Chapter 15 : Close your eyes

34.6K 2K 1.1K
                                    

15

Close your eyes

Gracie


"When I saw Dale's lifeless body lying on the ground, I wanted to die with him. Dale was the love of my life and in a snap, he was taken from me just like that." Nagsimulang maluha si Trina ngunit agad naman niyang pinunasan ang luha niya, "Biglang dumating ang ama ni Isaac at sinabi niya sa akin ang tungkol sa plano niyang buhayin ulit si Isaac at tinangka niya akong bayaran ng malaking halaga upang sabihin sa kanya kung sino-sino pa ang nasa likod ng pagkamatay ng anak niya."


"Desperado na ang matanda, ngunit mas desperado ako—hindi sa pera kundi para maibalik si Dale. Nagpanggap akong kakampi niya at siya naman tong tangang ambilis naniwala," Napangisi si Trina at agad niyang pinunasan ang dugong nasa mga kamay niya.


"Nakipagtulungan ako sa kanya Gracie, ngunit para maibalik si Dale. Ngayong papatapos na ang ritwal, kinailangan na niyang mawala. Ikaw na mismo ang nagsabi Gracie, masamang tao si Isaac kaya hindi na siya dapat mabuhay pa. Pero si Dale... napakabait ni Dale at alam mo 'yon diba?" Tanong niya kaya walang pag-aalinlangan akong tumango-tango.


Hinaplos ni Trina ang pisngi ko at pinunasan ang luha ko, "Handa ka naman sigurong ibigay ang sarili mong buhay para maibalik ulit si Dale diba? Gracie, ayokong lumaki ang anak ko ng walang ama. Alam mo naman siguro kung gaano kahirap lumaki ng walang ama diba?"


"B-but are you really carrying my brother's baby? You guys were done? My brother broke up with you—" Sa isang iglap ay muli na naman akong nakatanggap ng sampal ngunit sa pagkakataong ito ay mula na sa kanya.


"Your brother loves me! I'm carrying his baby and we'll be a happy family! Sa dami ng isinakripisyo ni Dale para sa'yo, ipagkakait mo ba ang pangalawang pagkakataon niya para mabuhay?! Muntik pa niya akong itapon nang dahil lang sa'yo!" Parang nanikip ang dibdib ko dahil sa sinabi ni Trina.


"Patapos na ang ritwal Gracie, at para makabalik ng tuluyan si Dale kailangan mong isakripisyo ang sarili mong puso para kay Pausta upang makahiling. Isang buhay kapalit ng sarili mong buhay. Si Dale ang pinag-uusapan natin dito Gracie, hindi mo dapat pag-isipan—"


Laking gulat ko nang bigla na lamang umalingawngaw ang isang napakalakas na putok ng baril. Para akong nabingi at wala akong ibang narinig kundi isang matinis na tunog. Ilang sandali pa ay bigla na lamang bumagsak si Trina sa sahig.


Sa gulat ko ay dali-dali kong nilapitan si Trina at nakita ko ang dugong bumubulwak mula sa kanyang puso. Tinangka ko siyang tulungan pero biglang may humigit sa kamay ko. Napatingala ako at nakita ko si Lyon—duguan ang noo niya at labis siyang namumutla.


"H-how could you do that to her?! She's pregnant!" Garagal na ang boses ko't halos ayaw nang huminto ng luha ko sa pagbuhos. Hindi ko maintindihan, gusto kong magalit kay Trina pero hindi ko magawa, siguro kasi dahil pareho lang kami ng gusto.


"Sa pagkakataong 'to, wala na akong ibang gagawin kundi protektahan ka!" Giit niya, "Tara na!" Dagdag pa niya at sapilitan akong hinila patayo.


Tila ba na blanko ang isipan ko sa mga nangyari, namalayan ko na lamang na nasa hagdan na kami at nagmamadaling bumaba. Napakadilim at napakalamig ng paligid, ang tanging liwanag lamang na nakukuha namin ay galing sa flashlight ng cellphone ni Lyon.

Here comes DondyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon