12-19-2016

5.5K 213 50
                                    

...
Fast forward to Dec. 19th from 15th kasi it's just the same scene.
...

8:45 AM
Kayla Abellana
Good morning, Kamille Anne.
Sorry kung nakatulog na ako kagabi. Sobrang pagod lang tologo. Traffic kaya kahapon tas konti lang tulog ko. Pagdating ng bahay diretso bagsak sa kama. Hays.

9:29 AM
Kamille Rivera
Magandang umaga, MK!
No worries, basta ikaw. ☺️

10:46 AM
Kayla Abellana
Nag enjoy kaba sa movie?
🤔

10:48 AM
Kamille Rivera
Nag enjoy ako kasama ka. ☺️
Ehh kasi naman hindi ko talaga maintindihan yung Rogue One, di ko pa kasi napapanuod yung original movies ng Star Wars.

10:50 AM
Pasensya na MK ah?
Don't worry manunuod ako ng movies nun, download ko muna para maka relate ako sayo next time.

10:55 AM
Kayla Abellana
Okay lang noh, salamat kasi sinamahan mo padin ako kahit di mo bet. Buti hindi ka nakatulog?

10:56 AM
Kamille Rivera
Hindi noh! Nag enjoy kaya ako sa mga reaction mo lalo na yung nag kukwento kana sa mga nangyayare sa movie. ☺️

10:58 AM
You're such a nerd, MK.
Hindi ko talaga maisip na may babaeng sobrang hook sa Star Wars, usually kasi mga nerd na lalaki nagkakagusto sa movie na yun.

11:01 AM
Kayla Abellana
Hindi ako babae, Kamille Anne. Lalaki ako, LA•LA•KI. Nyahaha, gwapo ko siguro pag guy ako? Tingin mo?

11:04 AM
Kamille Rivera
Hay naku. Ayan na naman po siya, kahapon pa yang topic na yan. I like you just the way you are, MK.

11:08 AM
Kayla Abellana
Whoa?
Pag ako kinilig, pati ipis sa bahay kikiligin! Hmp. 😒

11:10 AM
Kamille Rivera
HAHAHA!
Buti pa yung ipis boto sakin!

11:11 AM
You ❤

11:15 AM
MK, tag lamig na ngayon noh? Alam mo ba kung anong masarap inumin?

12:00 PM
Kayla Abellana
ANO?

12:03 PM
Kamille Rivera
Kape.
Kaperasong pamamahal mula sa'yo.

12:05 PM
Kayla Abellana
HAHAHA, okeh!

12:08 PM
Kamille Rivera
Pero alam mo ba kung ano ang pinakamasarap na kape?

12:10 PM
Kayla Abellana
Hmmmm, ano?

12:14 PM
Kamille Rivera
Ang KAPEling kita.

1:00 PM
Kayla Abellana
Naks, Kamille ha.
Teka, work muna ako.

1:02 PM
Kamille Rivera
Ayy, yun lang? 😔
Ang saklap mga bes.

1:43 PM
💚💛

3:30 PM
Kayla Abellana
Kamille Anne!
Sem break mo na diba?

3:38 PM
Kamille Rivera
Yes, Maria Kayla.

3:40 PM
Kayla Abellana
Galenggg.
Sorop ng buhay mo oh.
Ano naman plans mo?

3:42 PM
Kamille Rivera
Uhmmm, ang paibigin ka?

3:44 PM
Kayla Abellana
Hay naku, napag usapan na natin to. Umayos ka nga.

3:45 PM
Kamille Rivera
Ehh, bahay lang naman.
Ikaw? Hindi kaba naka leave?

3:46 PM
Kayla Abellana
Ubos na leave ko eh. Haha!
Buti nalang weekend ang holidays.

4:40 PM
Kamille Rivera
Uwaaaa.
Nakatulog ako.
Good afternoon, Maria Kayla.
Sobrang miss na kita.

4:45 PM
Gusto kitang makita.

6:00 PM
Out kana? 😍

6:34 PM
Bahay ka na?
Let me know kung bahay kana.

6:40 PM
Kayla Abellana
Hi, Kamille Anne.
Sorry ngayon lang nag reply.
Lowbatt.

6:42 PM
Kamille Rivera
Okay lang, nag enjoy kaba?

6:43 PM
Kayla Abellana
Hmmm, this day?

6:45 PM
Kamille Rivera
Yes.
And with him.

6:47 PM
Kayla Abellana
Owwww. 🤔

6:49 PM
Kamille Rivera
I saw you with a guy, mukhang hinatid ka ata sa inyo.

6:53 PM
Kayla Abellana
Paano mo nakita?
Pumunta ka ng office ko?

6:55 PM
Kamille Rivera
Yep.
Hatid ko sana tong timba.

6:56 PM
Kayla Abellana
Ahh, oo. Si Miguel.
Kasamahan ko sa trabaho.

6:59 PM
Kamille Rivera
Manliligaw?

7:01 PM
Kayla Abellana
I don't know.
Kaibigan ko lang naman 'yon.

7:03 PM
Kamille Rivera
Paano kung manligaw siya?
Sasagutin mo?

7:05 PM
Kayla Abellana
Hindi ko alam, kaibigan lang kasi turing ko sa kanya. Ba't hindi ka naman nag chat na pupunta ka pala? Para naman nakapagkita tayo.

7:10 PM
Kamille Rivera
Gusto sana kitang isurprise.

7:14 PM
Kayla Abellana
Hindi naman kailangan Kamille eh.

7:18 PM
Kamille Rivera
Kaya lang ako pa ang na surprise.
Again.

7:20 PM
Kayla Abellana
What do you mean?

7:25 PM
Kamille Rivera
Pangalawang beses ko na kayong nakita magkasama. Pero never mind. Okay lang.

7:31 PM
Kayla Abellana
Huh? Kelan mo kami nakita nung una? Pangalawang beses lang din naman niya ako hinatid.

7:36 PM
Kamille Rivera
Nung 13th, birthday ni Taylor Swift.

7:40 PM
Kayla Abellana
Was that the reason why hindi ka nag chat that time?

7:43 PM
Kamille Rivera
Uhmmmmm.
Pero narealized ko naman it was a stupid move, I shouldn't have done that. I'm sorry. Natakot ako bigla.

7:45 PM
Kayla Abellana
Natakot ka saan?

7:48 PM
Kamille Rivera
Na baka mawala na naman sakin ang taong mahal ko. Ayoko na ng ganung feeling.

7:50 PM
Kayla Abellana
Bakit naman ako mawawala sayo?

7:57 PM
Kamille Rivera
I don't know.
Am I losing you?

7:58 PM
Kayla Abellana
No.
You will be having me instead.

8:00 PM
Kamille Rivera
Ano ibig mo sabihin?

8:12 PM
Kayla Abellana
Ibig ko sabihin..

8:13 PM
Matutulog nako.
Good night, Kamille Anne.
Sobrang sleepy na talaga ako.
Mwuah! 😘

8:15 PM
Kamille Rivera
Asdfghjkl!!
BITIN!

8:18 PM
May itatanong pa sana ako eh.
Huhu, namaaaaan.

8:20 PM
Good night, MK!
Ughh 😒

Falling In Love With A Reader (GirlxGirl)Where stories live. Discover now