I'll wait for you (fabwulous)

3.9K 76 5
                                    

"Putoseko! Ano ba Chanyeol?!? Kanina mo pa ako sinusundot sa tagiliran ah?!?" suway mo kay Chanyeol. Naiinis ka kasi kanina pa talaga siya nang-iinis. Kanina ka pa kinukulit ng seatmate mong walangya. Wala nang ginawa kundi ang kulitin ka. Sa araw-araw ba naman na katabi mo siya lagi na lang ganun.

"Ang saya mo kasing kulitin Yohanna. Madali kang mainis." paliwanag sayo ni Chanyeol na mas lalo mong ikinainis. Oo minsan pinapatulan mo yang pang-iinis niya sayo pero kahit gaano ka kakulit hindi ka nananalo sa walangyang si Chanyeol.

"Punyeta Chanyeol! Tumigil ka na ah. Kanina ka pa!" sa sobrang inis mo namura mo na si Chanyeol at dahil sadyang mapaghiganti kang babae kinurot mo si Chanyeol ng sobrang lakas dahilan upang siya'y mapasigaw ng napakalakas.

"ARAAAAAAAAAAY~!" malakas na sigaw ni Chanyeol. Napatingin sa inyo ang kapwa niyo estudyante habang binibigyan kayo ng matatalim na tingin ng inyong prof.

"PARK CHANYEOL! YOU GET OUT! INIISTORBO MO ANG KLASE." nagbunyi ka nung malaman mong pinalabas si Chanyeol. Binelatan mo pa nga siya. Sa wakas nakaganti ka na!

"Ikaw din Yohanna Lee lumabas ka din! Kanina ko pa naririnig yang bulong-bulungan niyo." lumabas ka dahil utos nga ito ng inyong guro. Dahil wala ka namang gagawin nagpunta ka na lang sa canteen niyo para kumain. Ang hindi mo alam sumusunod pala si Chanyeol sayo.

"Sabi na nga ba e! Ang takaw mo. Canteen talaga pinuntahan."

"E anong gusto mong gawin ko? Tumunganga sa labas ng room natin?! Langya ka kasi e! Ang kulit kulit mo!"

"E bat mo kasi ako kinurot ng napakalakas?"

"E kasi walangya ka. Nagfofocus akong msg-aral ginugulo mo ko!"

"Wow. Nagfofocus daw e huling-huling nagdodoodle."

"Aish. Wala akong mapapala sayo. Kakain na lang ako." kaya iniwan mo siya at umorder na ng makakain mo. Umupo ka matapos mong makuha ang order mong pagkain. Tumabi din sayo si Chanyeol at kumain din.

"Bat hindi na lang tayo magkasundo sa kalokohan? Lagi na lang tayong nag-aaway." tanong sayo ni Chanyeol. Napaisip ka sandali sa sinabi niya. Oo nga naman. Parehas kayong maloko. Bat hindi kayo magkasundo sa kalokohan.

"Deal. Simula ngayon kalokohan buddy na kita. Lahat ng kalokohan gagawin natin." inilahad mo ang iyong kamay para makipagshake hands kay Yeol.


     Dahil nga kalokohan buddy mo si Chanyeol, wala na kayong ginawang matino kung hindi mga kalokohan. Nagpraprank pa kayo ng kapwa mong kamag-aral. Mga walangyang estudyante talags kayo at lagi kayong napapalabas na halos inaraw-araw niyo ang early break niyo. Hanggang sa maging bestfriend kayo. May inamin sayo si Chanyeol na ikinabigla mo.


"Yohanna i love you." seryosong saad ni Yeollie sayo. Natawa ka lang kasi alam mong nagbibiro lang siya.

"I love you din bestfriend!" tawa mo kay Yeol.

"Yohanna maniwala ka na mahal kita. Hindi as a bestfriend lang pero as a man."

"Chanyeol kasi...." hindi ka talaga makapaniwalang mahal ka ng bestfriend mo.

"Sige hihintayin ko sagot mo. Alam kong nabigla kita." iniwan ka ni Chanyeol na shock na shock. E sino ba namang kasing hindi mashoshock. Bestfriend mo nagconfess sayo. Ay grabe!



     Dumating ang araw na natutunan mo nang mahalin si Chanyeol. Pumunta ka sa bahay nila pero wala kang naabutang Chanyeol. Nakita mo lang ang nag-iisang katiwala nila.


"Manang! Nasaan po si Chanyeol?"

"Eh kasi ano... Uhmmm... Umalis na sila Chanyeol kasama magulang niya. Flight nila papuntang Korea. Pero ineng mahahabol mo pa sila." nagmadali kang umalis at nagpara ka ng taxi para makapunta ng airport.


       Nakadating ka na sa airport at todo hanap ka sa matangkad na parang elf ang itsura. Hinahanap mo si Chanyeol. Nakita mo si Chanyeol na papasok na kaya sumigaw ka para makuha ang attention niya.


"TANGINA MO CHANYEOL!" sigaw mo. Napatingin lahat ng tao lalo na si Chanyeol na mukhang gulat na gulat. "Sabi mo mahal mo ko. Pero ito ka ngayon iiwan na ako ng wala man lang paalam." iyak mo habang nagspespeech ka.

"E kasi di mo naman ako mahal at alam kong wala ka namang pake sa akin." paliwanag sayo ni Chanyeol.

"Pakyu! Leche ka! Mahal na kita gago!"


     Lumapit sayo si Chanyeol at niyakap ka ng mahigpit. He even kissed you passionately.


"Gago ka wag ka nang umalis!" sigaw mo sa kanya


"Kababae mong tao mura ka ng mura! Ano ba naman yan?!"

"E pero langya ka kasi e. Aalis ka na. Paano tayo? LDR na lang ganun?!"

"Wag kang mag-alala. Magbabakasyon lang kami sa Korea. Bibisitahin lang namin si dad."

"Siguraduhin mong bumalik ka dito!"

"Oo babalik ako para sayo." and he kissed me for the last time. I'll wait for your return Chanyeol. Wag ka lang nakahanap ng magandang babae dun dahil babangasan ko kayo parehas.

--
Y/N:

Sorry ngayon ko lang nagawa ang request one-shot mo. Ang bagal ko talaga. Sorreh. Hope you like it mee-yuuuh. Hahaha.

EXO LOKOHAN 101Where stories live. Discover now