Chapter 15: Going to Batangas

628 57 7
                                    

         "Batangas here we come!!!!" Sigaw ni Mai2x sa bintana ng Van na sinasakyan nila papunta ng batangas.

         "Haha! Mai, maupo ka nga dito." Hinila ni Kisses pabalik sa tabi nya si Mai2x.

       "Ang hyper mo na naman, Mai." Natatawang react ni Yong.

      "Oo nga. Nakakaen ka na naman ng energy beans anoh?" Axel.

      "Haha! Oo nga. Hindi ka man lang namigay." Criz.

      "What's with that energy beans?" Kunot ang noong tanong ni Edward.

     "Haha! Dont worry edward bibigyan ka namin ng energy beans kapag binigyan kame ni son gokou." Kisses.

      "Your making fun of me." Nakasimangot na reklamo ni Edward.

      "Dude, we already explain it to you remember?" Mark.

      "Yeah. I remember in the amazing race." Edward.

      "Naalala mo na? Kaso itong si Mai2x kahit walang energy beans sobrang energetic eh." Criz.

       "Sinabi mo pa!" Yong.

       "Grabe kayo saken. Ayaw nyo nun? Hindi kayo aantukin sa biyahe." Mai2x.

       "Mai2x, ikaw dapat ang nandito sa tabi ni Manong eh. Para hindi sya antukin." Mark.

       "Hayaan mo mamaya dadaldalin ko si Manong para hindi sya makatulog." Mai2x.

      Natawa nalang sakanila ang driver ng van na maghahatid sakanila sa batangas.

       Maya-maya lang kanya-kanya na sila ng mundo.

       Si Axel at Yong nagkukwentuhan. Ganun din si Mai2x at Kisses.

      Si Criz naman nagsasoundtrip kaya may nakapasak na headset sa tenga.

      Habang sina Edward at Mark.....

       "Dude, baka matunaw." Pukaw ni Mark kay Edward na nakatitig kay Kisses na nasa pinakalikod ng van kasama si Mai2x.

      "Im not looking at her." Deny ni Edward na napatuwid ng upo at nag-iwas ng tingin.

     "Haha! Sabi mo eh." Mahinang sabi ni Mark saka tumungin ulit sa unahan ng sasakyan.

       Habang sa likod anu nga ba ang pinag-uusapan ng dalawang girls?

       "Eeee!!!! Nakakakilig.... Nakakakaba.... Nakatingin sya sayo kanina." Pabulong na Tukso ni Mai2x kay Kisses.

       "Mai! Naaano ako eh." Nahihiyang nagtakip ng namumulang mukha si Kisses.

      "Haha! Akalain mo yon magkakilala pala ang parents nyo? Forsure boto sakanya sila tita at tito. Tignan mo nga pinayagan ka nila agad nung ipinagpaalam ka nya." Mai2x.

       "Wag kang maingay. Baka marinig ka nila." Saway nya kay Mai2x. "Magkaibigan ang parents namin kaya may tiwala sila kay edward noh."

      "Kapag nanligaw kaya sya sayo papayag ang parents mo? Eeee!!!! Kinikilig na ko ngayon palang." Mai2x.

     "Mai2x naman eh! Magkaibigan nga lang kame!" Pakiramdam ni Kisses pulang-pula na ang mukha nya dahil sa pang-aasar ni Mai2x.

      "Asus! Doon naman yun nagsisimula ah." Mai2x.

      "Bahala ka nga dyan. Matutulog nalang ako." Nagtakip ng unan si Kisses para tigilan na sya ni Mai2x.

      "Haha! Uyyy!!!! Namumula sya." Panunukso parin ni Mai2x.

Started with the Wrong ImpressionWhere stories live. Discover now