Chapter 12: Pancakes

648 49 1
                                    

         Tapos na ang foundation day kaya balik sila sa daily routine nila.

        After ng klase nila or kapag sabay-sabay ang vacant nila tumatambay sila o sabay-sabay na kumakaen.

       Pero bihira silang makumpleto dahil pare-pareho silang naghahabol sa mga deadlines nila bago magbakasyon. Ngarag sila sa exams, projects and other requirements.

       "Mai, mauna ka na sa next class natin. Dadaanan ko lang yung accounting book ko sa locker ko." Kisses.

      "Sige. Kita nalang tayo sa room. Irereserve kita ng upuan." Mai2x.

      "Okay. Thanks." Nakangiting kumaway si Kisses saka nagpunta ng locker nya.

      Pumunta sya sa locker area at kinuha ang librong kailangan nya.

       Papunta na si Kisses sa next class nya ng may tumawag sa pangalan nya. At ng lingunin nya ito she saw Edward running towards her.

       "Kisses, wait!" Hingal na huminto si Edward sa tapat ng dalaga.

      "Oh! Edward, bakit ka tumatakbo? Hiningal ka tuloy. May kaylangan ka?" Nakangiting tanong ni Kisses sa binata.

      "I-I just want to give this to you." Nahihiyang inabot ni Edward sa dalaga ang isang paper bag.

      "A-Ano to?" Nagtatakang tanong ni Kisses habang nakatingin sa inabot na paper bag ni Edward.

      "Ahm.... Mom, made some pancakes this morning. And i bought some for you." Edward said na medyo naiilang parin.

      "Wow! Pancakes!" Amused na sabi ni Kisses. "Para saken talaga to?" Di makapaniwalang tanong nya sa binata.

     "Y-Yeah." Napapakamot sa batok na sagot ni Edward.

      "Wow! Thank you!" Masayang-masayang sabi ni Kisses. At nayakap nya ang  binata sa sobrang tuwa. "I love pancakes! Thank you talaga!"

      "Y-Your welcome." Nagbablush na sagot ng na shock na binata.

      "Ay! Malelate na ko sa next class ko. Thank yoy ulit, Edward. Alis na ko ha. Bye!" Natatarantang paalam ni Kisses sa binata.

      "Okay. Bye!" Nakangiting kaway din ni Edward sa dalaga. Sinundan nya ng tingin si Kisses hanggang makalayo ito.

       "Woah! Your blushing, dude." Pang-aasar ni Mark na kanina pa pala nakamasid sa kaibigan.

      "O-Ofcourse not!" Tanggi ni Edward na nag-iwas ng tingin.

      "Haha! I saw you blush when Kisses hug you dude. Ang sweet nya noh? And you is sweeter. Imagine you gave her some pancakes." Pang-asar parin ang ngiti ni Mark.

      "Shut up,dude!" Edward hissed sa kaibigan namumula ang tenga nito dahil sa pang-aasar ng kaibigan.

      "Dont worry dude. It's our secret. Pero you have to admit something to me." Mark.

      "Whatever, Mark. Let's go to our next class." Nag-umpisa n maglakad palayo sa nang-aasar na kaibigan si Edward.

     "Admit it dude. You gave Kisses those pancakes not just as peace offering but because you like her." Mark.

      "Your pissing me off dude. Stop it." Edward.

      "Tsk! Oo na. Hindi na kita pipiliting umamin. But if you really like her you have to tell  Criz and Axel. May the best man win nalang sainyong tatlo." Naiiling na nilagpasan ni Mark si Edward na napahinto naman dahil sa sinabi ng kaibigan.

*******

         "Ang sarap naman ng pancake na to, bes." Comment ni Mai2x pagkanguya sa isinubong pancake.

         Vacant nila at ang pancake na galing kay Edward ang pinagsaluhan nila.

        "Oo nga eh. Ito na yata ang the best pancake na natikman ko next to my mom's pancake siyempre." Kisses.

       "Haha! Tama. Si tita parin ng first siyempre. Pero si Edward talaga ang nagbigay sayo nito?" Mai2x.

     "Oo. Ibinigay nya saken kanina nung nanggaling ako sa locker ko." Kisses.

     "Wow! Mabait naman pala talaga si Edward eh." Mai2x.

      "Oo. Pero nakakahiya. Siguro naisip nya kong bigyan nito kase nakita nya na ang takaw ko nung kumaen tayo sa pancake haus." Kisses.

      "Haha! Hindi naman siguro. Pero infairness ang sweet nya ha." Sumubo uli ito ng pancake."Boto na ko sakanya para sayo."

      "Mai!" Namumula ang mukhang saway ni Kisses sa kaibigan.

      "Bakit? Sinabi ko lang naman na boto ko sakanya ha." Mai2x.

      "Anong boto? Eh, wala namang gusto saken yung tao. At mas lalong hindi naman sya nanliligaw anoh." Kisses.

       "Hindi pa nanliligaw. Pero obvious naman na tulad nila Criz at Axel gusto ka rin nya eh." Mai2x.

      "Mai naman eh! Nagbigay lang ng pancake may gusto na agad? Tsaka panu yun magkakagusto saken? Eh, ang sungit nya nga saken nung una diba?" Kisses.

      "Oo nung una yun. Masungit sya sayo. Pero hindi na ngayon. Kase nga gusto ka na nya. Tsaka di ba crush mo din naman si Edward." Walang prenong sabi ni Mai2x na ikinalaki ng mata ni Kisses. "Eeeeee!!!! Kinikilig ako!!!!" Sabay tili ni Mai2x.

     
       "Mai! Baka may makarinig sayo!" Saway ni Kisses dito. Tumingin sya sa paligid nila kung may taong posibleng may makarinig sa sinabi ng kaibigan.

      "Wala namang ibang tao dito eh. Teka.... Kisses namumula ka oh. Crush mo nga talaga si Edward noh? Uyyyy!!!!" Hindi parin itinigil ni Mai2x ang pang-aasar kay Kisses na pulang-pula na ang mukha.

      "Bes naman eh! Hindi ko nga sya crush sabi eh!" Kisses trying to hide her blushing cheeks.

     "Hahaha! Di ba nung unang araw ng klase natin sa taxation sabi mo cute sya?" Mai2x.

      "Oo. Pero sinabi ko lang naman na cute sya." Nahihiyang pag-amin ni Kisses. "Pero wala akong sinabi na crush ko sya."

      "Ganun na rin yon. Tapos sa accounting napansin mo parin sya kahit na sa sulok sya nakaupo." Mai2x.

      "Alam mo naman na observer lang ako sa paligid kaya napansin ko sya eh." Kisses.

      "At tuwang-tuwa ka nung may subject tayong business management." Nakangising pagapapatuloy ni Mai2x.

      "Mai! Wala akong matandaang ganun! Bakit ako matutuwa? Eh, hindi nya nga ako kinakausap." Pulang-pula na ang mukha ni Kisses sa pang-aasar ni Mai2x.
    

        "Kaya nga nalungkot ka diba? Pati nung sinungitan ka nya. Samantalang yung mga kaibigan nya mabait sayo. Pero ngayon okay na kayo. Nagsorry na sya sayo. Mabait na sya at binigyan ka pa ng paborito mong pancake. Ano? Crush mo na sya ulit?" Pang-aasar pang lalo ni Mai2x.

        "Mai!bes! Tama na kase!" Nagmamaktol ng reklamo ni Kisses.

       "Eeeee!!!!! Napapakanta tuloy ako. Nakakakilig....  Nakakakaba...." Kanta ni Mai2x habang patuloy sa pagkaen ng pancake.

      "Mai naman eh! Naiinis na ko. Bahala ka dyan." Nagbablush paring reklamo ni Kisses at dahil ayaw syang tigilan ni Mai2x ibinuhos nya nalang sa pagkaen ng pancake ang atensyon nya. Habang ramdam nya parin ang pamumula ng mukha nya.

        Hindi alam ng dalawa na may palapit sana sakanila kaso napahinto ng marinig ang pinag-uusapan nila.

A.N: Bakasyon is over! Back to work!!!

      Sorry for the slow updates.

      Vote and comments! Thanks!

      Thanks also sa kissward fans for the pictures im using here. Mwuah!

        Josahannbercasio.

Started with the Wrong ImpressionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon