Chapter 3: Wrong Impression

712 50 3
                                    

          "Dude, bakit naman ganun ka kay Kisses? Di mo man lang naisip na maooffend sya sa sinabi mo kahapon." Criz.

         "Oo nga." Pag-sang ayon ni Axel sa sinabi ni Criz. Nasa usual tambayan nila silang apat dahil vacant nila. "Bakit ba parang ang laki ng galit mo sa tao?"

        "Im not mad at her." Edward.

        "Eh, anong tawag mo sa inaakto mo?" Mark.

        "I just simply dont like her." Tipid uling sagot ni Edward.

      
        "Bakit naman? Mabait naman si Kisses. Maganda pa." Axel.

       "I wont fall for that kind of person. She is getting sympathy because of her physical appearance." Edward.

       "Tsk! Ang judgemental mo, dude! You dont know her yet. Basta ako i like her." Criz.

       "Hey! I like her too. May the best man win nalang." Axel.

      "Mga ugok!" Mark.

       Naiiling nalang si Edward sa mga kaibigan. Hindi nya kase gets kung ano ang nagustuhan ng mga ito sa dalaga bukod sa physical appearance nito.

*****

          "Wow! Ang galing! Malapit na nating matapos ang booth." Tuwang-tuwang pumalakpak si Mai2x.

         "Oo nga. Ang bilis. Salamat sa tulong nyo guys." Sincere na sabi ni Kisses.

         "You're welcome, Princess." Criz.

         "Basta para sayo, Angel." Axel.

        Tumulong nga ang mga ito sa pagbuo ng tent nila Kisses.

         Kisses design their ukay-ukay booth. Ang mga ibebenta nilang gamit ay nanggaling sa mga sikat na estudyante ng University. At dahil isa sya sa sikat sa University being crowned Ms. Campus that year. Marame ang nag-donate sakanya. Ang magiging proceed ng booth nila ay ibibigay nila sa foundation na itinayo ng University.

         "Salamat din sa mga donation nyo. Siguradong marame tayong maidodonate sa foundation." Kisses.

        "Naku! Siguradong mag-aagawan ang mga fan girls ng mga hearthrobe sa mga gamit nila." Mai2x.

       "Kapag nangyari yon malaki ang kikitain ng booth nyo. Teka nag-donate na ba si Edward?" Yong.

        "Wala naman syang sinabi na magdodonate  sya eh. Pero ako mag-dodonate ako, Princess." Criz.

       "Thank you." Kisses.

       "Dapat mag-donate din si Edward. Marame din yung fangirls di ba?" Yong.

      "Okay lang yon. Kahit hindi na. Marame na namang nag-donate. Kapag isinama ko yung ilang gamit na idodonate ko. Marame na kameng maibebenta." All smile pading sabi ni Kisses.

       "Oo nga. Tama na yon. Wag nyo ng pilitin yung ayaw mag-donate." Mai2x.

       "Hindi naman sa ayaw nyang mag-donate. Hindi nya pa siguro alam. Forsure kapag nalaman nya mag-dodonate yon. Kase gusto rin nung makatulong." Yong.

     "Tama si Yong. Mukha lang suplado yung si Edward. Pero mabait yon." Axel.

      "Sabi nyo eh. Di ba may binake ka kagabi?" Naalalang tanong ni Mai2x kay Kisses.

       "Oo nga. I-bake cookies for you guys. Pero pasensya na hindi to ganun kasarap ha. Here." Inilabas ni Kisses mula sa bag nya ang lalagyan ng cookies.

Started with the Wrong ImpressionOn viuen les histories. Descobreix ara