Truth

2.4K 59 5
                                    

Ami's POV:

"Alright! One! And two! And Three! To the right, to the left! Yeah! Very good!" Puri ng  trainer namin.

Matapos ang practice ay kanya-kanya kaming salpak sa sahig.

"Ay grabe! Nakakapagod naman." Saad ng kasamahan ko sa practice.

"Oo nga. Nakakagutom din." Sabi din ng isa habang busy ako sa pag uunat ng mga paa ko.

"Ami, balita ko mag o-audition ka sa BH?" Aba, ang bilis ng lipad ng chismis sa kwartong ito.

"E' di ba, hindi sila tumatanggap ng female trainee?" Aniya.

"Matagal na yun girl. Malay mo pwede na ngayon." Saad ng isa.

Ok.

Yung totoo?

Kinakausap ba nila ako o nag uusap lang silang dalawa sa harap ko?

"Ami, gusto mo sumama ka nalang sa amin, mag o-audition kami sa YGP." Yaya naman nung isa.

"Sorry pero nakapagdesisyon na ako sa BH ako mag o-audition." Tumayo ako at pinulot ang gamit ko.

"Bye." Walang lingon kong sabi sa kanila at lumakad palabas ng gym.

My name is Han Ami. Thirteen years old. High school student. Maganda at sexy. At nangangarap na maging isang Idol.

Pangarap ko na makita ang mukha ko sa T.v., billboards, internet at posters. Pero may isang tao na ayaw nito.

"Ami!" Aniya sabay palo sa braso ko.

Hindi na ito bago sa akin.

"Walanghiya kang bata ka! Hindi ka na naman pumasok ano? Nagcutting ka na naman! Walanghiya ka talaga! Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo! Ano bang gusto mong gawin sa buhay mo? Ha?" Aniya sa akin habang umiiyak sa harapan ko.

"Ma. Ilang beses ko bang sasabihin na gusto kong maging Idol." Saad ko dito. Napatigil siya sa pag iyak.

"Hindi. Hindi ka pwedeng maging Idol." Aniya.

"Pero ma! Yun ang pangarap ko!" Pangungulit ko dito.

"Hindi nga pwede! Kapag nalaman ko pang nagcutting ka dahil diyan sa Idol idol na yan. Ako na ang nagsasabi sayo, wala ka ng nanay na aabutan sa bahay na ito!" Aniya at umalis sa harap ko.

Napaiyak na lamang ako sa pwesto ko.

Ano bang ayaw niya sa pangarap ko? Hindi naman masama na maging idol ah?

Tumungo ako sa kwarto ko at sumalampak sa higaan habang nakatingin sa kisame.

Kinuha ko ang cellphone na nasa bulsa ko at tinignan ang nilagay kong note doon.

*noted:
Tomorrow. 9am. BH Building. Audition.

Bukas.

Bukas na ang Audition.

Hindi ko pwedeng palampasin ito.

Ilang minuto lang ay narinig ko ang katok ni Mama sa pinto ng aking kwarto.

"Lumabas ka na diyan at kakain na." Aniya. Bumangon ako at nagbihis ng pambahay bago lumabas ng kwarto.

Dumiretso ako sa sala kung saan nakahain ang aming hapunan na mag ina. Dalawa lang kami ng mama ko at nakatira kami sa maliit na apartment na aming inuupahan. Ni minsan ay hindi binabanggit sa akin ni Mama kung nasaan ang Papa ko o ano ang itsura nito. Lagi siyang tikom bibig sa usaping iyon. Hindi ko na din siya tinatanong dahil ayokong magkasagutan pa kaming dalawa.

Habang kumakain kami ay naisipan kong buksan ang telebisyon. Masyadong tahimik ang bahay dahil kami lang dalawa.

"[Thank you for all the Support Army! More years to us!]" Napatulala ako sa telebisyon. May awarding pala ngayong gabi.

Wow.

Isa sila sa mga hinahangaan kong Idol sa Showbiz Industry.  Akalain mong Labing Limang taon na silang Idol. Isa na silang Legend na Idols kung tutuusin. Sana kapag naging Idol ako ay tumagal din kami ng ganyan.

"Patayin mo ang T.V." Ani ni mama habang pinapanood ko ang pag e-speech ng kanilang leader. Ang Kill Joy naman ng Nanay ko.

"Mamaya na po, nagsasalita pa si..." hindi ko na natapos ang panonood ng bigla niyang ibato ang remote control sa LCD ng T.V. dahilan para mabasag ito. Nabigla ako sa pag uugali ng nanay ko. Ngayon ko lang siya nakitang nagkaganito.

"Kapag sinabi kong patayin mo, papatayin mo!" Sigaw niya sa akin bago tumalikod.

"Ano po bang problema niyo? Hindi naman kayo ganyan? Bakit parang galit na galit kayo sa mga Idols? At bakit ayaw ninyo akong maging Idols? Ano po bang masama doon?"  Hindi ko na kaya. Gusto kong marinig ang rason niya kung bakit nagkakaganito siya.

Humarap siya sa akin at malinaw kong nakikita sa mata niya ang mga luhang dumadaloy sa kanyang pisngi.

"Dahil masisira ka lang Ami. Magsisisi ka lang kapag pinasok mo yang industriyang iyan." Naguguluhan ako sa sinasabi ni Mama. Masisira? Magsisisi? Hindi ko pa nga natutupad ang mga pangarap ko.

"Ma. Tapatin niyo nga ako. Ano ba talagang problema niyo?" Seryoso kong tanong sa kanya.

Nakita ko ang paglikot ng kanyang mga mata na animo'y hindi alam kung ano ang sasabihin.

"Sabihin niyo na. Makikinig ako." Mahinahon kong sabi. Umupo ako sa sahig at hinihintay ko ang eksplenasyon ng aking ina.

Napabuntong hininga ito at tumungo sa kwarto. Pagbalik niya ay may hawak na siyang kahon na ngayon ko lamang nakita.

Umupo siya sa sahig gaya ng ginawa ko at magkaharap kami. Inilapag niya sa gitna namin ang kahon at kanya itong binuksan.

May kinuha siyang litrato at pinakita sa akin.

Nanlaki ang mata ko sa aking nakita.

"Ma?" Palipat-lipat ako ng tingin kay mama at sa litrato na hawak ko.

"Naging Trainee ako sa BH nung panahon ko at kasabayan ko ang BTS." Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.

Si mama at ang BTS sa iisang litrato.

"Wow." Yun lang ang nasabi ko dahil hindi pa din ako makapaniwala.

"At sila ang dahilan kung bakit nasira ang pangarap ko." Napakunot noo ako sa sinabi ng Nanay ko.

Paanong sila ang sumira sa pangarap niya?

"Hindi ko kayo maintindihan. Ano pong ibig niyong sabihin ma? Paanong sila ang nakasira sayo?" Naguguluhan kong tanong.

"Noong gabing iyon, hindi ko matandaan kong sino sa kanila." Lalo yata akong naguluhan sa sinasabi ng nanay ko.

"Ma. Wala akong maintindihan sa sinasabi niyo. Hindi ko magets." Saad ko dito. Tumingin siya sa akin ng diretso.

"Ami. Sila ang Papa mo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng Nanay ko.

"Ano? Paanong nangyari iyon? Teka? Pwede bang maging tatay ko silang lahat? Paano?" Hindi ko tinuloy ang sasabihin ko dahil pang +19 ang nasa isip ko at alam kong may mga batang nagbabasa nito.

Pero teka nga! Possible ba yun?

Possible bang pito ang tatay ko?

I Have Seven DaddiesWhere stories live. Discover now