Chapter 78: Flying/Forehead kiss

166 13 3
                                    

*****

          "Waaaaahhhh!!!! Guys, nag-umpisa na ba yung game?" Natataranta at hinihingal pang naupo si Kisses sa tabi nina Heather, Mai at Ivory na kanina pa nasa basketball court ng University. Para manood ng practice game nina Edward laban sa isa pang sikat na University.

        "Sakto lang ang dating mo bes. Mag-uumpisa palang sila." Mai.

      "Naihabol mo ba yung term paper mo?" Tanong ni Ivory.

      "Oo. Buti nalang tinanggap ni Mam kahit late na kong nakapag-pasa." Hinihingal pading humilig si Kisses sa balikat ni Heather.

     "Aaah... Napagod ka noh? Bakit ba kase nakalimutan mo na ngayon ang deadline ng termpaper nyo?" Heather.

     "Oo nga. Sabi mo gagawin mo yun kahapon di ba?" Mai.

      "Hehe... May nangyari lang kase kahapon." Alanganin ang ngiting sagot ni Kisses sa mga ito. "Ayan na sila! Mag-uumpisa na." Excited na napalapakpak pa sya ng makita na nagwawarm-up na sina Edward.

       Pero hindi nakaligtas sa mga kaibigan ang tila pag-iwas nya sa tanong ng mga ito.

      "Hmmm... I smell something fishy." Nakangising sabi ni Mai.

     "Oo nga eh. May hindi ka samen sinasabi noh?" Ivory.

       "Ha? Ayan nakatingin sila saten oh. Go boys! Galingan nyo!" Cheer ni Kisses ignoring the three.

       "Haha! Hay naku, malalaman din natin yan. For now let's cheers for them muna." Heather.

       Yun na nga ang ginawa nila. Isinantabi muna nila ang pang-gigisa kay Kisses.

           Pero kahit ang boys may nahalata sa inspiradong maglaro na si Edward.

       "Wooh! Lamang tayo!" Tuwang-tuwang sigaw ni Yong ng humingi ng timeout si Edward.

       "Mukhang ganado kang maglaro captain ah." Puna kay Edward ng isa sa kateam nila.

       "Oo nga. Panay puntos eh. Mukhang inspired." Sabi pa ng isa pa.

     "Practice game lang to bro ah. Masyado mong sineseryoso." Axel.

       "We have to win even if it is just a practice game." Edward.

      "Woah! What's with the drive, dude?" Nakakalokong tanong dito ni Mark.

       "Tsk! Let's just finish the game and win." Nakangiting sabi ni Edward sa mga kateam. Sabay tingin sa kinaroonan ng girls.

      "Parang alam ko na kung bakit." Nakangising sabi ni Criz.

        At narealize na rin ng iba pa ang tinutukoy nito, ng sundan nila ng tingin kung saan si Criz nakatingin.

      Sakto namang binigyan ng flying kiss ni Kisses si Edward.

        "Woah! Nakita nyo yun mga dude?" Nanlalaki ang mga matang react ni Mark.

       "Waaaahhhh!!! Kilig-kilig si Edward." Kinikilig na nagtatalon naman si Yong.

      "Ikaw na may lucky charm, dude." Axel.

      "Haha! Nagbablush si Captain." Nang-aasar na sigaw ni Criz.

      "You shut up, guys. Let's focus on the game." Pagsusungit ni Edward para tantanan sya ng mga kaibigan. Pero pasimple syang tumingin sa kinaroroonan ni Kisses ng magkaroon ng pagkakataon at namula lang nagblush sya ulit ng magflying kiss ulit sa kanya ang dalaga.

Started with the Wrong ImpressionWhere stories live. Discover now