Runaway

761 34 4
                                    

Ami's POV:

"Negative. Wala sa kanila ang ama ng Bata." Narinig ko ang balita sa radio na nakalive sa prescon ng Bangtan. Nasa Canteen ako at rinig na rinig ng lahat ang balita.

"Oh My God! Nakakahiya! Hindi pala sya na anak."

"Eew.. sabi ko na nga ba at nagpapanggap lang siya."

"Tss.. Ambisyosa."

"Ami..." Hinawakan ni Miss Hong ang kamay ko. Agad akong tumayo at tumakbo palayo sa lugar.

Nakakahiya!

Hindi sila ang tatay ko.

Wala sa kanila ang Tatay ko.

Umiiyak ako habang Tumatakbo  palabas ng school. Hindi ko pinansin ang pagtawag sa akin ng gwardya. Basta ang gusto ko ay makaalis sa gusaling iyon at lumayo sa mga taong mangungutya sa akin. Agad akong sumakay sa unang bus na tumigil sa harap ko.

Bakit?

Bakit kasi nag assume ako na isa sa kanila ang Tatay ko?

Tama sila, masyado akong ambisyosa. Nakasira pa ako ng Career dahil sa katangahan ko.

Isa pa, picture lang naman ang meron ako. Walang-wala sa DNA result na meron sila.

"Miss, Pamasahe lang oh, Saan ka bababa?" Tanong sa akin ng Kondoktor ng Bus.

"Po?" Lutang ako sa kakaisip kaya hindi ko namalayan ang magbayad.

Napatingin ako sa paligid. Hindi ako pamilyar sa lugar. Iba ang ruta ng nasakyan ko na bus.

"Bata. Wala ng libre ngayon. Kung hindi ka magbabayad, bumaba ka nalang." Saad nito. Kinapa ko naman ang bulsa ko. Hindi ko dala ang wallet ko. Naiwan ko din ang gamit ko sa school.

"Ihinto mo ang bus!" Sigaw ng kondoktor at pinababa kaagad ako.

Napatingin ako sa paligid.

Nasan na ba ako?

Anong lugar ito?

Hindi ko alam kung paano makakauwi.

Saan nga ba ako uuwi?

Ay! Hindi ko na alam!

Umiyak na lang ako sa pwesto ko dahil hindi ko na alam ang gagawin ko..

"Mama.." Sa oras na ito, si Mama lang ang pwede kong matakbuhan.

"Mama.. sorry!" Sigaw ko.

Kung nakinig lang ako sa kanya at sinunod siya hindi sana mangyayari ito sa akin.

Kasalanan ko.

Dahil sa ambisyon ko na makilala ang tatay ko at maging Idol ay heto ang nangyari sa akin.

"Bakit? Bakit ako!" Hindi ko mapigilan ang mapatingala at tanungin ang nasa itaas.

Bakit ako?

---***----

Kai's POV:

"Nabusog ka ba sa pagkain?" Tanong ko sa pamangkin kong si Honey. Pinasyal ko siya sa malapit na theme park sa lugar dahil day off ko ngayon at nasa trabaho ang kanyang Mommy.

"Opo Tito at ang saya kanina sa theme park! Balik po tayo ulit doon!" Aniya habang nilalaro ang bola na binili ko dito.

"Oh!" Aniya ng masipa niya ang bola na kanina pa niya nilalaro at bumangga  iyon sa batang nakaupo sa sahig habang yakap ang tuhod nito. Agad naming nilapitan ito.

"Unnie, ok ka lang po ba?" Nag angat ito ng paningin sa amin at umiiyak ito.

"Bata. Anong problema? Nasaan ang magulang mo?"Tanong ko dito pero hibdi ito nagsalita.

"Ah, honey. Alis na tayo. Gumagabi na." Yaya ko sa pamangkin ko. Kinuha ko ang kamay nya upang makaalis na kami sa pwesto niya.

"Tito. Nakakaawa po siya. Isama po natin siya." Saad ni Honey sa akin.

Tumingin ako sa bata at patuloy pa din ito sa pag iyak.

"Honey, hindi natin siya kilala. At malay mo, hinahanap din siya ng magulang niya." Paliwanag ko dito.

"Pero Tito, malamig po dito sa labas. Baka magyelo siya kapag pinabayaan natin. Sige na Tito. Isama na natin siya sa bahay." Saad ng matalino kong pamangkin. Bumaling ako ng tingin sa batang nasa harapan ko.

"Bata. halika na." Hindi ito sumagot. Inalalayan ko siyang tumayo dahil mukhang nanghihina ito hanggang sa mawalan na lamang ito ng malay.

"Bata.Bata! Gising!" Mahina kong pinipisil ang pisngi niya pero wala pa din iton sagot.

"Tito! Iuwi na natin sya!" Binuhat ko ang bata at dali-dali kaming nagpara ng taxi.

---***---

Ami's POV:

"Honey, lumabas ka muna dyan. Baka maistorbo mo siya." May naririnig akong lalake ang boses.

"Dito lang po ako Tito. Baka umalis siya." Boses ng bata ang sunod kong narinig.

Napamulat ako ng mata at kulay puti na kisami ang bumungad sa akin.

"Tito! Gising na siya!" Parang mangha pang sabi ng bata at dumungaw sa akin.

"Unnie." Agad akong napabangon sa pwesto ko. Napatingin ako sa hindi pamilyar na kwarto.

"Sino ka? Nasaan ako?" Tanong ko sa batang nasa harapan ko.

"Honey. Di ba ang sabi ko wag mong iistorbuhin? Oh? Bata. Buti naman at gising ka na." Saad ng kakapasok lang na lalake sa pinto ng kwarto.

Sa palagay ko ay hindi naman siya masamang tao. Mukha namab siyang desente. At ang loob ng kwarto ay eleganteng tignan.

"Ako si Honey. Nandito ka sa bahay namin. Ikaw? Anong pangalan mo?" Tanong sa akin ng bibong bata.

"Ami." Mahina kong saad dito.

"Ami. Saan ka nakatira? May contact number ka ba ng magulang mo? Para sana maihatid na kita. Paniguradong hinahanap ka na nila." Saad nito sa akin. Napatingin ako sa orasan na nasa lamesa,sa gilid ng kama. Gabi na pala.

"Tito. Baka pwedeng dito muna siya para may kalaro ako." Saad ng katqbi kong bata.

"Honey, hindi pwede. Baka hinahanap na siya sa kanila. Kailangan niyang umuwi." Saad ng lalake.

Hinahanap?

Kahit hanapin naman nila ako wala na akong mukha na maihaharap sa kanila.

"Pwede po bang, dito muna ako? Kahit ngayong gabi lang?" Pakiusap ko sa lalake. Kakapalan ko na ang mukha ko na makitira kahit ngayong gabi lang.

Ayong umuwi sa dorm dahil sa kahihiyan na dinulot ko sa pangalan nila.

I Have Seven DaddiesWhere stories live. Discover now