Bubble Tea Love Story (xDarkxChocolatex)

5.5K 97 24
                                    

Maaga ang uwian namin ngayon mabuti naman at mapupuntahan ko na ang bagong bukas na bubble tea shop malapit sa school namin. Nakakainis talaga si Momo yung bestfriend ko iniwan na naman ako. Pinagpalit ako sa boyfriend niyang singtangkad ng posteng si Kris. Kala ko ba friends over boyfriend ang rule namin? Rule breaker! Nakakainis naman! So alone akong magbububble tea. Lecheng buhay naman oh!

Nagpunta na lang ako mag-isa sa bubble tea house. Nakakainis pa kasi ang daming tao at puno ang mga upuan. Saan ako makakapagmuni-muni nito. Grabe. Nakakita ako sa dulo na mag-isang nakaupo. Siguro pwede naman akong maki-share sa kanya.

"Excuse me, pwedeng makishare sa upuan?" tanong ko dun sa lalaking nakaupo mag-isa

"Thure. Pwedeng pwede."

Tahimik akong umiinom ng bubble tea nang mapansin ko ang sobra niyang kagwapuhan. Thet. Nakakainlab at pers sight. Pero may lisp ata siya. Okay lang gwapo naman e.

"Shet kuya bat ang gwapo mo? Mahilig ka din ba sa bubble tea?" tanong ko kay kuyang kashare ko ng table. Tutal nasa harap ko na kakapalan ko na mukha ko.

"Yeth. Mahilig ako tha bubble tea." saka niya na ako iniwan mag-isa doon.

I feel happy all of a sudden. Sana kaschoolmate ko siya para naman makilala ko. Sayang lang at di ko natanong pangalan niya.

Kinabukasan masaya akong pumasok sa school. Nawala talaga badtrip ko kay Momo dahil sa bubble tea at kay kuya gwapo.

"Oh bat ang saya mo ata Yuriko?" tanong ni Momo nung magkasalubong kami

"Mamaya ko na ikwekwento. Galit pa ako sa inyo ni Kris. Iniwan niyo ko!" pagsusungit ko kunware kay Momo

"Sorry na kasi bestfriend. Alam mo naman yung boyfriend kong yun mainitin ulo. Nakakarindi kapag sumisigaw. Dinaig pa ako." sagot ni Momo sa akin

"Okay. Forgiven. Samahan mo na lang ako mamaya dun sa bubble tea shop na yun. Masarap kasi e."

"Hahaha. Sigee. Yayayain ko din si Kris."

Recess na at di na makapaghintay si Momo sa ikwekwento ko sa kanya na halos kulitin na ako habang naglelesson kami. Naiirita na nga ako kasi feeling ko tinitignan kami ng masama ng prof namin.

"So ano nga Yuri ang nangyari at parang blooming ka?" tanong ni Momo

"Girl kasi sarap ng bubble tea! Nakakablooming."

"Che! Wag mo nga ako lokohin!" saka niya ako kinurot. Shete. Ang sakit mangurot.

"Ito na nga ikwekwento na. Sakit mong marurot. Walang patawad. Bwisit." saka ko siya pinalo ng mahina.

"E kasi nga ang daming tao dun. Tapos dun sa dulo may meron space kaya lang may nakaupong lalaki. Edi nakishare ako."

"Yun na yun?!? Walang kilig moments? E bat blooming ka?"

"E kasi naman ang gwapo kasi Momo."

"Gwapo?!? Gwapo?!? Tara pakilala mo ko!" excited na sigaw ni Momo

"Leche! Gusto mong sumbong kita kay Kriseu nang malintikan ka diyan. Landi landi mo talaga!"

"E joke lang naman e. Sabi mo kasi gwapo. Kaya bigla akong nabuhayan tho gwapong gwapo naman boyfriend ko. Di ko yung iiwan at ipagpapalit no!"

"Buti alam mong gwapo yang boyfriend mo. Dami kayang naiinggit sayo girl. Haba kasi ng hair mo!"

Natapos ang klase namin ni Momo at tinawag niya ang kanyang boyfriend habang ako naman ay naghihintay sa gate.

"Tara Yumi!" saka niya pinalupot ang kanyang braso sa mga braso ko. Nakita ko pang sumimangot ang kanyang Kris. Nainggit ata.

"Teka lang Momo. E kung kumapit ka na lang sa braso ng boyfriend mo. Parang kakainin na ako ng buhay dito. Jusme." parinig ko kay Kriseu.

EXO LOKOHAN 101Where stories live. Discover now