malamig na dingding. Napapikit ako't paulit-ulit na napasinghap, "P-please! Please don't hurt us! Dondy wala kaming kasalanan sa'yo!"


"Hoy! May na-trap dito! Hoy! Tulong! Hoy!" Napadilat akong muli nang marinig ang napakalakas na sigaw ni Ben. Paiba-iba ang lakas at intonasyon ng boses ni Ben na para bang wala siyang kontrol rito, para bang hindi niya talaga naririnig ang sarili niyang boses.


I suddenly heard a loud thump, accompanied by some bells ringing.


Otomatiko kong ibinalik ang paningin kay Dondy at labis pa akong nagimbal nang makitang nagsisimula na siyang humakbang patungo kay Ben.


"Dondy!" Sa kabila ng labis na takot, alam kong kailangang may gawin ako, "Dondy stop it! Wala kaming kasalanan sa'yo!" Sinubukan kong humakbang muli ngunit hindi ko na magawa. Nanigas na naman ang buong katawan ko gaya ng nangyari noong nasaksihan ko ang pagpatay ni Dondy kay Nancy.


Sa isang iglap, bigla na lamang lumingon si Dondy sa akin. Pakiramdam ko'y ako na ang lalapitan at papatayin niya kaya napatili na lamang ako at napapikit. Inihilig ko ang mukha ko sa dingding, tumili ako nang tumili hanggang sa narinig ko na ang boses ni Ben na sumisigaw ng walang pakundangan.


"Dondy?!" Sigaw pa ni Ben.


Dali-dali akong napadilat at mas lalo pa akong napatili nang makita kong hawak-hawak na ni Dondy ang ulo ni Ben. Sa sobrang laki ni Dondy, nagawa niyang maiangat si Ben sa ere habang magkabila ang hawak niya sa ulo nito.


"Ben!!!" Wala akong ibang magawa kundi mas lalo pang mapatili.


Labis akong nanlumo nang mas lumakas pa ang sigaw ni Ben at nagsimulang umagos ang dugo mula sa magkabilang bahagi ng kanyang ulo. Sa isang iglap, bigla kong narinig na para bang may napunit at kasunod nito ang pagbaksak ng duguang si Ben sa sahig.

Here comes DondyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon