Chapter 8 : Doubt me not

45.6K 2.3K 1.1K
                                    



8.

Doubt me not

GRACIE


Kahit hindi ko pa pinapaliwanag sa kanya ang lahat, agad akong ipinagmaneho ni Richie nang pakiusapan ko siyang magtungo kami sa bahay ni Nancy. Nanginginig parin ang kalamnan ko at hindi parin magkandaugaga sa pagtibok ang puso ko pero sa kabila nito ay pilit akong nagpapakatatag.


Sa isang iglap, biglang hininto ni Richie ang kanyang motorsiklo kaya naman dali-dali kong tinanggal ang helmet ko. Napasinghap na lamang ako nang makumpirma kong totoo nga ang nakita ko kanina sa isipan ko.


Dejavu.


It felt as if everything that happened last year was happening again— when I witnessed Amy's death. The only difference this time is the fact that I don't have my brother beside me to tell me that everything's going to be okay.


"T-teka anong—" Nauutal na sambit ni Richie nang marating namin ang bahay ni Nancy at madatnan ang mga pulis at isang ambulansya sa labas ng bahay nila.


"N-nancy's dead..." Nagmistulang bulong ang boses ko dahil sa hirap ko sa pagsasalita.


"Ano?" Bulalas ni Richie at agad akong nilingon, kunot-noo at labis na naguguluhan.


"I-I saw it in my head Richie..." Napahawak ako sa sentido ko habang nakatitig sa direksyon ng bahay nila Nancy na ngayo'y pinagkakaguluhan na ng mga usisero't usisera.


"Anong nakita mo?" Naguguluhan niyang tugon.


Ibinaling ko ang paningin kay Richie at napatitig sa nanlalaki niyang mga mata, "He killed her, Richie."


"Ano bang sinasabi mo?!" Muling bulalas ni Richie at nakikita ko sa kanyang mga mata ang matinding gulat at pagdududa. Sa puntong iyon, napatitig na lamang ako sa kawalan at makailang-ulit na huminga ng malalim.


"D-dito ka lang, Magtatanong muna ako!" Maotoridad na sambit ni Richie saka siya dali-daling bumaba ng motorsiklo at nagtatakbo patungo sa direksyon ng ambulansya.


Hindi ko mapirmi sa iisang paksa ang isipan ko. Bumabalik sa isipan ko ang nangyari kay Nancy, kung paano siya pinatay ni Dondy. Sariwang-sariwa pa ang bawat detalye ng pangyayari sa isipan ko. Hindi ko alam kung bakit ko iyon nasaksihan pero alam ko sa sarili kong totoo ang mga nakita ko.


At ang mga huling sinabi sa akin ni Nancy.... Pinatotohanan lang nito ang nakita ko, ilang araw na ang nakakaraan.


Mali si Dale sa ipinangako niya noong mga bata pa kami...


Dapat ko nang katakutan si Dondy dahil sa pagkakataong 'to, nakakakilos na siya. Nagkatotoo si Dondy at sa pagkakataong 'to, kamatayan ang dala niya.


"Gracia!"


Natagpuan ko ang sarili kong naglalakad sa gitna ng kalsada. Marami akong nakakasalubong, lahat sila nagtatakbuhan patungo sa bahay ni Nancy upang makibalita at makiusyoso. May naririnig rin akong sumisigaw sa pangalan ko pero hindi ko ito sinusundan ng tingin.

Here comes DondyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon