11-10-2016

7.2K 260 12
                                    

1:40 AM
TheCW:
Ugh. Here I go again.
Waking up at this hour.

1:43 AM
kammy_102816:
Hello author. :))
Good morning.

1:45 AM
TheCW:
Kamille? Ikaw pa ba to?

1:46 AM
kammy_102816:
Yes author. :)

2:01 AM
TheCW:
Nagchange ka ng username? Why?

2:03 AM
kammy_102816:
Wala lang author.
Tapos na ba 2AM thoughts mo? Hihi
:D

2:04 AM
TheCW:
Haha! Nakakainis eh.
Bigla bigla akong nagigising.

I'll sleep ulit ha.
Goodmornight, Kamille. :)

2:05 AM
kammy_102816:
Sleep well author.
:* :*

8:50 AM
Good morning author!
Work ka na noh? :))

11:46 AM
TheCW:
Sorry late reply.
Oo work na.

1:43 PM
kammy_102816:
Author. :)
Alam mo ba?

2:00 PM
TheCW:
Ang ano?

2:03 PM
kammy_102816:
Aisshhh. Wala author. Hihi

2:40 PM
TheCW:
Ano nga??

2:45 PM
Ay naku. Eto na naman po siya.

2:47 PM
Anyway, alam mo yung feeling na may makasalubong ka na kilala mo dati pero nakalimutan mo yung name? Argh. Nahihiya naman akong magtanong kung anong pangalan.

5:21 PM
kammy_102816:
Hahaha.
Tapos anong nangyari author?

5:22 PM
Sowee. Late reply din author. Hihihi
:))

6:34 PM
TheCW:
Ayun. Tanging ngiti lang talaga nagawa ko. Nakikipag chika pa nga siya pero tango lang ako ng tango. At the back nagiisip talaga ako ng bongga kung ano pangalan niya. Haha, kalerks.

6:38 PM
Ayun, late ko na narealized pangalan niya. :((

6:46 PM
kammy_102816:
Hahaha. Ang cute mo pala mag kwento author noh? :))

7:04 PM
TheCW:
Lol cute naman talaga ako ah? Ikaw cute ka ba? Hahaha

<peace_sign>

7:17 PM
kammy_102816:
Hahaha
Hindi lang cute. Maganda.
<peace_sign_din>

7:33 PM
TheCW:
Fil am ka ba?

7:53 PM
kammy_102816:
Hindi author. Pinoy na pinoy.
:))

8:04 PM
TheCW:
Duhh?
Half filingera, half ambisyosa

8:14 PM
kammy_102816:
Bwahaha boshet! Na isahan mo ko dun ah? Nyahaha. Iba ka talaga author!

8:18 PM
Hindi naman talaga ako ambisyosang tao pero nung nakilala kita natuto akong mangarap.

8:19 PM
Hahaha!!
<peace_ulit>

8:26 PM
TheCW:
Wow ha? Kung makabanat ka jan.

8:32 PM
kammy_102816:
Ay. May ganung experience din pala ako author. Yung nakalimutan ko ang name ng kakilala ko.

8:34 PM
Tas sa mall ko siya nakasalubong author. Gaya ng sabi mo, kwento din siya ng kwento, eh di ko talaga maalala pangalan niya kaya ang ginawa ko, dinala ko siya sa Starbucks. Hahaha.

8:36 PM
Sabi ko treat ko siya ng coffee eh nung nag ask na yung barista sa name niya binigay naman niya agad. Ayun! Kilala ko na sino siya. Haha wais db??

8:39 PM
Pero yung nga lang, ako pala na isahan kasi nalibre ko siya. :((

8:41 PM
Yaan na. Pamasko ko nalang.
Hahaha!

8:50 PM
TheCW:
Hahaha. Havey!

Uy, sleep na ako ha.

Goodnight, Kamille.

:)

8:52 PM
kammy_102816:

Good night author.

Happy two-weeksary :))

8:58 PM

Two weeks na nakalipas author

:)

9:00 PM
TheCW:
Yup. I know. :")

Falling In Love With A Reader (GirlxGirl)Where stories live. Discover now