12-21-2016 (Ladies Night)

6.7K 248 63
                                    

"Tara na guys."

Tawag ko sa mga workmates ko ng mapansin kong tapos na silang mag ayos ng sarili. Nagmadali kaming bumaba at ng makalabas ng building, kitang kita saking mga mata ang sexyng babae na nakasandal sa kotse. She's wearing black off shoulder top at white shorts. Hindi mo talaga aakalain na ang pabebeng babaeng ito ay may tinatago ding kasexyhan.

Lumapit na agad ako dito dahil nakayuko na siya ng makita ako.

"Hey." Sabi ko. Ngumiti naman siya pero nahihiya pa din. Ang cute niya talaga kapag nahihiya, kaya hindi ko na napigilan sarili ko at niyakap siya. Hmmm, ang bango.

I felt like the need to hug her, kasi parang namimiss ko siya. But then I noticed some eyes staring questionably at us, agad na akong kumiwalas ng pagkayakap at humarap sa mga kasama ko.

"Guys, si Kamille pala, kaibigan ko." At isa isa kong pinakilala ang lima ko pang kaibigan.

"Hello." She said introducing herself. "Dito na kayo sumakay." Offer niya.

"Kasya ba? Hindi naman ata."

Naisip ko hindi kami kasya sa kotse ni Kamille kaya sabi ko sumakay nalang yung iba kay Miguel. Ilang minuto din hinintay namin at may isang kotse ang pumarada sa harap namin.

"Sakay na yung iba dito." Sabi ni Miguel after lowering down the window.

...

When we arrived at the bar, nag hintay muna kami sa gilid habang may kinakausap si Miguel, siya na daw kasi bahala sa table at libre nadin niya ang first set, kaibigan niya daw yung may ari.

"Girls, let's go. Dun tayo." Turo niya sa VIP area.

I was holding Kamille's arm while we walked towards the seats, baka biglang mawala eh, para tuloy akong Ate niya.

"Migz, si Kamille nga pala, kaibigan ko. Kamille? Si Miguel." Pinakilala ko na silang dalawa ng maka upo na kami.

"Oh Hi." Ngiti ni Miguel sabay abot sa kamay niya kay Kamille to shake hands.

Hinawakan naman ito ni Kamille. "Hello."

"Check ko lang yung inumin."

Habang katabi ko si Kamille, busy naman sa pakikipag usap mga kaibigan ko sa isa't isa. Sa sobrang gigil ko dito sa katabi ko ay napayakap ako sa braso niya. Hmmmm!! Narinig ko naman yung tawa niyang mahina kaya napangiti ako.

"Ang cute ng suot mo." Sabi ko.

"Ayyy." Nahiya naman siya ulit kaya binaling yung attensyon niya sa dance floor.

Bumalik na si Miguel with drinks on his hands kasama ang waiter na may dala din, mukhang mahaba habang inuman 'to sa dami.

...

After three hours of pure fun, talking and drinking, lumapit si Miguel saken at bumulong.

"Kayla, okay lang ba labas muna tayo? I have something to tell you." He said.

Tiningnan ko muna si Kamille if she's okay but I think she's having fun naman, nawala nadin hiya niya at ngayon nakikipag usap na sa mga friends ko. I looked towards Miguel at bumulong din.

"Saglit lang ba yan?"

Then he nodded affirming na saglit lang. Kaya lumapit ako ng konti kay Kamille at bumulong. Oo kami na nag bubulongan dito dahil malakas ang music at hindi kami magkarinigan.

Falling In Love With A Reader (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon