11-28-2016

6.7K 277 113
                                    

1:43 AM
Ellimak Arevir
Good morning author!
Yung puro tulog lang ginagawa ko. Mas productive pa talaga ako dito kesa sa school. Hihi 😂

2:00 AM
Share ko lang sayo yung 2am thoughts ko author.

"It's amazing how one little conversation can change things forever."

2:03 AM
Kayla Abellana
Ang tulog nababawi pero ang grades?
Hindi.
Kaya mag aral ka.

2:05 AM
Ellimak Arevir
Oh?? Gising ka pa??

2:08 AM
Kayla Abellana
Ahuh! Ginising ako kanina ng mga pinsan ko, shot daw. Di nako makatanggi dahil baka mabully pako pag nag pabebe pako. Paminsan minsan lang naman.

2:09 AM
Ellimak Arevir
Lahi talaga kayo ng mga bully ano author? Hahaha

2:11 AM
Kayla Abellana
Keh. Ikaw? Lahi naman ng pabebe.

2:13 AM
Ellimak Arevir
Sauce!
Name-mersonal kana author ha.
Hahaha!
Pero okay lang, alam kung nakainom ka lang ngayon.

2:20 AM
Ano na author, kaya pa? Haha

2:23 AM
Kayla Abellana
Kanina medyo natamaan ako, pero ngayon nahibasbasan na after namin lumabas para mag ice cream. Ang weird nga eh! Tas ang ingay pa namin kanina sa convenience store. Muntik pa kami makabasag. Hahaha!

2:25 AM
Ellimak Arevir
Hahaha ang kulit! So asan na kayo ngayon?

2:31 AM
Kayla Abellana
Eto kakauwi lang namin.
Sleep na ako Kamille ah, maaga pa flight namin mamaya.

2:32 AM
Ellimak Arevir
Sige po author, good mornight.
10/28/2016 - 11/28/2016 = 1 month.
💚💛

9:34 AM
Magandang umaga author.
Ang bait ko ngayon, maaga ako sa school. Kain muna ako here.

9:59 AM
Kayla Abellana
Huh? Pumunta ka lang jan para kumain? Airport na kami, wait nalang to board.

10:04 AM
Ellimak Arevir
Joke lang. Syempre mag-aaral ui.

10:06 AM
Kayla Abellana
Mag aral ka noh!
Kung ayaw mong mag tanim ng kamote sa bukid.

10:09 AM
Ellimak Arevir
Hmmm? Thinking of considering it.

10:10 AM
Sabagay, malaki ba income nun?

10:11 AM
Kayla Abellana
Gosshhhh, haha aba ewan ko.
Try mo!

10:12 AM
Nag-aaral ng polsci tas magtatanim nalang ng kamote, san justice nun?

10:15 AM
Ellimak Arevir
Meron kaya, ako ang magiging lawyer ng mga kamote.

10:19 AM
Kayla Abellana
Malaking kalokohan.
Boarding na kami ngayon.
Diretso nako work after airport kasi mag ha-half day ako.
See you after work ok?

10:22 AM
Ellimak Arevir
Waaaaaaaa! Eto na talaga
O-okay author.

11:33 AM
Uwi muna ako author tapos na class.
Napagod talaga ako sa school.
Ewan ko ba, pero pag nasa skwelahan ako ang dali ko lang talaga mapagod.

Falling In Love With A Reader (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon