Chapter 5: Guilty

703 50 5
                                    

           "Wow! Ang dame mo namang donation, Criz." Mai2x.

          Napanganga sila ng makita ang dala nitong isang malaking kahon na may laman ng mga gamit na idodonate nito sa booth nila Kisses.

         "Halos isang beses ko lang ginamit ang mga yan." Criz.

        "Siguradong marameng bibili ng mga to kapag nalaman nila na sayo ang mga gamit na to.  Hindi ba nag-donate sila Edward?" Yong.

       "Naku! Kahit wag na yung magdonate okay lang. Marame na naman tong naipon nating mga gamit eh. Tsaka after what happen kahapon baka galit padin yun." Mai2x.

        Natahimik naman si Kisses. Guilty parin sya sa naging away nila Criz at Edward.

      "Magdodonate daw si Axel at Mark." Criz.

      "Wow! Pakisabi thank you." Nakangiting sabi ni Kisses. Pero hindi todo ang ngiti nya. May kulang. At napansin yon ng mga kasama nya.

      "Wag mo ng isipin yung nangyari kahapon. Wala kang kasalanan don." Criz.

      "Oo nga. Tsaka magbabati din yang mga yan. Hindi din nila matitiis ang isat-isa." Yong.

   "Oo nga. Wag mo ng isipin yon, Princess." Criz.

     "Okay." Kisses.

     "Tulungan ko na kayong mag-ayos?" Criz.

      "Mabuti pa nga. Wala ka namang gagawin dahil wala ka na sa varsity di ba?" Yong.

      Siniko naman ito ni Criz. Sabay nguso kay Kisses.

       "Hindi ka na ba talaga makakabalik sa team nyo?" Malungkot na tanong ni Kisses kay Criz.

        "Hey! Dont be sad, Princess. Makakabalik naman ako eh. Hindi muna siguro this tournament. Kakausapin ko si Edward after ng tournament. Aayusin ko ang gusot namin." Criz.

      "Bakit hindi pa ngayon? Para makapaglaro ka pa sa tournament?" Kisses.

      "Masyado pa kaseng sariwa yung away namin. Kapag nag-usap kame hindi rin kame magkakaintindihan. Papahupain ko muna yung inis ko kay Edward." Criz.

       "Wag ka ngang maguilty. Wala kang kasalanan, Kisses." Mai.

       "Oo nga. Tama na nga yan. Tara! Mag-ayos na tayo." Yong.

      "Smile ka na, Princess. Hindi bagay sayo ang malungkot." Criz.

       "Sige na. Mag-ayos na tayo. Salamat ulit ha, Criz." Nakangiti ng sabi dito ni Kisses.

       "Your welcome." Nakangiting ding sabi ni Criz.

         "Ayan. Happy na si Kisses. Let's start." Hyper na sabi ni Mai2x.

        Then nag-start na silang mag-ayos sa booth.

*******

          "Kisses, anu bang gagawin natin dito?" Tanong ni Mai2x ng
ayain sya ni Kisses na pumunta ng basketball gym.

         "Papakiusapan ko lang sya na baka pwede nyang ibalik sa team si Criz." Sagot ni Kisses habang palinga-linga sa gym looking for Edward.

        "Ano?!? Kakausapin mo pa yun? Eh, alam mo naman na galit yon sayo di ba? Baka sungitan ka lang non. Tara na umalis na tayo dito." Aya ni Mai2x kay kisses.

         "Bukas na ang game nila kaya kaylangan nila si Criz." Kisses.

           "Pero ayaw na nga syang pabalikin ng supladong yon di ba? Tara na! Susungitan ka lang nun eh." Hinila na ni Mai2x paalis sa lugar na yon.

Started with the Wrong ImpressionWhere stories live. Discover now