12-15-2016 (Story)

5.9K 226 75
                                    

...
Maria Kayla's
...

Ilang araw ang lumipas ng hindi ko nakausap ng maayos si Kamille Anne. A day before yesterday, napaka cold ng mga replies niya, kulang nalang sabihin sakin ayaw na niya akong maka chat. Ngunit sa ikalawang araw, totoo nga siguro yung hula ko, na ayaw niya akong makausap dahil ni walang chat ni Kamille Anne ang lumabas sa messenger ko. Nakakatampo siya, ayoko naman isipin niya na napaka clingy ko kung paulanan ko siya ng chat kaya kahapon tumahimik nalang din ako.

Napakalungkot lang na araw kahapon, nawalan ako ng gana halos di ko na magawang ngumiti at kumausap ng ibang tao. Buti nalang napaka busy kahapon sa opisina at binuhos ko nalang yung nararamdaman ko sa pagtapos ng project na binigay sakin ng boss ko.

Kinagabihan nun, sabay ng lungkot na nararamdam ko ay siya din pagbuhos ng malakas na ulan. Sa kamalas malasan naman ay nabasa ako at naligo sa bawat pagbagsak nito. Kaya umuwi ako ng bahay na luhaan este basaan. At yun nga, natapos din ang araw na yun na wala padin chat galing kay Kamille.

Kanina, nagising ako na matamlay at masakit ang buong katawan ko. Para akong ng weights kagabi sa sakit na dulot nito, kasabay pa ang pag ubo ko at sipon. Napagpasyahan ko na din wag nalang pumasok at nagpatuloy akong matulog.

Pero ilang oras din ang nakalipas ay nagising akong mainit na ang aking pakiramdam kaya napatawag ako kay Mama, sa taranta naman niya ay dinala agad ako sa clinic. Patapos na sana ako ng check up ng mabasa ko ang chat ni Kamille dahil kaka online ko palang. Hindi ko akalain in an instant ganun ganun nalang ang dulot niya sakin dahil para akong nakalunok ng isang gamot na instant din ang pagaling.

Naging busy ako sa pagrereply sa kanya at dahil sa kakulitan nadin niya, habang papalapit ng bahay ay nakita ko siyang naka upo sa sidewalk at sumisipsip pa ng softdrinks galing sa plastic. Para talagang bata tong babaeng to.

"Kamille Anne." Tawag ko dito ng makababa na kami ni Mama sa taxi. Napaigtad naman siya nung makita ako at lumapit.

"Maria Kayla." Napangiti ako ng marinig 'yon, iba talaga 'pag siya ang tumatawag sakin nun. Akala ko yayakapin niya ako pero lumagpas lang naman siya sakin at lumapit sa Mama ko. "Magandang hapon po Tita, ako po si Kamille, kaibigan ni Kayla." Sabay abot ng kamay niya sa Mama ko. Lumaki naman ang mga mata ko sa ginawa niya, seriously?! Totoo ba 'tong nakikita ko?! Si Kamille ba talaga 'to? Ba't ang kapal ng mukha? Tsaka kailan pa to humogot ng walang hiya?

"Magandang hapon naman." Ngumiti si Mama at hinawakan din ang kamay ni Kamille at bineso. Nakalimutan kong sabihin sa kanya na napaka friendly pa naman ng Mama ko. "Ngayon pa yata kita nakita, bago ka bang kaibigan ni Kayla?" Dagdag pa ni Mama.

Before pa makasagot si Kamille sa tanong ni Mama ay umeksena na ako. "Ay hindi naman Ma, dati ko pa tong kaibigan si Kamille. Tara pasok na tayo?" Sabay hawak ko kay Mama at pinauna ko siyang maglakad. Lumingon naman ako kay Kamille na katabi ko lang, "Umuwi ka na." Bulong ko sa kanya.

Napakunot noo naman siyang tumingin sakin na para bang ayaw niya sa suhestyon ko. Pero nakakainis talaga ang tadhana dahil lumingon din ang Mama ko kay Kamille. "Halika iha, pasok ka muna."

"Thank you Tita!"

Kanina'y nakakunot pa ang noo ng katabi ko pero ngayon bigla itong ngumisi at inunahan pa akong maglakad at sumabay pa sa Mama ko pumasok ng bahay.

Habang si Mama ay busy sa paghahanda ng makakain mamaya ay naka upo naman kami sa sofa. Itong katabi ko napaka at home pa ngayon at seryosong nanunuod ng TV. Sinundot ko siya sa tagiliran dahil parang wala talaga itong balak umuwi.

"Kamille, hindi kapa uuwi?"

Lumingon lang siya sakin umiling.

"Kasi Kamille gusto ko ng humiga, masama talaga pakiramdam ko."

Kahit naman feeling ko magaling na ako ng mag chat siya pero nag drama nalang ako dahil nahihiya talaga ako sa kanya na andito siya sa bahay.

"Ayoko. Dito na muna ako." Umayos siya ng pagkaupo. "Halika, higa ka dito sa lap ko para maka rest ka."

Nanlaki naman agad mga mata ko sa sinabi niya. "Baliw kaba? Maya makita tayo ni Mama." Umalik-ik lang ito. Ano ba sumapi sa batang ito at nagkalakas loob pa talaga siyang mag offer ng ganun?

"Samahan nalang kita sa kwarto mo?" Sabi niya. Gustuhin ko man pero nakakahiya talaga yung kwarto ko ngayon dahil sobrang dumi at makalat, wala na kasing time maglinis. Kaya napasandal nalang ako sa sofa at pumikit. Ilang minuto palang akong pumikit pero tinapik tapik naman ako ni Kamille. "Kayla, sorry ha? Sige na akyat kana. Dito na muna ako."

"Seryoso kaba? Ano gagawin mo dito?

"Basta sige na. Promise okay lang ako, pahinga ka muna sa kwarto mo."

"Ihhhh. Umuwi ka nalang kasi. Masama talaga pakiramdam ko at gusto ko lang magpahinga."

Nakakainis talaga si Kamille ngayon, mas gugustuhin ko pa yung mag pabebe siya, ang kulit niya lang kasi eh.

"Ano ba kasi nangyari sayo?" Iritableng tanong ko sa kanya. Kinurot naman niya magkabilang pisnge ko.

"Kwento ko sayo soon, pero ang importante ngayon, magpahinga ka okay?" Sweet na nga pero hindi naman makatingin sa mga mata ko habang sinasabi yon. Para bang tinatry niya lang kapalan mukha niya ngayon, pero dahil observant ako, nahahalata ko yun na di niya maiwasang mahiya padin sakin.

"Hays! Sige. 'Pag gusto mo ng umuwi, chat ka lang, idlip lang ako." Ngumiti lang ito. Umakyat na ako sa taas at humiga sa kama ko, gustuhin ko mang maglaan ng oras kay Kamille pero hinang hina talaga pakiramdam ko ngayon. Ilang sandali palang ay nakatulog na ako.

...

Pasado alas sais na ng gabi ng magising ako. Pagkababa ko ay naririnig ko mula sa hagdanan ang tawanan ni Kamille at Mama ko. Bumilis naman ako sa pagbaba at naabutan ko sila sa kusina kasama ng dalawa kong kapatid na nagkakasiyahan na sa kwentuhan.

My God Kamille Anne!!

(To be continued..)

Falling In Love With A Reader (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon