Imagine with Lay

7.8K 151 21
                                    

Boyfriend mo na si Lay pero di mo pa rin mafeel na boyfriend mo siya. Monthsary niyo lagi niyang nakakalimutan. Birthday mo ngayon at anniversary niyo na din. Sawang sawa ka na at pagod ka na sa kakapaalala kay Lay pero wala pa din talaga.

YOU: Lay, ayoko na talaga. Sawa na ako. Sawa na ako na ako lang nag-eefort tuwing monthsary natin. Birthday ko ngayon at anniversary natin nakalimutan mo din. Please Lay, give me a reason to stay.

LAY: Ano nga yun? Monthsary? Birthday mo? Kailangan nga kasi yun?

YOU: I had enough. Yung anniversary natin Birthday ko din yun at ngayon yun Lay. Ngayon! Di mo man lang makuhang maalala! Putspa naman Lay! Anong use ng reminders sa phone mo? Wala? Display lang?!?

Umalis si Lay at tinalikuran ka. Mas lalong nag-init ang ulo mo sa ginawa niya.

YOU: I guess you can't give me a reason to stay. Bye Lay. Masaya naman ako kahit papaano na naging tayo.

Umiiyak ka nang sumakay ka sa sasakyan mo. Pag-uwi mo sa bahay nagkulong ka sa kwarto mo. Sa pagdradrama mo may nagbabato ng bato sa bintana mo. Sumilip ka sa bintana mo at nakita si Lay. Nagkunware kang walang nakita at nagtago.

LAY: Alam kong nakita mo ko! Kaya wag mo kong taguan. Makinig kang mabuti. Pinaghandaan ko tong speech ko. Una sa lahat. Gusto kong magsorry dahil di kita pinigilan umalis kanina. Nag-isip ako ng paraan para isurprise ka ngayon. Sorry dahil sa sobrang makakalimutin ko pati birthday at anniv natin di ko naalala. Oo sa susunod may reminders na ako. Pero kahit makakalimutin ako di ko makakalimutan kung gaano kita ka mahal. So please. Lumabas ka na diyan. May ibibigay ako sayo. Please.

Natouch ka naman na ewan sa ginawa ni Lay kaya bumababa ka na at lumabas ng bahay para lang puntahan si Lay.

YOU: Ano ba kasi yang ibibigay mo Lay? Sayang oras ko oh.

LAY: Happy Birthday and Happy Anniversary Baobei. Uhmm. Hayaan mo akong isuot sayo tong necklace na pinagawa ko. Heart na may letter L sa gitna. Meaning akin lang yang puso mo. And take care of our baby XIXI.

Binigyan ka ni Lay ng Necklace at Lifesize Bear na baby XIXI niyo daw. Dahil di mo alam irereact mo hinug mo ng mahigpit si Lay.

--------------------------------------

(Y/N):

Hahahaha. Omg~! Kraas ko na talaga si Lay. He's so asdfghjkl?! Kasama na siya sa bias wrecker list ko na BaekYeolHunHanLay. <//////3

EXO LOKOHAN 101Where stories live. Discover now